17. Ang Nakaraan

16 3 0
                                    

Hindi matanggap ni Snow ang kanyang napagtanto. Makulimlim ang kalangitan at unti-unting lumuluha ang ulap sa itaas. Tila dinarama rin nito ang nararamdaman ng aking prinsesa.

Nagtatago ang bruha sa loob ng masukal na kagubatan. Tila ramdam ng lahat ang muling pagbabanta sa buhay ni Snow White.

"Mahal..." Hinaplos ko ang kanyang braso.

Patuloy pa rin ang kanyang pagluha. Hindi ko malaman kung gaanong sakit ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita siyang ganyan. Naglandas ang aming paningin ng hari, nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang sakit at pagkabigo. Hindi niya inasahang ganoon nga ang tunay na kulay ng kanyang ipinagpalit sa pumanaw na reyna.

Naglakad ang hari patungo sa amin ng prinsesa. Nakaluhod at nakayuko ang ulo ni Snow White habang bumababa mula sa kanyang mga mata ang masasaganang luha. Mabibigat ang hakbang ng hari, tila nanghihina ang kanyang mga paa. Bumagsak ang kanyang mga tuhod at doon...

Siya'y umiyak.

Nakikita ko ngayon ang isang haring hindi lamang ang hatid ay kasiyahan sa lahat. Ngayon, naroroon ang presenya ng sakit at pighati. Naroroon ang luhang napakainit na tila pinapaso siya. Ang kahinaan ng kanyang katawan at ang paraan ng mahigpit nitong pagyapos sa kanyang nag-iisang anak.

At doon, nasilayan naming lahat ang isang lalaking nagmamahal ng tunay kahit pa'y nasasaktan na.

Umiwas ako ng tingin. Paanong natawag akong prinsipeng itinakda para kay Snow White kung ganito lamang din ang aking nasisilayan? Nasasaktan ang aking minamahal... Hindi dapat ganito ang kanyang nararamdaman. Kasiyahan ng prinsesa at hari maging ang buong kaharian ang dapat nilang maramdaman.

Naramdaman ko na lamang ang pagtindig ng aking mga paa. Ang kanilang paningin ay lumipat sa akin. Puno ng pagtataka ngunit ramdam pa rin doon ang sakit. Nagkalat ang pira-pirasong bloke ng palayo. Tila delubyo ang hatid ng kapangyarihan ng bruha. Sakim at galit. Kailangan na dapat itong tuldukan.

Buhat ang aking sandata, naglakad ako patungo sa malaking pintuan. Nararamdaman ko ang determinasyon sa aking sarili, ang galit ko para sa bruha. Ngunit naramdaman ko ang tila kuryenteng dulot ng kanyang mainit na haplos. Nakaharap ang aking likod sa kanya ngunit ramdam ko ang kanyang hiningang nagdudulot ng killiti sa aking tiyan. Mahal...

"Sasama ako..." Mahina nitong sambit.

"Mahal..."

Naglapat ang aming mga kamay. Mahigpit ang aking pagkakahawak. Naipikit ko ang aking mga mata. Ayaw ko mang bumitaw siya'y kailanga. Gusto ko mang sumama siya'y mapanganib para sa kanya. Ayokong sa oras na ito'y ttuluyan na siya ng bruha.

Unti-unti'y dumulas ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya't naramdaman ko na lamang ang lamig ng hangin.

Mabigat ang aking mga hakbang tungo sa bukana ng pintuan.

Kailangan ko na itong gawin. Tatapusin ko na ang hasik ng lagim ng bruha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon