"Ano ba sa mga salitang 'huwag mo na muli akong lalapitan' ang hindi mo naiintindihan?"
Kumaluskos muli ang mga damong yinayapakan ng aking mga paa. Nakahiga si Eric sa tabing ilog, tinatakpan ng kanyang braso ang kanyang mga mata na batid kong nakapikit. Maglalakad na sanang muli ako patungo sa kinahihigaan niya nang magsalita siya.
"Tigil." Puno ng pagbabantang saad nito at umupo. Nakaharap na ngayon ang kanyang likuran sa akin.
Nabato ako sa kinatatayuan. Hindi na muli akong nagtangkang lumapit at pinagkrus na lamang ang aking mga braso. Ano bang problema nito sa akin napakainit ng dugo. Pilit niya akong pinapalayo sa tuwing naiisip kong dalawin siya sa paraisong ito. Ang mga dwende'y tila nagtataka na rin kung sinong o anong ipinupunta ko rito ngunit hinahayaan na lamang nila ako.
"Hindi ikaw ang aking sadya kundi ang mgandang lugar na ito. Nais ko sanang magpalipas-oras dito. Presko at sariwa." Nakatingin ako sa langit at suminghap.
Tumayo na ito't pinagpagan ang mga dahong nakakapit sa kanyang kayumangging pantalon. Kahit sa pagkakatayo'y hindi maikakaioa ang kagandahang lalaki nito. Napakakisig. Katulad ni... Iwinaksi ko ang aking iniisip. Umiling ako. Hindi, magkaiba sila. Magkaibang-magkaiba. Huwag mong pinaghahambing ang dalawang napakalayong tao.
"Pwes. Pumunta ka na lamang rito kapag wala na ako. Paalam." Nagsimula nang humakbang ang kanyang matitikas na mga binti.
"Teka!" Bigla ko na lamang naramdaman ang mabilis na pagtakbo ko patungo sa kanya, "Hintay..." Tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
Tila nakita ko ang pagnginig ng kanyang katawan at ang munting pagsinghap nito. Dumapo ang kanyang kaliwang kamay sa kanang braso. Kung saan naroroon ang bendang mayroong bahid ng matingkad na pula mula noong isang araw. Nalipat doon ang aking paningin. Tila may isang bahagi ng aking utak na nais himasin iyon at gamutin. I-aabot ko na sana ang aking kamay nang mabilis humarap ang lalaki sa akin at hinampas palayo ang aking kamay. Suminghap siyang muli.
"Bakit ba napakatigas ng iyong ulo, Snow White?!" Galit at madilim ang kanyang tono. Naririnig ko ang mababang paghinga nito, ang pagtaas-baba ng kanyang matigas na dibdib. Pinagpapawisan din siya ng sobra.
Mayroon sa paraan ng kung paano lumabas ang aking ngalan mula sa maninipis at mapupulang labi. Mga ala-ala ng masasayang nakaraan. Ang paraan ng kung paano pumaskil ang masayang ngiti sa kanyang labi, ang kanyang kayumangging mga mata, ang maninipis at mapupulang labi. Ang sarap pagmasdan ngunit nawaksi an lahat, unti-unting naglalaho sa ihip ng hangin ang kanyang mukha at pinalitan ng nasa aking harapan.
Si Eric. Bakit ko siya nakita sa katahuan niya?
"Bakit hindi mo na lamang ituon ang iyong atensyon sa paghahahanap ng lalaking nang-iwan sa iyo sa gitna ng altar?! Pabayaan mo lamang ako, hindi ba maaari iyon? Wala kang mapapala sa akin!" Sigaw nito sa akin.
Tumakbo ito papalayo sa akin. Iniwan niya akong nag-iisa. Katulad ng paglisan ng prindipe sa aming kasal. Ngunit sa pagkakataong ito'y tila doble ang sakit ng paghiwa ng punyal sa aking puso. Nahulog ako sa aking mga tuhod.
Namalayan ko na lamang ang malayang paglagbas ng mainit na likido mula sa aking mga mata.
Bakit masakit sa puso ang paglisan ng estranghero?
BINABASA MO ANG
The Snow White Effect #Wattys2017
AdventureHahanapin niya ang kanyang nawawalang pag-ibig. Ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipa'y tuluyan nang masasagot. Mga tanong na tanging ang tao lamang iyon ang makakasagot. Ngunit sa pagbuo ng mga piraso, maisasalba ba ng pag-ibigan nila an...