Chapter Seventeen

695 38 16
                                    

                            ~*~
              Marydale Angeline

   "I love her at hindi ko na                     kakayanin pa kung mawawala ulit siya sa buhay ko"
                             ~Edward Clifford
  
   
"Saan ba tayo pupunta?" Inis kong tanong ko kay Edward habang nasa loob kami ng kotse niya.

Nakita ko siyang napangiti at hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa  daan.Ayon sa nakita ko kanina sa street sign,nasa Taal Batangas na kami pero wala akong ideya kung saan kami pupunta.

"Basta malapit na tayo"

I rolled my eyes.Mali talaga ang desisyon ko na sumama sa kanya.Tinatanong ko siya kanina pa kung saan niya ako dadalhin pero panay ngiti lang ang  sinasagot niya.

at pakshet lang kasi nadadala ako sa  lintek na ngiti na yan!

Kinuha ko ang phone ko at nagdadalawang isip ako kung ite-text ko si Sir Ian, na nandito si Edward  at kailangan ko ang tulong niya.

I need him now.

"Uhhm.K-kamusta ka naman?"

Napalingon ako nang magsalita si Edward.

"Huh?"

"I-I mean,kamusta ka na ngayon after three years na hindi tayo nagkita?"

Napaayos ako ng upo.Hindi ko alam kung maiinis ako sa naging tanong niya dahil ang lakas niyang tanungin iyon matapos ang ginawa niyang pang-iiwan.

Shit ka Maymay,wag kang iiyak!

"A-ayos naman ako"

"Nakakatuwa dahil writer ka na"

Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko.Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga panahong tuwang tuwa ako na makabuo ako ng story at sinabi ko sa kanya kung ano talaga ang  pangarap ko sa buhay.At siya ang  nag-pursue sa akin nito.Nandoon siya at tinutulungan niya ako kapag nagkaka-conflict ako dahil ang hirap humabol sa mga ibang subjects.

"Tanda mo pa ba yung natapunan mo  ng kape yung kakatapos mo lang na research paper? Halos ilang araw mo ding iniyakan at sumpaain ang kape dahil dun" natatawang kwento niya habang iling iling.

"Tapos halos gabihin na tayong umuwi  dahil sa dami mong mga projects"

Iniaangat ko ang tingin ko while trying my best to stiffle a sob.

Tandang tanda ko pa.Yun ang time na makikita ko siyang nakaupo habang natutulog sa may bench sa school namin.Nagagalit pa nga ako sa kanya dahil talagang hinihintay pa niya ako at okay lang sa akin na umuwing mag-isa pero siya lang talaga ang mapilit.

At nakakalungkot lang dahil hanggang sa ala-ala na lang mapupunta ang lahat ng iyon.

"And Im glad na tinuloy mo ang pangarap mo bilang isang writer"

"Ganun talaga kapag mahal mo ang isang bagay ,dapat ipaglaban mo hanggang huli" sabi ko sabay umiwas ako ng tingin sa kanya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa.Parehas kaming hindi nagsasalita.Walang imikan.

Ipinatong ko ang ulo ko sa tabi ng bintana ng kotse at tumingin na lang sa daan.

Ramdam ko ngayon ang kirot sa dibdib ko.Ang sakit lang.Ayoko ng bumalik ulit ang nakaraan.

"We're here" 

Inangat ko ang ulo ko nang magsalita siya at nakita ko sa gilid niya ang isang simbahan.

"Anong gagawin natin diyan?"

"Magsisimba?"

"Alam ko,pero bakit?"

Let Me Love You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon