~*~
"Paano mo bubuuin ang mga bagay na nawasak na?"~Angeline
~Edward Clifford~
Maybe Im the worst.
Nakita ko na naman siyang umiiyak nang dahil sa akin at paulit ulit kong minumura ang sarili ko kung bakit ko sinabi ulit yung bagay na nagpawasak sa relasyon naming dalawa noon.
I told her for the second time that I fell out inlove with her. Na iniwan ko siya hindi dahil sa sinabi ng daddy ko na hiwalayan siya , kundi sumuko ako. Napagod ako.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noon. I just really want space. Gusto ko munang isipin yung sarili ko. Dahil simula nang pumasok siya sa buhay ko, sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Nakalimutan ko ng maging ako. Siya na laging inuuna ko, yung mga personal interes ko, lahat isinantabi ko at binigay ang lahat ng oras ko sa kanya at dahil dun, nakalimutan ko ng maging ako.
Oo Mahal ko siya at alam ng Dyos na hinding hindi ko ginusto ang pakikipagbreak sa kanya. Gustong gusto ko siyang yakapin nung time na iniwan ko siya, na bawiin ko lahat yung mga sinabi kong masasakit sa kanya pero pinilit ko pa din yung pride ko na tama lang yung ginawa ko.
Dahil baka lalong masaktan ko lang siya kapag pinagpatuloy pa namin yun.
Nagpakalayo layo ako, at ilang taon hinanap ko yung sarili ko, at binalik ko lahat ang mga bagay na ginagawa ko noong hindi pa kami nagkakilala- pumunta ako sa mga ibat ibang lugar, bumalik ako sa banda, nagcompose ng madadaming kanta
Pero naramdaman ko na nawala na lahat yung interes ko noon. Hindi na ako masaya, na parang may kulang sa akin at alam ko kung ano yun. Na ang tanga tanga ko dahil pinaalis ko siya sa buhay ko.
I tried to contact her noon pero naka-block na ako sa mga social media account niya. Naka block din ako sa mga kaibigan niya kahit si Yong na pinsan ko.
I still love her. Oo at alam kong ang kapal ng mukha kong magpakita ulit sa kanya pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko talaga siya and I'll do everything para lang mabawi ko ulit siya.
Pinark ko ang kotse. Nandito na ulit kaming dalawa sa resort.
"Thanks for the ride" walang emosyon na sabi niya at dali-daling binuksan ang pinto palabas ng kotse ko pero pinigilan ko agad ito.
"W-wait Mayma---"
"Please stop!" Napatigil ako sa pagsigaw niya.Huminga siya ng malalim at makikita mo sa kanya na pinipigilan niyang umiyak.
"Nagmamakaawa ako sayo. call me Angeline. Kalimutan natin lahat ang nakaraan natin. Kung gusto mo ng kapatawaran ,Fine. Pinapatawad na kita.Just leave me.Ayoko na kitang makita pa, please lang"
"H-Hindi ko kayang gawin yun"
"Pero sobrang sakit na Edward eh" biglang tumulo ang mga luha niya. Ramdam na ramdam ko yung sakit na binibitawan niya sa akin ngayon.
"Tatlong taon na itong sakit na dinadala ko. Bugbog na bugbog na talaga ako.hinihiling ko nga na sana mawala na ako sa mundong ito para mawala na yung sakit na pinanghahawakan ko ngayon"
Hindi ako makaimik.umiiyak lang ako habang nakatitig sa mga mata niya.
"Alam mo ba, gustung -gusto kitang
sampalin, gusto kitang sabunutan ,gusto kitang saktan.Gusto kong maghiganti at ipadanas sayo yung sakit na ibinigay mo pero hindi ko magawa, dahil alam ko na may pagkakamali din ako. Na hindi ko tinanong sayo noon na ganoon na pala ang nararamdaman mo. Na may na mali pala sa ating dalawa, Na naging sentro na pala ako ng mundo mo. Sana sinabi mo lahat nang yun sa akin noon. Sana noon pa,nagawan ko ng paraan ,bibigyan naman kita ng space at oras na gusto mo.pero bakit mo pa pinaabot sa ganito?"Hinawakan ko ang kamay niya at pinawi ang pumapatak sa kanyang luha "Im sorry. Hindi ko ito ginusto.Gulong gulo ako noon. Natatakot ako na wala lang yun sayo kapag sinabi ko lahat ng nararamdaman ko"
"Tangina naman Edward! Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin?" hinawi niya ang kamay ko.
"Sa tingin mo ba, hindi kita maiintindihan? Oo aaminin ko na hindi ko napansin yun, pero sana lang pumasok sa isip mo na mahal na mahal kita at kaya kong suportahan ang bagay na gusto mo" napatigil ako sa sinabi niya. Biglang sumikip ang dibdib ko.
What the hell I've done? Bakit hindi ko yun naisip?Nakalimutan kong mahal niya din pala ako.
"Hindi ako yung tao na inaakala mo na babalewalain ka lang, Edward. Parang pinarating mo na din sa akin na sa ating dalawa, ikaw lang ang nagdadala ng ginawa nating relasyon"
Tuluyan siyang umalis sa kotse at naiwan akong tulala sa lahat ng sinabi niya. Ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko.
Sa ilang taon ko na iniwan ko siya, akala ko tama yung ginawa ko na unahin ko muna yung sarili ko. Na wala munang Maymay sa buhay ko. Akala ko may panghahawakan akong dahilan para balikan niya ulit ako pero hindi. Pinalala ko lang pala ang sitwasyon.
I am really noob.gusto kong magpabaril sa sarili dahil sobrang katangahan ang ginawa ko.Na hindi niya deserve ang taong katulad ko.
Tanaw ko pa din siya sa kotse ko.Naglalakad siya pabalik ng kanyang inuupahang kwarto nang biglang may yumakap sa kanya na lalaki.Kitang kita ko ang paghiganti ng yakap ni maymay kay Ian.
Nakaramdam ako ng sobrang pagkaselos. Sobrang sakit kapag nakikita ko silang magkasama.dahil ako dapat ang kasama niya at hindi si Ian.
Lumabas ako ng kotse at dali dali akong pumunta sa direksyon nina Maymay.
"Maymay, We need to talk" pakiusap ko.Agad namang umalis sa pagkayakap si Maymay kay Ian. .
"Edward tama na please, umalis ka na"
"But we need to talk" hahawakan ko sana ang kamay niya pero nabigla ako nang may sumuntok sa mukha ko.
Napatingin ako sa direksyon ni Ian. Kitang kita mo sa kanya ang galit sa mga mata niya. "Isa pang hawak mo sa kanya, at hindi lang suntok ang gagawin ko sayo"
"Tanginamo, huwag kang makialam dito!" Hinawakan ko siya sa kwelyo niya at sinuntok ko siya sa mukha.
Napaatras siya pero pinunasan lang niya ang dugo sa labi niya "Gago!Hindi ako papayag na saktan mo ulit siya"
Nagpalitan kami ng suntok. Nadidinig namin ang sigaw ni Maymay pero patuloy pa din kami sa pagsusuntukan. Ramdam ko ang pagputok ng mga labi ko pero hindi ko ito pinansin.
"Hoy! Puta! Anong ginagawa niyo?" Napatigil kaming dalawa ng may umawat sa amin.
"Edward?" Nagulat ako nang napansin ko si Yong pala ang nasa harap ko.
"Look. I-im just---"hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang ako sinuntok ni Yong.
"Kahit pinsan kita,gugulpuhin kita kapag di ka umalis" banta pa nito sa akin.Naiintindihan ko ang galit niya sa akin kaya hindi ako makasagot sa kanya.
Tumingin ako sa direksyon ni Maymay at nakita ko si Kisses na yakap-yakap niya paalis sa amin. Napaluhod ako at napaghagulhol ng iyak.
Sorry Maymay.
To be continued...
Please vote and comment.
![](https://img.wattpad.com/cover/108288048-288-k101378.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Again
RomanceBook Two of Baliw "Nagmahal ako pero nasaktan ako,pero hindi na ulit mangyayari iyon dahil natuto na ako.I admit that I still love him but you can't still change the fact that I don't want to enter him into my life again." -Marydale Angeline Go...