~*~
Marydale Angeline"Ipinaglaban mo na ako dati di ba? Di pa ba sapat ang dalawang taon para ipaglaban mo ulit ako?"
V-AngelineI woke up with a swollen eyes.
Bukod sa hindi ako makatulog kagabi,umiyak ako ng umiyak.
Hindi ko alam kung kailan titigil ang pag-iyak ko."At kung dumating ang araw na mapatawad mo ako,sana hayaan mo ako na mahalin ulit kita."
Paulit ulit na nagf-flashback sa isip ko ang mga salitang binitawan niya sa akin kagabi.
Totoo kaya ang mga sinasasabi niya?
Magpapauto ulit ba ako?
O sa madaling salita,kaya ko ba siyang patawadin?
Sa totoo lang,gusto ko nang magmoved-on kasi hindi ko na kayang ihandle itong nararamdaman ko.Matagal na kasi ang nangyari at ayoko nang maging bitter pa.
Pero ang hirap pala talagang gawin ang isang bagay na wala kang kasiguraduhan.Na baka sa huli, niloloko niya na naman ako.
"You look pale" lumingon ako kay Kisses at kita sa mukha niya ang pag-alala
Pinilit kong ngumiti.
"Gaga!Kakagising ko lang" sabi ko sa kanya sabay bumangon sa higaan ko.
Hindi ko kasi sinabi nsa kanya na pumunta dito si Edward dahil alam ko na hindi siya pupunta sa meeting niya at ayokong makagulo lalo na kapag tungkol sa trabaho.
"Sure ka?"
"Oo naman!"
"Pwede ko namang ipa-cancel ang meeting ngayon kung hindi ka okay"
Napatawa ako ng mahina "okay lang ako,magdala na lang kayo ng pasalubong sa akin"
She heaved a sigh"anong gusto mong pasalubong?"
"Pogi"
"Bruha!May Sir Ian ka na!"
"Nagtatampo ako dun,iniwan niya ako dito"
Umalis kasi si Sir Ian at tumawag siya sa akin kanina na may emergency siya sa trabaho kaya hindi ko alam kung malas ba talaga ako dahil mag-isa ako mamaya dito.
Paano kung nandito pa din si Edward?
"Sige Maymay,aalis na kami ni Yong.Magpasaya ka dito ha"
Tumango lang ako at nakita ko na siyang umalis.
Huminga ako ng malalim.
Siguro naman hindi kami magkikita ulit dito?Hindi naman niya siguro ako kukulitin ulit.
Pero paano kung nandito siya tapos...tapos magyakag siyang makipagdate?
Dapat prepared ako.
No. scratch that!
Itigil ang kaharutan Maymay.Be a woman kahit konti lang.
Nagshower muna ako bago ako lumabas ng room namin ni Kisses.
I put a little make up on my face at ipinuyod ko ang buhok ko.
Mag swimsuit kaya ulit ako?
Hindi sa nagpapaganda ako
Para..para maglaway siya at magsisi siya kung sino ang sinayang niya.yun lang yun.hindi ako defensive.
Pero ang ending, Nagmini skirt na lang ako at simpleng plain na white shirt ang suot ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Again
RomanceBook Two of Baliw "Nagmahal ako pero nasaktan ako,pero hindi na ulit mangyayari iyon dahil natuto na ako.I admit that I still love him but you can't still change the fact that I don't want to enter him into my life again." -Marydale Angeline Go...