Ilang araw nang lumulutang sa kalawakan ang aking isipan.
Pilit tinatanggap ng aking puso ang nalalaman ngunit pilit ding hinahanap nito ang taong iyon. Tila tumitindi ang aking nararamdamang pangungulila sa kanyang kamahalan. Ang mga bisig nitong napakalakas at tila kaya akong protektahan mula sa kasamaan.
Prisipe...
Namalayan ko na lamang ang aking pagbunggo sa isang matigas na pader. Umangat ang aking tingin sa kanyang kayumangging mga mata. Nakikita ko roon ang pagkakatulad sa kanya. Bumilis ang tibok ng aking puso. Sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko na alam kung saan patungo ang aking paa. Nasa tabing ilog pala ako.
At nakabungguan ko si Eric.
"Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot nitong tanong sa akin.
Sa mga araw na nagdaan, ngayon ko na lamang nakitang muli ang kanyang masungit na pagmumukha. Napangiti ako.
"Wala naman. Naglilibot lamang ako nang hindi ko namalayang nandito pala ako." Nakatitig lamang siya sa akin.
"Bakit tila malalim ang iyong iniisip kanina?" Bumagsak siya sa damuhan upang mahiga. Nakapatong ang kanyang ulo sa matitipunong mga braso niya.
Bumuntong hininga ako at nagsalita.
"Sino bang hindi lalalim ang pag-iisip matapos malaman ang mga sinabi mo?"
Nararamdaman kong muli ang bigat ng aging dibdib, ang sakit na bumabalot sa aking puso. Ang pangungulilang hindi ko na malaman kung kailan matatapos. Binabaon muli ako ng mga emosyong ito sa lupa na tila unti-unti'y kinukuha ang hangin mula sa aking baga.
Naramdaman ko na lamang ang daloy ng saganang luha sa aking mga pisngi.
"Maaari ba? Huwag ka nang umiyak. Hindi ba, nais ng prinsipeng makita kang nakangiti at hindi luhaan?" Nakapikit ito habang nagsasalita.
"Kung nais niya akong maging masaya, bakit hindi siya nagpapakita sa akin ngyon? Bakit natigil ang aming kasalan? Bakit iniwan ako?" Umiwas ako ng tingin at natulala sa dalawang isdang naglalaro sa tubig.
"Lahat ng pangyayari sa buhay ng tao'y may dahilan. Magtiwala ka na lamang sa kanya, Snow..."
Naipikit ko ang aking mga mata. Ang kanyang tinig nang banggitin ang aking ngala'y tila katulad ng baritong tinig na aking naririnig noon. Ang sarap pakinggan ang aking ngalan mula sa kanyang labi. Tila'y napakatamis sa aking pandinig.
"Dahilan? Kung mayroon mang dahilan, bakit hindi niya sabihin sa akin? Kung may dahilan, tatanggapin ko... Iintintdihin. Basta ba'y makita kong siyang muli at makasama sa aking piling." Luhaan. Nasasaktan. Naiwan.
Unti-unting bumibigay ang aking mga tuhod. Ang hina ko. Mahina ako. Pag-ibig lamang pala ang makapagpapahina sa katulad kong isang maharlika. Ang sakit.
Unti-uni kong naramdaman ang paggapang ng kanyang mga braso paikot sa aking bewang. Sa kanyang bisig ay naramdaman ko ang init. Init na tila nagbibigay sa akin ng kaginhawaan. Kaya akong protektahan mula sa mapapanganib na mga nilalang.
"Tunay ngang mahal na mahal mo ang Prinsipe Charlie..." Naramdaman ko ang kanyang babang bumagsak sa aking balikat.
"Mahal na mahal..." Ginantihan ko ang kanyang hagkan. Ang mainit nitong likod na aking nararamdaman sa aking palad. Mas lalo kong hinigpitan ang aking kapit.
Puma-ibabaw ang katahimikan. Tila ang aking naririnig na lamang ay ang tibok ng aking puso at... sa kanya. Naririnig ng aking tenga na nakalapat sa kanyang dibdib ang dahan-dahan nitong pagpintig. Mababa at tila masarap pakinggan. Kusang pumikit ang aking mga mata upang pakinggan iyon.
Bumagsak ang kaliwang braso nito sa kanyang gilid at tanging ang kanang braso na lamang ang nakapa-ikot sa akin ngayon. Unti-unti, dahan-dahan, itong humihigpit sa bawat pintig ng puso. Nasasaktan ako. Tila kayang bumaon ang kanyang kuko sa aking braso. Naramdaman ko ang likidong dumadaloy sa aking balikat. Maging sa king braso'y mayroon din.
"B-Bakit hindi na lamang ako, Snow?" Pumiyok ang kanyang tinig.
Tuluyang bumitaw ang kanyang kamay. Nagulantang ako sa kanyang sinabi. Anong pinagsasabi niya? Paanong nangyari? Anong ibig sabihin ng mgacsalitang iyon?
Mahal niya ako?
Ngunit tila napawi ang aking mga katanungan nang bumagsak ang kanyang walang kamalayang katawan sa damuhan. Lumalabas mula sa kanyang braso ang katas ng mainit na pulang likido.
Dugo.
BINABASA MO ANG
The Snow White Effect #Wattys2017
AdventureHahanapin niya ang kanyang nawawalang pag-ibig. Ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipa'y tuluyan nang masasagot. Mga tanong na tanging ang tao lamang iyon ang makakasagot. Ngunit sa pagbuo ng mga piraso, maisasalba ba ng pag-ibigan nila an...