3. Ang Pitong Dwende

18 7 0
                                    

"Kayo ang pitong dwende?"

"Tama. Ako nga pala si Doc. Si Happy, Bashful, Dopey, Sleepy, Si Sneezy, at si Grumpy." Isa-isang tinuro ni Doc ang lahat ng kasamahan niya.

Iba-iba ang kanilang emosyon katulad ng pangalan nila. Masayahin, mahiyain, palatawa, antukin, sipunin at ang palaging galit. Tila alam ko na kung paano ko sila makikilala agad.Isa -isa silang nagsilapitan sa akin at nagbigay-galang. Natutuwa ako sa kanila. Kaya pala sa kanila ako pinagbilinan ni ama dahil busilak ngang talaga ang kanilang puso. O hindi...?

"Anong nasa kamay mo?" Pagalit na tanong ng isa. Si Grumpy.

Muling napadako sa palaso ang aking tingin. Mahaba ito at balot ito sa matingkad na kulay na ginto. Humigpit ang aking hawak at tumingin sa paligid. Nawalang parang bula ang anino sa itaas.

"Isang palaso. Sa tingin ko'y nanggaling ito mula sa estrangherong nakita ko sa itaas ng punong yon." Sagot ko.

"Maaari ko bang tingnan, prinsesa?" Tanong sa akin ni Doc.

Ini-abot ko ito sa kanila at sinuri. Hinimas-himas nila ito nang nakakunot ang noo at tila ba'y nalalaman kung saan nanggaling ang sandata.

"Sa tingin mo, sa kanya galing ang paso?" Ang mahina ngunit dinig kong bulong ni Sneezy na katabi lamang ni Doc.

"Maaari..." Pagsagot ni Doc.

Nagkumpol-kumpol silang lahat sa pabilog na porma. Nag-uusap-usap. Iniwan akong nagtataka kung anong mayroon. May itinatago ba ang mga ito mula sa akin?

"Anong meron?" Lumapit ako sa kanila at nagtanong.

Napatalon sila sa gulat na animo'y ngayon lamang nila napansin ang presensya ko. Mas lalong napuno ang aking isipan ng mga katanungan at pagtataka.

"W-Wala, prinsesa.." Si Dopey ang sumagot.

"Tama, tama. Wala lamang iyon, prinsesa." Segunda ni Sleepy.

"B-Bakit hindi na lamang tayo tumuloy sa aming tahanan. Tayo na't dumidilim na rin. Siguro'y gutom na ang mahal na prinsesa." Masayang saad ni Doc.

Pumila ang pito, nasa hulian si Bashful at ako'y hinawakan sa kamay at nkami'y humayo sa kanilang tahanan. Hindi gaanong kalayo ang aming tinahak. Nasilayan namin ang papalubog ng araw. Sinusunog ng kulay kahel ang kalangitan. 

Napagandang pagmasdan. Siguro'y mas lalong gaganda ang litrato kung nasa aking tabi ang mahal kong prinsipe. Naramdaman ko ang luhang nagbadya sa aking mga mata. Pinalis ko ito humarap sa kanila.

"Nandito na tayo, mahal na prinsesa," Nagsalita si Grumpy.

"Maligayang pagdating sa aming mumunting tahanan!" Maliban kay Grumpy ay binati nila ako.

Ang bahay ay pangkaraniwan lamang. Maliit na kyang ukupahan ng lahat ng pito. Maliit ang lahat ng bagay. Mga upuan, mesa, maging ang pitong mga kamang naroroon. Simple ngunit maganda.

Naghanda ang lahat para maghapunan. Nagluto si Sneezy, Bashful, at Doc habang naghahanda ng mesa sina Dopey, Sleepy, Grumpy, at Happy. Habang pinagmamasdan ko sila'y tila nakakakita ako ng isang buong pamilya. Simple ang pamumuhay ngunit sa kabila nito'y masaya pa rin silang nagkakasama.

Naalala kong muli ang mga panahong naroroon pa rin sa bahay ang mangkukulam. Sa gandang taglay nito ay hindi mahahalatang masama at may binabalak na masama sa amin. Nang dahil sa kanya'y hindi ko na maramdaman ang pakiramdam ng may buong pamilya.

Mabuti na lamang ay namulat si ama sa lahat ng kasamaan ng mangkukulam. Ang pagbabanta sa aking buhay upang siya na ang pinakamaganda aa buong kaharian. Ang lahat ng pagpapanggap. Lahat ng iyon ay nalaman ng hari ngunit hindi nagpatinag ang mangkukulam at nilabanan sila gamit ang salamangka. Ngunit hindi nagtagal, mas nanaig ang kabutihan.

Ang Prinsipe Charlie ang tumapos sa lahat ng kasamaan ng bruha.

Nabalik na lamang ako sa realidad nang nay humila sa laylayan ng aking kamiseta.

"Kumain na tayo, prinsesa?" Nahihiyang sambit ni Bashful.

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon