2. Paglalakbay

16 7 0
                                    

Ilang araw na nang lisanin ko ang aming kaharian. Hindi ko malaman ngunit ramdam kong nandidito si Prinsipe Charlie. Nasa loob siya ng mapanganib na lugar na ito.

Naglalakad ako papasok sa masukal na kagubatan. Ang lugar ay madilim at kakaunting liwanag lamang ang tumatagos dahil sa nakapaligid na matatayog na mga puno. Tanging ang pagyapak lamang ng aking mga paa sa mga tuyong dahon ang naririnig. Ang mga insektong nag-iingay. At ang lamig ng ihip ng hangin.

Katulad ng sinabi sa akin ng amang hari, maraming mababangis na hayop ang nagkalat sa gubat. Mga baboy ramo, usa, at kung minsan ay mayroon ding mga leon. Dito nakukuha ng mga magigiting na mangangaso ang kanilang kinakain sa pang-araw-araw.

Malayo-layo pa ang aking nilakad nang may naramdaman akong nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung nasaan ngunit ramdam ko ang init ng titig nito na tumatagos sa aking pagkatao.

Napalingon ako sa likod nang narinig ko ang mabilis nitong pagtakbo sa kung saan. Bumibigat ang aking paghinga, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa takot. Pero alam kong kailangan kong maging matatag kung sino o kung ano man ang nasa likod ng nararamdaman ko titig.

"Sino ka?! Magpakita ka, ngayon din!" Sigaw ko. Inilabas ko ang espadang bigat ng aking ama.

Ang kakaunting sikat ng liwanag na tumatama sa akin ay unti-unting nilulukob ng dilim. Bumaba ang aking tingin nang mawari ko ang malaking aninong nagtatakip ng akin.

Lumingon ako at nasilayan ang malaking leon na handa na akong lamunin at itira sa kanyang tiyan. Mabilis ang pangyayari. Nakailag ako't tumakbo mula sa kanya. Rinig ko ang dumadagundong nitong mga ungol. Mabagsik at nakakatakot.

Mabilis ang kanyang pagtakbo. Nahahabol niya ako. Lumalakas ang mga ungol na pinapakawalan niya na nagpapatunay na malapit na siya sa akin. Bumibilis na rin ang pintig ng aking puso. Tumatakbo na ako sa malalim na bahagi ng kagubatan.

Nagtago ako sa likod ng isang malking puno. Mabibigat ang mga hiningang binibitawan ng aking bibig ngunit pilot kong winawaksi iyon upang hindi maalarma ang leon.

Rinig ko ang mabibigat na hakbang nito pakanan at pakaliwa. Tila hinahap niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata maging ang kanyang ilong. Paano ako makakatakas?

Nagtungo ang atensyon ko sa itaas ng isang puno. Hindi ko maaninag kung sino man ang nakatayo sa sanga, tanging anino lamang niya ang nakikita ko at ang nakapormang mga braso nitong hawak ang pana. Ngunit napilis ang tingin ko nang marinig ko ang sari-saring sigaw ng ilang mga tao. Hawak nila'y sibat at espada. Ngunit ang nakakabigla'y maliliit sila.

Narinig ko na lamang ang maliit na ungol ng leon. Dumaloy ang dugo sa kanyang katawan. Pinagsasak ng mga malilit na tao ang leon. Ngunit hindi roon nakatingin ang aking mga mata kundi sa isang palasong kulay ginto na nasa may ulunan ng mabangis na hayop.

Kinuha ko iyon at tinitigan. Mayroong nakaguhit sa dulo nito.

Mansanas?

"Maayos lang po ba kayo, mahal na prinsesa?" Tumingin ako sa nagsalita.

Katulad ng lahat, maliit siya ngunit mayroong salamin. Mababatid kong matalino ang isang ito.

Tumango ako, "Kilala niyo ako?" Tanong nito.

Ngumiti ito at nagsalita, "Kami ang inutusan ng mahal na hari na magbantay sa inyo."

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon