~*~
Marydale Angeline"Gusto kong makita mo na hindi na siya worth it na balikan pa"
-Ian Rafael"Alam mo girl,sa halip na imukmok mo yang kagagahan mo sa condo mo,Bakit hindi ka na lang sa amin sumama papuntang Batangas sa amin ni Yong?For sure magsasaya ka dun"
Tiningnan ko ng masama si Kisses habang nasa harap ako ng laptop at nanonood ng k-drama.
"Kung gagawin ninyo lang akong chaperone,wag na lang"
Bigla siyang tumawa kaya lalo akong nainis at binato ko ng unan na nasa tabi ko.
"Ikaw kasi Maymay,Ilang araw ka na din nagd-drama diyan.Wala ka bang planong i-enjoy ang life mo?"
"Wala.Palibhasa kasi ang saya ng love life mo"
"Reyna ka talaga ng ka-bitteran bes!Marami pang boys diyan sa tabi tabi,tulad ni Sir Ian mo"
"Gaga ka!Kaibigan ko lang yun"
Napailing na lang ako nang ngumisi siya ng nakakaloko.
"Im sure,type ka din nun"
"Imposible,mahal pa nun ang ex niya"
"Pero nag-aassume ka di ba?"
Ngumiti ako ng napakalawak "oo naman,Sir Ian yun eh"
Lately,nakakasama ko siya,nakakausap ng matagal at napakagaan niya pang kasama.
At sa lahat ng mga gesture na pinapakita niya ,parang may kakaiba.
Hindi sa nag aasume ako pero babae ako,malakas ang pakiramdam namin kung ang lalaki ang may gusto sa amin or what.
But there's a part of me na kaya niya lang gingawa ito dahil kaibigan niya ako o parehas kaming heartbroken.
Kaya please lang heart.Please.Huwag muna.
"Sumama ka na kasi Maymay"
"Ayoko nga.madami pa akong gagawin" she arched her eyebrow then she crossed arm.
"Akala ko ba natapos mo na ang pinagagawa sayong concept?" Tanong niya.
Tumango ako.Natapos ko na kasi ang pinababagong outline at halos umiyak ako sa tuwa dahil maayos ang flow ng story nang walang nangyayaring masama sa akin.
"Hindi ka na ba talaga mapipilit ?"tanong niya.
napatawa ako nang bumusangot ang mukha niya.
"Ayoko nga.wait lang Mag-ccr lang ako"paalam ko at pumuntang banyo
Habang nakatingin ako sa salamin ng banyo ,nakita ko ang mukha ko.
may pimples,eyebags at magulo ang buhok.
Im look wasted at naiinis ako sa sarili ko dahil siya na naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Inayos ko ang mukha ko at itinali ko sa likod ko ang buhok ko dahil dito lang naman ako maghapon sa bahay.
Lumabas ako ng banyo pero napanoot ang noo ko nang makita ko si Kisses na nakangisi sa akin habang hawak hawak niya ang phone ko.
"I think makakasama ka sa amin sa Batangas"
She winked at me kaya lalo akong kinabahan baka kung ano na naman ang ginawa nitong kalokohan.
"What do you mean?"
"I texted your Sir Ian na kung pwede siyang sumama sa atin"
Halos manlaki ang mata ko sa narinig.
"A-ano?"
"Wait,nagreply na siya"sabi niya at bigla na lamang itong tumili.
"Bes,mag-impake ka na.Ready daw siya!"
Agad akong lumapit kay Kisses at hinablot ko ang phone ko.
Shit.
To; Sir Ian
Sir Ian,Punta akong Batangas.sama ka?Reply:
Sure :) kailan ba?I glare to Kisses "Ang rude ng pagkakatext mo kay Sir!"
She shrugged "Kahit rude,basta ikaw,go yun"
"Gaga!nakakahiya kaya!"
"Wala na tayong magagawa bes kaya text mo na siya"
"Oo na!may magagawa pa ba ako?"
"Asus!Gusto mo din naman"
Napalagay naman ako ng ilang strand ng buhok sa gilid ko.
Inaamin ko,kinikilig ako ngayon dahil kahit busy siyang tao,binibigyan niya ako ng oras.And i really appreciate it.
"Base sa mga ngiti mo bes,Mukhang nagkakagusto ka na sa Sir mo?"
Napalingon ako kay Kisses na ngayon ay seryoso na.
"What if mangyari yun,di ba panakip butas ang tawag dun?kasi kakagaling ko lang sa heartbreak.di ba?"
Napatigil siya sa naging tanong ko.
"Kaya naman kasi nakakamoved-on ang isang tao sa past nila kasi may dumadating na bago"she said.
She has a point pero yun ba talaga ang rason ko?
O natatakot lang talaga ako na pumasok ulit sa isang relationship?
Nakakalito.
"Alam mo bes,sa halip na yan ang problemahin mo,mag impake ka na dahil mamaya na din ang byahe natin"
"Mag iimpake na nga po"
"Maghanda ka na din ng isusuot mong bathing suit"
Napatawa kaming parehas at hinampas ko siya sa braso niya "Mag two piece kaya ako?"
"Gusto ko yan bes ,im sure maakit talaga sayo ng bonggabels ang sir mo"
~~~~~~~~~~~~~~
Natapos ang pag iimpake ko ng mga gagamitin ko sa bag.
Hindi naman kasi masyadong madami ang dinala kong damit dahil two days lang naman kami sa Batangas.
"Nandiyan na ba ang sir mo?" tanong sa akin ni Kisses habang may nilalagay niya ang sumbrero sa ulo niya
"On the way na daw siya"
"Excited na talaga akong makita ang kamukha ng boyfie ko"
Hindi niya pa kasi nakikita sa personal si Sir Ian kasi sa twing hinahatid naman ako ni Sir sa condo ko ,eksaktong wala naman si Kisses kaya ganyan makareact siya ngayon.
Napalingon kaming parehas nang may dumating na kotse.
"Angeline" He waved at me at halos tumalon ang puso ko nang ngumiti siya.
Ang pogi niya while he wearing a hawaiian shirt at summer hat sa ulo niya.
"T-totoo ba nakikita ko?" Tanong ni Kisses habang sobra ang laki ng mata niya.
"Oo.pogi niya no?" Tumango lang ito
"Akin na lang siya"
"May Yong ka na"
"Palit na lang tayo"
"What did you say?!" I burst in laughter dahil biglang dumating si Yong at nadinig ang pinagsasabi niya.
"J-Joke lang naman yun Mallows" lumapit si Kisses sa nakanoot na noo ng boyfriend niya.
"Tss.ewan ko sayo" umalis si Yong kaya hinabol naman ni Kisses.
Napailing na lang ako.
"Anong nangyari doon sa dalawa?Mukhang nagkatampuhan" tanong ni Sir Ian na ngayon lang kakalapit sa akin.
I smiled to him "Gwapo mo kasi"
"What?"
"Wala sabi ko tayo na"
To be continued.
![](https://img.wattpad.com/cover/108288048-288-k101378.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Again
RomanceBook Two of Baliw "Nagmahal ako pero nasaktan ako,pero hindi na ulit mangyayari iyon dahil natuto na ako.I admit that I still love him but you can't still change the fact that I don't want to enter him into my life again." -Marydale Angeline Go...