16. Ang Mansanas

11 5 0
                                    

Malalim ang aking buntong hininga.

Ilang araw na mula nang umamin si Eric sa akin. Mula noong araw na iyon, nawala na lamang siya sa tahanan ng parang bula. Pagbalik ko mula sa aking pagliligalig sa labas ay naiwang nakabukas ang bintana sa tabi ng aking kama. Magulo iyon at nakakalat ang kumot sa sahig.

Nagtanong ako sa mga dwende ngunit ang sabi'y baka'y lumisan na umuwi sa kanila. Hindi ko mawari ngunit ramdam ko noon ang pag-aalala sa kanya. Hindi pa siya gaanong magaling at malala pa lamang ang lalim ng sugat ngunit umalis na lamang siya ng ganon-ganon na lamang?

Isa pa sa mga gumugulo sa aking ulo'y ang iba't ibang mga damdaming nararamdaman ko sa kanya. Sa mga araw na hindi ko siya nasilayan ay nangungulila ang nasa loob ng aking dibdib. Tila hinahanap nito kung nasaan ang nagmamay-ari sa kanya. Kung sinong alam niya'y sasaya siya.

Ngunit iba ang tinatakbo ng aking utak kung sino...

Si Eric. Ang taong kung kailan lamang ay umamin sa akin ng kanyang pagmamahal. Ang taong nasa likod ng anino ng prinsipe. Ang taong nawari ko na lamang na nagbabantay sa akin at nagpapakita ng pag-aalaga sa likod ng kanyang pulang balabal.

Ano nga ba ang aking nadarama? Bakit tila bumibilis ang pagpintig ng aking puso sa tuwing dumadaan sa aking isipan ang kanyang mga matang kayumanggi, ang kanyang ilong na mayroong hikaw nabilog, at ang kanyang labing mapupula na tila napakasarap halikan.

Halikan...

Kailanman matapos ang pagrereyna ng masamang bruha sa tabi ng amang hari'y hindi ko naramdaman ang labi ng prinsipe sa akin. Ni isang beses ay hindi niya ako hinalikan sa kahit anong bahagi ng aking mukha. Hindi ko malaman ngunit ngayon ko lamang iyon napagtanto. Tanging haplos lamang ng kanyang kamay at ang higpit ng kanyang bisig sa akin ang naramdaman ko. Iwinaksi ko na lamang ang iniisip ngunit ngayo'y bumalik na naman muli.

Bakit?

Iyon na ba ang kanyang pahiwatig na hindi niya nais ang pakasalan ako?

Minahal ba niya ako?

Nawala na lamang ako sa aking malalim na pag-iisip at napatigil sa paglalakad ng napansin ko ang kulay na kahel na sinusunog ang kalangitan. Napalayo na pala ako mula sa bahay. Tinatakpan ng ilang puno ang kalangitan ngunit nasisilayan ko ang paghulog ng araw sa malayo. Unti-unti'y binabalot ang kalangitan ng kulay itim at nagsisinagan ang mga bituin sa langit. Naglalakad na ako patungo sa aming bahay nang may naramdaman akong dumaplis sa aking braso. Naramdaman ko ang pagbagsak ng kung ano o kung sino man iyon.

Naaninag ko sa kanyang mata ang ilaw ng buwan. Napakaganda nun na tila pamilyar sa akin. Nakasuot ang babae ng balabal na balot sa kulay ng puti na katulad ng kanyang kutis ay maputi rin tulad ng isang porselana. Iniabot ko ang aking kamay upang tulungan siya.

"Patawad." Paghinging paumanhin ko.

Hindi ko mawari ngunit may tila kung ano ang nagsasabi sa akin upang tulungan ang taon ito. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko mawari kung sino ang taong ito. Sino sya?

Iniabot din niya ang kanyang maputing kamay na lumantad sa aking mga mata. Katulad ng akin ay maputi rin ito. Ang mahahaba nitong mga daliri na tila malambot sa pagdampi nito sa akin. Mainit at tila malamig. Hindi ko mawari ngunit masarap sa pakiramdam.

Tumayo siya mula sa pagkakabagsak at pinagpagan ang sarili.

"Ayos lamang ako." Pumaskil sa kanyang mapupulang labi ang malapad na ngiti.

Nakakahawa ang kanyang ngiti na pati na rin tuloy ako'y ngumiti pabalik sa kanya. Hindi maipagkakailang ang estrangheronh babaeng ito'y maganda at tila dinaing ang aking kagandahan. Nais kong malaman ang kanyang ngalan.

"Ano nga pa lang—?" Magtatanong na sana ako kung bakit siya naririto ngunit umangat ang kabila nitong kamay at mayroong iniabot sa akin.

Mansanas.

Naalala kong muli si Eric. Sa tuwing nagkikita kami'y mayroong mansanas na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko mawari kung bakit niya ako binibigyan ng prutas na iyon. Matamis at masarap. Naramdaman ko na lamang na tinanggap ko ang mansanas na iyon. Magkaiba iyon sa binibigay ng lalaki sa akin. Mas mapula ang aking hawak. Matingkad at tila mas matamis.

Nalipat ang aking atensyon mula sa matingkad na pulang mansanas sa babae. Nakatalikod na ito mula sa akin at humaba ang distansya mula sa akin. Tumagilid ang kanyang ulo at tumingin sa akin ng nakatalikod.

"Snow," Paano niya nalaman ang aking ngalan?

Ibinuka ko ang aking bibig ngunit naunahan niya akong magsalita.

"Halikan mo na ang lahat ng mansanas, huwag lamang ang pinakamatamis.."

Anong kanyang ibig sabihin? Tila binalot ako ng mga katanungan sa aking isip. Hindi ko malaman ang mga bugtong na lumalabas sa kanyang labi. Paano ako nakikala ng taong ito? Sino siya? Anong mayroon sa pinakamatamis na mansanas? 

"Matilda nga pala ang aking ngalan." Saad nito at naglaho sa madilim at masukal na kagubatan.




Sa wakas!

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon