Chapter Seven

523 30 6
                                    

                            ~*~
               Marydale Angeline

Inaamin ko.

Alam ko sa sarili ko na weird akong tao.

Tulad ngayon,Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

There's a part of me na naiinis ako dahil naglasing na naman ako ng madami.

Meron ding feeling na kinikilig ako ngayon,Nandito ako sa kwarto ni sir at halos hindi ko kakayanin na pigilan ang kilig ko dito.

Pero meron din takot.Im sure meron na naman akong nasabing kagagahan and i dont know kung ano.

Baka ma-turn off sa akin si sir.

"Ok ka na ba Angeline?" Tanong ng ina ni Sir Ian.

Ngumiti naman ako at tumango.

Hindi katangkaran ang mama ni Sir pero napakaganda pa din niyang tingnan at medyo hindi halata na matanda na siya.Magaling siyang magdala ng damit kahit simple lang ang suot nito.

"Opo.Salamat po talaga" nahihiyang sabi ko sa kanya.

Siya kasi ang nag asikaso sa akin nung time na lasing ako kaya hiyang hiya ako.

Tumawa naman siya "Alam mo Angeline,ikaw lang ang babaeng dinala dito ni Rafael.Akala ko nga,tinanan ka na ng anak ko dito"

Nanlaki bigla ang mata at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Ma!" Suway ni Sir Ian habang pulang pula na ang mukha niya.

"Pero natutuwa talaga ako ngayon kasi akala ko tatandang single ang anak ko"

"Ma naman!" Suway ulit ni Sir Ian  na halata na hiyang hiya .

Shet ang cute niya!

"A-actually Mam employee niya po ako.Napagyakagan lang po kami mag-inom"

Pero sa halip na magulat siya,ngumiti pa ito "Sus,dadating din kayo diyan"

I bite my lower lip.

Sana lang may oxygen akong dala kasi anytime hindi na ako makahinga dahil sa kilig!

"Sige Angeline,pupunta lang ako sa baba para maghanda ng almusal.Dito ka na din mag-almusal  Angeline" 

"S-salamat po mam" sabi ko

"Mam?Masyadong  matanda naman yun.Call me Tita"

"Sige po Tita" napatawa naman siya at nagpaalam na para umalis.

Kaya kami na lang dalawa ni sir ang naiwan sa kwarto niya at naramdaman ko ngayon ang hiya.

"Ah Sir Ian..sorry po talaga sa abala"

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi.

Shet ang pogi!

"Wala yun.Isa pa,masaya kang ka-inuman.Nagiging madaldal ka pala 'pag nalalasing"

Biglang namula ang buong mukha ko.

"Shit.ano pong sinabi ko sa inyo kagabi?" Curious na tanong ko.

Hindi ko matandaan dahil lasing na lasing ako kagabi.Dapat pala talaga sa condo ko  na lang ako naglasing.

"Tungkol sa gago mong ex boyfriend na nagkita ulit kayo after 3 years at hindi mo nagawang bayagan kasi mahal mo pa din siya"natatawa niyang sabi.

Halos binuhasan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Masyado ba talaga akong wasted na wasted kagabi at talagang naikwento ko pa ang problema ko kay Sir Ian?

Let Me Love You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon