15. Sino si Eric.

12 5 0
                                    

Nasa loob kami ng masukal na kagubatan. Tumatakbo. Umaalingawngaw ang nakakatakot at nakakarinding halakhak ng bruhang tinuring na ina ni Snow White. Umabot sa aming kaalaman na siya ang dahilan sa mga aksidenteng muntikan nang kunin ang buhay ni Snow.

"Takbo! Sige! Takbo pa! Tingnan natin kung saan kayo makakapagtago mula sa akin!" Pagsigaw ng bruha at humalaklak.

Nawala na sa anyo nito ang kagandahan. Namumulubot na ang kanyang mukha, kulay abo na rin ang kanyang buhok. Nababalot siya ng itim na usok at nakalutang sa ere habang hinahabol kami. Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko ang mahigpit nitong hablot sa aking braso. Bumabaon ang kanyang kukuo sa aking balat.

"Snow! Takbo! Bilis!" Nagtama ang aming tingin.

Ang tila kakulay ng itim na gabi na buhok, ang sing-puti ng nyebeng balat, ang mga matang tila nangungusap at napakaraming ekspresyon. Napakaganda naman talaga ng aking mapapangasawa. Kahit ang kanyang mukha'y nababalot ng hindi magandang emosyon ay hindi pa rin maikakailang siya nga ang pinakamarikit sa buong kaharian. Walang iba kundi ang aking Snow...

"Paano—" Pinutol ko ang kanyang mga salita.

"Humayo ka na't iwan na ako."

Nagsilapasan ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Humahagulgol siya. Humigpit ang kanyang kapit sa aking kamay. Napakalambot ng mga iyon na tila nais ko itong hawakan panghabambuhay. Ayaw mang gawin ng puso ngunit ang isip ang nagdesisyon. Unti-unting kumakalas ang aking kamay sa kanya. Umiling siya't yumuko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari nang mawala ang init ng kamay niya sa akin. Tanging naramdaman ko na lamang ay ang sakit na dulot ng kukuo ng madrasta at ang saganang dugo sa aking braso.

Mahal kita Snow... Babalik ako. Para sayo. Para sa atin.

Naghahabol ako ng hininga nang ako'y magising mula sa bangungot na iyon.

Naramdaman ko ang hapdi ng aking sugat sa braso. Tumatagos sa akin ang liwanag ng araw mula sa bintana. Ramdam ko ang daloy ng pawis sa aking katawan. Nakayuko ako't nakatitig lamang sa aking mga kamay.

Ang bangungot na iyon... Ang bangungot na hindi ko makakalimutan. Nilalaman nun ang pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay at kay Snow.

Snow...

Naipikit ko ang aking mga mata nang mariin. Hinahanap niya ako. Pilit pa rin niyang itinatama ang aking pagkakamali. Ang magkita kami at bumuo ng magandang pagtatapos. Ngunit tinatanong ko ang aking sarili. Tunay nga bang posibleng magkaroon ng ganoon ang aming kwento?

Nang dahil sa pangyayaring iyon, gumawa ako ng desisyon upang hindi masaktan si Snow. Gumawa ako ng paraan para lumayo ang kamatayan palayo sa kanya. Nais ko lamang naman na mabuhay siya at kailanman ay hindi na masasaktan.

Ngunit nagkamali ako.

Hinahabol pa rin niya ako.

Mali man ay tila nais ko siyang hagkan ng buong puso. Nais kong magpaliwanag at magtapat sa kanya. Nais kong magmahalan na lamang kami at maging masaya panghabambuhay. Hindi ko inintindi ang sakit sa tuwing nilalapitan niya ako. Hindi ko inintindi ang daloy ng mainit na dugo sa aking katawan para lamang mahawakan kong muli ang aking mahal. Sa una'y akala ko kaya ko siyang palayuin mula sa akin, subalit...

Ako pala ang naglalapit sa sarili sa kanya.

Ako ang naglalapit ng kamatayan sa buhay niya.

"Bakit ka nandito?" Narinig kong tinig ni Grumpy.

Kilala ko sila. Ang pitong dwendeng alam lahat ng ukol sa akin at ang sumpa. Sa kanila nakasalalay ang kaligtasan ng prinsesa. Ang maglalayo kay Snow mula sa akin.

"Alam mo naman kung anong sitwasyon, hindi ba? Bakit mo pa pinagpipilitan ang iyong sarili sa kanya? Akala ko ba'y lumalayo ka na mula sa prinsesa?" Pinigilan ng ibang dwende si Grumpy upang hindi ako suntukin.

Ayoko. Ayaw ng aking pusong lumayo mula kay Snow. Sa aking mahal...

"Alam kong mali. Ngunit anong magagawa ko?" Sinipat ko sila ng tingin, "Mahal ko si Snow. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Kahit ako ang nag-iwan, nangungulila pa rin ako sa kanya. Bakit ba hindi niyo maintindihan?"

Bakit ba ganito ang tadhana? Bakit ba ako pilit na nilalayo nito mula sa taong ang tanging ginawa'y bigyan ng kulay ang aking buhay. Ang taong hahawak sa aking kamay tuwing ako'y nalulumbay. Ang taong hahagkan sa akin tuwing ako'y luluha. Ang taong dapat ay kasama ko na panghabambuhay... Bakit?

"Ngunit anong magagawa natin!? Hindi na mababago ng lahat ang sumpa. Sa ayaw mo man o nais, ikaw ang makakapatay sa prinsesa. Ikaw magiging dahilan ng kanyang pagkamatay!" Sigaw ni Grumpy.

"Maliban na lamang kung ang propesiya'y tunay. Ang prinsesa ang kikitil sa taong papatay sa kanya." Pagtuloy ni Doc.

Tama. Ako ang mamamatay. Ako dapat ang mamamatay. Huwag si Snow White.

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon