8. Misteryoso

9 7 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?!" Bulyaw ni Eric nang magising ito sa kanyang pagtulog sa isang puno.

Muli akong bumalik dito sa lugar kung saan una kaming nagka-usap. Presko pa rin sa pakiramdam ang magandang tanawin. Naamoy ko dulot ng mahinang pag-ihip ng hangin ang halimuyak ng mga bulaklak, ang mga ibon ay humuhuni na tila hinehele ako sa langit, at ang paghampas ng mumunting agos ng tubig sa ilog.

"Bawal na bang bisitahin ang isang bagong kaibigan?" Naroroon pa rin siya sa itaas ng puno. Tumatakip sa kanyang mukha ang pulang balabal. Habang ako nama'y nasa ibaba lamang at nakasandal sa puno.

"At kalian pa tayo nagging magkaibigan, ha? Mahal na prinsesa?" Naroroon muli ang sarkastiko sa kanyang tinig.

"Magmula noong unang niligtas mo ang aking buhay. Hindi ba sinabi kong tinatanaw kong malaking utang na loob iyon? Kaya heto, nakikipagkaibigan na ako sa'yo." Pagsimangot ko.

Tutol ba siya sa pagiging kaibigan ng isang maharlika?

"Wala akong sinabing magkaibigan na tayo. Ako'y hamak na isang taong niligtas ka lamang sa isang leon. Tapos. Pwede ka nang umalis." At ipinikit nito ang mga mata.

"Basta! Magkaibigan na tayo. Kilala mo naman na ako. Ang prinsesa ng napakalayong kaharian—" Pinutol nito ang aking sasabihin.

"Kilala nga kita. Isang mahiyain, mababa ang loob, busilak ang puso at kung ano-ano pang sinasabi ng lahat ngunit ako? Kilala mo ba ako? Pangalan nga lang ang alam mo tungkol sa akin, eh." Masungit nitong saad.

"Pwes, estrangherong ngalan ay Eric, bakit hindi mo ipakilala ang iyong sarili sa akin."

"Ayoko."

"Bak—"

"Mas mabuting wala ka nang alam..." makahulugang saad nito, "Mabuti pa'y lumisan ka na sa aking harapan. Huwag mo nang muli akong lalapitan."

Tumayo ito sa sanga ng puno at tiningnan ako ng kanyang kayumangging mga mata ng napakasama. Namamawis ang kanyang noo habang ito'y kunot na kunot. Hindi naman ganoon kainit ang liwanag ng araw ngunit anong nagpapapawis sa kanya ng todo. Sa pagtalikod nito mula sa akin ay tila nahagip ng aking mga mata ang bagay na naroroon sa kanyang kanang braso.

Ang benda nitong nagtatakip sa kung ano'y binalot ng tuldok-tuldok na matingkad ng kulay pula. Nanlaki ang aking mga mata.

Dugo.

Tila naalarma ang buong sistema sa aking katawan. Si Eric ay nasugatan. Tila malalim ang kanyang sugat dahil sa patuloy na pagpagsurugo nito. Hinawakan nito ang braso nang napakahigpit at tuluyang nilisan ang lugar. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang ang kanyang papalayong pigura.

Nabatid ng aking isipan na ang katauhan ni Eric ay napakamisteryoso. Mayroon sa kanyang pagkatao ang tila sobrang pamilyar sa akin ngunit mayroon ding bahid ng hindi katotohanan. Hindi ko masabi kung ano itong panghihinayang na aking nadarama sa taong may kayumangging mga mata at pulang balabal. Malihim at tila sadyang mapanganib.

Subalit mayroon bahagi sa aking sarili ang nais alamin ang kung ano man ang mayroon sa kanyang pagkatao. Iwinaksi ko na lamang ang nasa isip at mabuti pa'y lumisan na ako't umuwi. Papalubog na rin naman ang kahel na araw. Baka'y hinahanap na ako ng mga kaibigang dwende.

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon