Chapter 58 Ang Batang si Cj <3

1.5K 41 3
                                    

  


   JAQ'S  POV




   Kapag masaya karaw hindi mo namamalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras ,yun bang hindi mo ito halos namamalayan.,katulad na lamang ngayon pakiramdam ko parang kahapon lamang ang lahat ,parang kahapon lang ng una namin syang masilayan ,ang maamo nyang mukha ,ang mga ngiti nya at maski ang una nyang pagdilat ,parang kahapon lang ang lahat ng iyan ,pero sino nga ba naman ang mag aakala na ilang taon narin pala ang lumipas magmula noong araw na yun ,ang araw kung kailan sya isinilang ni Jessa ..Yung batang napakacute noon at ang liit liit pa ay big girl na ngayon ..Well maglilimang taon na kase sya ,at sa napakabilis ngang panahon ay hindi ko ito halos namamalayan.,na ang batang kinakarga kolang noon ,tinitimplahan ng gatas at pinapalitan ng diaper ay isa naring estudyante kagaya ng ibang mga bata ,haayyy ang baby namin big girl na ..

  Ang batang nakatulong ng malaki upang maging maayos ang takbo ng relasyon namin ni Jessa noon ay malaki na ngayon.,kaya nga medyo nagmamatured narin ,nagiging bukas na kase ang isipan nya sa maraming mga bagay,..Hindi na kagaya noon na isa lamang syang batang musmos na walang kamuwang muwang sa mundo ..Isang bata na ang alam lamang ay demede at ,matulog .Pero ngayon unti unti naring nagbabago ang kanyang mga hilig ..

  Naalala ko nga noong matuto syang maglikod naku talaga naman ,sobra kaming nahirapan sa pag aalaga sa kanya ,paano'y natuto ng kumawag ,dumapa at gumapang kaya nga ayon nalang din ang naging takot namin noon eh dahil baka mapilayan ..Ganoon pala ano kapag naging magulang kana ,bawat galaw ng anak mo dapat binabantayan mo ,kung maarin nga dapat wag syang mawala sa paningin mo eh para hindi sya mapahamak..

  Habang lumalaki kase si Cj ay talaga namang napakakulit nya ,nakakainis na nga kung minsan eh ,nakakaubos ng pasensya pero dahil mahal ko sya hinahayaan ko nalang ..Hinahabaan ko nalang yung pasensya ko ,lalo na kapag nangungulit sya tapos marami akong kailangang tapusin na trabaho ,wala akong choise kundi unahin sya ..Minsan kase si Jessa walang tiyaga sa bata ,pero hindi naman ibig sabihin nun na wala syang amor sa anak namin ..Kung tutuusin nga todo asikaso nya ito eh ,yun nga langay pagkaistrikta si Jessa,hindi kagaya ko na ibibigay ko ang lahat para sa anak namin ,ako kase yung tipo na pagbibigyan ko nalang sa gusto nito kaysa umiyak pa ..Si Jessa kase ang daming binabawal eh ,kaya ayun madalas kami magtalo ..kagaya na lamang sa mga maliliit na bagay. .

  " bakit ba umiiyak nanaman si Cj ?? tanong ko ..

  " paano inaagaw nya yung kinakain kong cake ..sagot ni Jessa ..

  " ehh di bigyan mo kase kahit konti lang ,sabi ko naman ..

  " Jaq ang liit liit pa nya ,hindi pwede eh kung masira yung ipin ohh kaya sumakit yung tiyan ,.kontra nya ..

  " hindi yan ,konti lang naman ehh ..amina nga sya ..sagot ko naman sabay kuha kay Cj ..

  " ayan ka nanaman palagi mong pinagbibigyan yang bata ,mamaya mamihasa yan ..sermon nya ..

  " hayaan muna ,ano kaba naman ...as gusto mupa kaseng pinapaiyak eh ,.sabi ko sabay subo kay Cj ng cake at bagustuhan nya naman ito ..

  " ohh see ,gustong gusto nya ?? sabi kupa sabay subo ulet dito ..

  " haayy nakoo ewan ko ,magsama nga kayong mag ama ..muryot nyang sabi at nilayasan kami ..

  " anak ,pagpapasensyahan muna yung mommy mo ah ,pinaglihi kase sa ampalaya yun kaya ganoon eh ,sabi ko at tumawa nga si Cj ng malakas na waring naintindihan nya ako...

  " basta anak kahit ano payang gusto mo.,okay lahat yan kay daddy ..kase love na love kita ..malambing kupang sabi ..

  Hanggang sa paglipas nga ng mga araw kung saan hindi maiwasang magtalo kami ni Jessa tungkol kay baby ,pero gayon pa man ay magkakaayos parin kami ..Syempre ayaw rin naman kase naming nagpapatalo sa mga ganoon kababaw na tampuhan ..

Perfect Imperfections (lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon