6. Pangalan

10 7 0
                                    

"Hintay!" Pagtawag-pansin ko rito ngunit hindi ako pinansin.

Patuloy pa rin ang habulan namin. Naglalaglagan ang mga dahon sa bawat paglipat niya sa kabi-kabilang puno. Saan siya patungo? Tila ba'y dinumog ng kyuryusidad ang aking isipan. Anong ginagawa ng isang lalaki sa loob ng kagubatan? At parang alam nito ang tinatahak na daan. Dito ba sa kagubatan ang kanyang tirahan?

Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayang nawala na sa paningin ko ang lalaki. Sinunog ng liwanag ng araw ang aking katawan. Narinig ko ang huni ng mga ibon. Nasilayan ko ang napakagandang tanawin. Ang lugar ay mas malawak kaysa sa kanina, Mas maraming bulaklak ang nagkalat pati ang daluyan ng tubig ay mas malawak. Tila napunta ako sa isang napakagandang paraiso.

Dala ng pagod sa paghahabol ay nilapitan ko ang gilid ng ilog at pnagsalikop ang aking mga kamay upang makakuha ng maiinom. Malamig sa lalamunan ang tubig. Presko at sariwa.

"Pati ba naman dito'y susundan mo ako?!" Ang pamilyar na baritonog tinig ay dumagundong.

Narinig ko ang ilang pagaspas ng mga ibon. Lumipad ang mga ito palayo dahil siguro sa takot.

Nilingon ko ang estranghero at saka nagsabi, "Nais ko lamang malaman kung anong ginagawa mo sa isang masukal na kagubatan?" Puno ng pagtataka ang aking tono.

"Hindi ba'y dapat ako ang magtanong niyan sa iyo? Anong ginagawa ng isang maharlika sa mapanganib na kagubatang ito?" Balik tanong nito.

"Paanong—" Pinutol nito ang aking sasabihin at naglakad sa l=kabilang gilid ng ilog saka unti-unting naghubad ng balabal.

Umiwas ako ng tingin.

"Kalat na sa buong kaharian ang pagpayag ng hari sa iyo upang maglakbay. Sa tingin mo hindi ko alam?" Sarkastikong tugon nito.

Tila nasunog ang aking mukha sa kahihiyan. Bakit ganyan siya makipag-usap sa akin? Kung batid niyang isa akong prinsesa'y dapat iginagalang niya ako.

"Ano ba ang iyong sadya at hinabol mo ako patungo rito?" Iritang saad ng lalaki.

Nakahubad na ang kanyang damit pang-itaas at dumulog sa ilog. Napakaganda ng pagkakahulma sa kanyang katawan. Mayroong bitak-bitak ang kanyang tiyan na binabalot ng malamig ng tubig. Sa pagtingin pa lamang sa kanyang malapad na dibdib ay alam ko nang matigas ito. Ang .kanyang mga braso ay tila napakalakas at napakalusog. Ngunit sa kanang braso nito, sa bahagi ng balikat, may nakabalot na bendang puti. Ano iyon? Sugat?

Nagtama muli ang aming mga mata. Mga pamilyar na mga jolen na kung saan ay nakita ko na. Pati ang kanyang pagtitig ay tila pamilyar ngunit hindi ko alam kung kanino ko nasilayan. Mayroong tumatama sa aking isipan ngunit ang puso'y tila hindi sumasang-ayon. Maging ako mismo. Imposible. Napakaimposible.

"Para lamang kasing pamilyar ang iyong tindig sa aking mga mata. Ang iyong pana na tila nakita ko na... Ikaw ba iyong tumulong sa akin noong isang araw?" Gulat na tanong ko.

Hindi nga ako nagkakamali. Sa kanya galling ang gintong palasong pumatay sa mabangis na leon. Siguro'y kaya pamilyar siya sa akin. Siya ang nagligtas sa akin mula sa kapahamakan.

"Ano ngayon?" Masungit pa rin ang kanyang boses.

"Sa isang taong katulad mo, masungit ka. Ngunit huwag mag-alala, dahil sa iyo ng pagligtas sa aking buhay, tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo iyon. Maraming salamat." Ngumiti ako rito't iniabot ang kamay.

Naroroon pa rin ako sa gilid ng ilog. Umahn ito mula sa pagkakalubog sa tubig at pinasadahan ng kamay ang ginto nitong buhok. Nakaawang ang labi at humihinga ng malalim. Tiningnan niya ako ng masama at nagsalita.

"Kung iyon lamang naman ang nais mong sabihin, maaari ka nang umalis. Sinasayang mo lamang ang iyong oras."

Natawa na lamang ako sa kanyang pagsusungit. Kakaiba ang taong ito. Siya lamang yata ang nakilala kong walang galang sa isang maharlika at kayang ipakita ang tunay na sarili sa harapan ng prinsesa.

At sa unang pagkakataon, sa mga araw na nagdaan, ngumiti ako. Isang tunay at walang bahid na kasinungalingang ngiti.

Nakapa ng aking kamay ang rosas sa aking likod na bulsa. Naalala kong bigla ang bulaklak. Mayroon bang rosas sa paligid ng kagubatan? Huhugutin ko n asana ang bulaklak nang napasadahan ng aking daliri ang tinik nito.

"Aray..." Tinitigan ko ang dugo sa aking daliri at sinipsip iyon.

"Anong nangyari?" Tila ang pagsusungit nito'y nagkaroon ng bahid ng pag-aalala.

Kinuha niya ag aking nasugatang kamay at sinuri. Kinuha ang tuyong damit nito at pinunit ang maliit na bahagi sa dulo nito. Itinali nito paikot sa nasugatang daliri. Hinidi ko namalayan ang pagkawala ng ngiti sa aking labi. Naalala ko sa kanya ang mahal na prinsipe. Ganitong-ganito rin siya mag-alala sa tuwing nagkakasugat ako sa maliliit na bagay.

"Huwag ka ngang magpakatanga? Ayan tuloy nagkasugat ka pa." Ani ng estranghero na nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

"P-Patawad..." Nahihyang tugon ko.

Ini-abot ko na lamang sa kanya gamit ang kabilang kamay ang rosas, "Ayan. Sa'yo na lamang. Bilang pasasalamat ko na rin sa paggamot sa aking sugat." Inabot nito nang nakakunot ang noo at ngumisi.

"Salamat, ah?" Sarkastiko nitong saad.

Tumalikod ako at nagsimula nang umuwi. Siguro'y kanina pa ako hinahanap ng mga kaibigang dwende. Mabuti na lamang alam ko pa ang daan. Nagsisimula na ring dumilim sa paligid. Ngunit tila mayroon akong nakaligtaan. Lumingon muli ako sa estranghero at nagtanong.

"Ano nga pang lang ngalan mo, estranghero?"

Nakabuhis na ito at tatalikod na sana nang nagsalita ako. Ngumisi ito at may binunot sa kanyang balabal at ibinato sa akin, "Salo!" Sigaw nito.

Aking nasalo ang bilog at mapulang prutas. Mansanas?

"Eric." Narinig ko ang paghampas ng hangin sa kanyang balabal nanng tumalikod ito.

Sumayaw sa hangin ang mahaba at itim kong buhok. Nakita kong muli ang hindi inaasahan. Ang malalim na kulay ng bughaw na kapa at ang tunog ng itim na botas sa bawat hakbang na kanyang tinatahak.

Sino ka ba, Eric?

The Snow White Effect #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon