Chapter 7 Buhay Estudyante

1.3K 38 1
                                    



JAQ'S  POV






Simula nanaman pala ng klase ngayon ,ang bilis talaga ng araw..Halos hindi ko nga ito namamalayan eh ,parang kahapon lang kase noong gumradute ako ng elementary kung saan magsimulang magkaroon ako pagkakataon para ituloy ang aking pangarap na makatapos ..Akala ko kase noon ay hindi nako makakatuntong ng highschool dahil nga mahirap lang ang buhay namin ..Saka sa pagkakaalam ko ay magastos ang highschool ,pero sino nga ba naman mag aakala na mayroong taong darating para tumulong sakin at sa mga kapatid ko ng sa gayon ay mabigyang katuparan ang aking pangarap na akala ko nga noon ay hanggang doon nalang ..

Haayyy salamat talaga kay Ms.Torres dahil sakanyang walang hanggang suporta sa amin kahit pa ,hindi nya naman kami kaano ano ..Mabuti nalang talaga at may mga taong ganoon ano ,yung palaging handang tumulong sa kapwa na walang anumang inaasahang kapalit ..Siguro kung wala sya ,hindi ko alam kung nakakapag aral ako ngayon ..baka hindi kase nga dahil sa hirap ng buhay ,pero dahil dumating nga sya ay ito ko ngayon nakakapag aral gayon din ang aking dalawa pang kapatid .Kaya naman nangako din ako sa aking sarili na hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na ipinagkaloob sa amin ..

Sa mabilis na paglipas nga ng panahon ay halos hindi korin namalayan na natapos kuna nga pala ang unang hakbang sa sekondarya ,at ngayon nga ay magpapatuloy ako ng dalawang taon pa para tuluyan kuna itong matapos at kasunod naman ay kolehiyo ng sa gayon ay tuluyan kunang matupad ang lahat ng pangarap ko ..

Kagaya nga ng sabi ko ay magpapatuloy ako ngayon ng aking pag aaral bilang grade eleven or senior highschool ..Sa totoo nyan ,kami ang unang batch na naging sakop ng k-12 kaya naman hindi ko maiwasan ang tensyon ..Alam nyo yung parang nakakakaba kase nga ang sabi nila para narin daw itong college kumbaga pag aaralan namin yung mga basics na pinag aaralan ng isang college student .

Noong una nga ay hindi korin halos maunawaan kung bakit kailangan pang may ganoon ,samantalang parang dagdag gastos lang naman iyon dahil nga nadagdagan ng dalawang panibagong taon ang pag aaral na dapat sana'y apat lang ..Pero ng maipaliwanag naman sa amin ang importansya nito ay naunawaan ko naman ,at masasabi ko ngang malaki din ang maitutulong nito sa mga kabataang kagaya ko ,dagdag kaalaman kase at dahil dito ay mas lalo kaming mahuhubog at magiging aware sa aming mga sarili bilang teen ager ..

Iyong iba kase na kagaya ko ng edad ay sila yung mga taong hindi pa halos makapagdesisyon kung ano nga ba talaga ang gusto nilang kunaning kurso pagdating ng highschool ,mayroong iba kase na pabago bago pa ng desisyon pero kung nagdaan ka ng k-12 koriculum kahit paano ay may idea kana ..Kagaya nga kase ng sabi ko ay para narin kaming nasa college ngayon ,kumbaga pinag exam kase para malaman kung saang track  kami magpifeet ,yung kung ano ba ang nararapat naming pag aralan sa senior high at ang naging resulta nga ng examine ko ay lumabas na may kinalaman sa math or business course ang bagay sa akin kaya naman iyon ang kukunin ko ..

Kaya naman ang kukunin kong track ay ABN (accountancy,business management)bukod kase sa ito ang naging resulta ng exam ko ay ito rin talaga ang napupusuan ko ,.Pangarap ko kaseng maging magaling na negosyante balang araw ..Ewan koba kung bakit ,kung tutuusin kase wala naman kaming kahit anong negosyo pero dyan talaga malapit ang puso ko eh ..At dahil may pangarap nga ako ay gusto koyan masimulan sa pamamagitan ng pag aaral ng mabuti ..Naniniwala kase ako sa sarili kong kakayahan ..Alam ko na balang araw magkakaroon din ako ng sarili kong negosyo ,yung kahit na maliit lang pero maipagmamalaki ko kase bunga ito ng aking pagsisikap ..

Mabuti na nga lang din at hindi rin ganoon kabigat ang pag aaral ko ng senior high dahil may makukuha rin naman kaming tulong mula sa gobyerno ,may nakalaan din kaseng budget para dito kaya hindi rin mahihirapan ang mga magulang ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon