Natapos muli ang isang araw na hindi ko kapiling ang prinsipe.
Ikinuwento ko ang aking pakay sa pito kaya lahat sila'y nagtulong-tulong upang hanapin ang sana'y naging asawa ko. Ngunit sa kabila noon, wala kaming nakalap na impormasyon. Walang nakakaalam ni ang sariling kaharian ng prinsipe ay walang alam kung nasaan siya.
Buntong-hininga na lamang ang palaging lumalabas sa aking bibig. Bakit ba niya ayaw magpakita sa akin? Ang nais ko lang naman ay ang malaman ang katotohanan mula sa kanya. Kung bakit niya ako iniwan. Kung anong nagawa kong mali. Kung...
Kung mahal pa ba niy ako.
Naroroon pa rin ang sakit sa tuwing tinatanong ko iyon sa aking sarili. Napakasakit isiping hindi ka na mahal ng iyong minamamahal. Ngunit malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong may dahilan ang lahat. Ang pag-iwan at ang paglisan. Alam ko.
Nagkiislapan ang mga bituin sa langit. Ang langit ay nababalot na ng dilim. Ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha. Huminga ako ng malalim. Napakaganda.
"Anong ginagawa niya rito sa kagubatan?" Narinig ko ang isang tinig.
Nakakumpo ang pitong dwende sa loob ng bahay habang ako nama'y naririto sa labas at nagpapahangin. Palagi ko na lamang silang nakikitang nag-uusap-usap nang paihim. Tila may sikretong hindi dapat matapon at magkalat. Hindi ko na lamang sila inapansin sa kanilang sariling mundo. Ang paghahanap sa prinsipe ang aking sadya, hindi ang sikreto ng iba.
Nagkalat muli sila at nag-ayos na para sa pagtulog. Busog na busog ang lahat sa kinaing baboy-ramo. Magaling din pala sila sa pangangaso kaya nakakahuli ng malalaking at matatabang hayop. Hangang-hanga ako sa kanila.
Pumasok na ako at naghanda na rin sa pagtulog. Gumawa sila ng isang kama para sa aking pagtira rito. Ginawa nilang komportable ang pagtira ko sa kanilang tahanan. Kaya naman laking pasasalamat ko sa kanila, sa kabutihan nila. Dahil siguro dito ay nabihag nila ang puso ng aking ama.
Kinaumagahan ay ramdam ko ang init na lumalagpas sa bintana. Tumama ang init sa aking mukha. Bumangon ako't umupo upang mag-unat. Masaya sana ang aking gising kung sakaling nasa tabi ko ang prinsipe. Muling naramdaman ko ang bigat ng aking dibdib. Hanggang ngayo'y wala pa rin akong nalalaman kung anong kalagayan niya.
Nag-aalala ako.
Nangilid ang aking luha ngunit pinawi ko iyon at pinigilan. Dapat ay magpakatatag ako. Hahanapin pa ko pa rin ang nawawalang pag-ibig na tanging sa kanya lamang aking nakita.
Tumungo ako at aking nasilayan ang isang rosas. Rosas? Anong ginagawa ng isang bulaklak dito sa aking kama? Hindi naman ganito ang paraan ng pagbati sa akin ng mga kaibigan ko. Nagkibit balikat na lamang ako at nilagay sa likod na bulsa ng aking pantalon ang rosas.
Pagkalabas ko'y aking naamoy ang masarap na amoy. Kumulo ang tiyan kong kanina pa pala'y wala pang laman. Nadatnan ko ang mga dwenteng naka-upo at nagkwekwentuhan. Nagtama ang paningin namin ni Doc.
"Magandang umaga, Prinsesa Snow. Halika, mag-almusal ka muna," Lumapit ako sa hapag at kumuha ng tinapay at ang baso ng mainit na tsokolate.
"At mamaya, sasama ka muna sa aming magligalig sa kagubatan. Maraming lugar sa kabutan na magaganda at kaakit-akit. Sa tulad mong napakandang dalaga'y kailangan din ng pahinga."
Dahil na rin sa naisip kong ilang araw na akong walang masyadong paginga at inisip kundi ang prinsipe, pumayag na ako.
BINABASA MO ANG
The Snow White Effect #Wattys2017
AdventureHahanapin niya ang kanyang nawawalang pag-ibig. Ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipa'y tuluyan nang masasagot. Mga tanong na tanging ang tao lamang iyon ang makakasagot. Ngunit sa pagbuo ng mga piraso, maisasalba ba ng pag-ibigan nila an...