Chapter 54 Baby Bumps ;)

1.2K 38 0
                                    








   JESSA'S  POV






   Hanggang ngayon ay hindi parin ko makapaniwala na nasa loob ng sinapupunan ko ang isang panibagong buhay na ilang panahon na lamang ang aking hihintayin ay masisilayan kuna ito ,.Akala ko nga noon ay hindi na ito matutupad ,ang akala ko hindi na mangyayari na balang araw ay mararanasan kong magdala ng isang sanggol sa aking sinapupunan ..Well pangarap ko naman kase talaga ito simula pa noong bata ako ,gustong gusto ko noon magkaroon ng baby oh kaya mag alaga ng baby ,kaya nga siguro gayon na lamang din ang tuwa na naramdaman ko ng malaman kong buntis si Gieselle noon ,.Yung imbis na husgahan ko sya dahil sa maling nagawa nya ay mas pinili ko na lamang na tanggapin sya ,unawain at ipagtanggol sa lahat ..Para kase sa akin ang pagdada ng isang panibagong buhay ay biyaya mula sa langit kaya hindi dapat ito pinagsisisihan or itinuturin na kasalan bagkus ay tinatanggap at ipinagpapasalamat. .


  Noong mga panahong iyon din kase ay alam kong kailangan ako ng aking kapatid ,kailangan nya ng isang ate na tatanggap at uunawa sa kanya ,at sino nga ba ang mag aakala na iyon pa pala ang paraan para tuluyan kaming magkaayos hindi ba ,magmula nga kase ng mangyari iyon ay hindi lamang kami nagkaayos kundi naging mabuting magkaibigan din kami bukod pa sa katotohanang magkapatid kami. 


  Nang isilang ni Gieselle si Kirby ay sobrang tuwa ko noon kaya nga sobrang naging malapit din ako sa bata kaya nga lahat ng gusto nito ay ibinibigay ko ,naging spoiled nga ito sa akin eh ,anak narin kase ang turin ko dito dahil ng mga panahong iyon ay tanggap kuna na maaring hindi na mangyayari na magkakaanak ako.,Simula kase ng mawala sakin si Jaq at magkalayo kami ay unti unti narin akong nawalan ng ganang magmahal ,para bang hindi nako naniniwala doon ,kaya imposible talagang mangyari pa ang pangarap kong magkaanak ..



  Pero isang araw bigla na lamang nabago ang lahat ,bigla ko nalang nalaman tungkol kay daddy na nakatakda nakong ikasal kay Jaq dahil nga ipinagkasundo pala kami ,kaya nga sobrang saya ko talaga noon dahil.sa wakas ay magiging asawa kuna sya kahit pa nga kalaunan ay hindi naging maganda ang pagsasama namin dahil nga sa paraan ng pakikitungo nya sa akin..Hanggang sa paglipas nga ng panahon ay unti unti rin namang naayos ang lahat sa pagitan namin nagkaayos kami ,naging magkaibigan kaya nga inakala ko na maaring ito narin talaga ang simula ng lahat ,or should i say ,ang katuloy ng kwento namin...



  Nang sabihin nila daddy na gusto nilang magkaanak kami ,sobrang saya ko .kase pakiramdam ko muli ay mabibigyan nanamang katuparan ang isa kupang hiling.,ang magkaroon ng anak kaya naman ginawa kodin talaga ang lahat para matupad iyon ,kahit pa nga ang makiusap ako kay Jaq ..Ipinakita ko kase sa kanya na talagang gusto kong magkaanak ,sinabi kupa nga na kahit ito nalang ang maging kapalit ng lahat ,sa totoo lang ang sakit ehh ,mahirap magbitiw ng ganoong salita ,yung sabihin sakanya na pagbigyan nya lang ako sa gusto ko at magiging kapalit nito ang kalayaan nya. .


  Akala ko nga ay hindi nya papayag ,akala ko ayaw nya..pero ilang araw lang ang lumipas pagkatapos ng pakikiusap ko sakanya ay bigla na lamang nagbago ang desisyon nya ..Sya kase ang kusang nagsabi kila daddy at papa na papayag na syang magkaanak kami ..Noong una nga ay hindi ako makapaniwala at talaga namang wala rin halos pagsidlan ang kagalakan ko dahio doon ,ang saya ko sobra ..Dahil nga sa wakas ay matutupad na ang pangarap ko ,ang magkaanak tapos magmumula pa ito mismo sa taong pinakamamahal ko...



  Ang kaso nga lang sa kabila ng kagalakang iyon ay hindi ko parib talaga maiwasang malungkot kase nga kapalit ng katuparan ng pangarap ko ay ang kalayaan nya ,ang tuluyan nyang paglayo sa akin ..Kaya nga kahit na alam kong kota nako sa pagdadasal at paghingi ng kahilingan sa diyos ay nagagawa ko paring muling manalangin at umasang hindi nya ako bibiguin ..



Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon