Chapter Fourteen

513 32 20
                                    

                          ~*~
                Marydale Angeline

"Bakit ang unfair ng mundo?Ako ang nasaktan,pero parang ako na naman ang dehado. "
                                       -Angeline

"Maymay punta kayo dito,dali!"

Napatingin kami ni Sir Ian kay Kisses na kumakaway sa direksyon namin.

"Bakit ba?"

"Basta!" Sabi niya sabay alis.

Wala naman kaming nagawa ni sir kaya sumunod na lang kami sa kanya.

Gabi na at buong maghapon kaming nag usap ni sir.Masaya siyang kausap at kabaliktaran ng sinabi niya sa akin noon na boring siya.

Actually madaldal siya.Hindi siya nauubusan ng kwento but He didn't mention to me about sa mga naging kabusiness transactions niya kundi kinukwento niya ang tungkol noong kabataan niya at sobrang natatawa ako kapag nagbibiro siya ng kung anu-anong bagay.

Kaya naiisip ko kung paano sinayang ni Hannah ang ganitong kaperpekto na tao.

"Good,kumpleto na tayo" pumapalakpak pa si Kisses sabay umupo ng nakaindian sit katabi si Yong.

"Upo na kayo"

"Ano bang gagawin natin?" Tanong ko habang umupo pati na din si Sir Ian.

"Let's have a game!" Nakangiting sabi ni Kisses.

Napanoot kaming dalawa ni Sir sabay tingin sa kanya.

"A game ?"

"Yeah,a super exciting game" she said at may inilagay siya sa gitna ng sahig na isang bote.

"We will play a spin the bottle and kapag natapat sayo ang bote ay may tatanong kami sayo na dapat mong sagutin"

"What if i can't answer that?"

Tumayo si Kisses at nakita kong kumuha siya ng isang malaking Lambanog - ito ang kilalang alak na iniinom ng mga taga-Batangas.

"No.pass muna ako diyan.ayokong uminom"  sabi ko sabay tayo pero pinigilan ako ni Kisses.

"Wag ka ngang KJ bes!atsaka di ka naman iinom unless kung hindi mo masagot ang mga tanong"

I glared to her "yun nga ang kinatatakot ko "

Napatawa siya "Minsan lang naman bes.pumayag ka na" 

"Ayoko"

"Ayaw mo?"

"Oo nga!" Tumalikod na ako at balak ko sanang iwanan silang tatlo nang biglang may binulong sa akin si Kisses.

"Bahala ka.hindi mo malalaman kung virgin pa si Sir Ian mo" Halos mamula ako sa sinabi niya pero nginitian niya lang ako.

Buset!

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina na pulang pula dahil nagsimula ng tumawa ng malakas si Kisses.

"Akala ko bes,ayaw mong maglaro?"

"Tse!" Inirapan ko siya pero ramdam ko ang pag-init ng aking mukha.

"Bakit pulang pula ka?"  Biglang tanong sa akin ni Sir Ian na halatang nagtataka.

"W-wala"  sagot ko at kinuha ko ang walang laman na bote at sinimulan kong ipaikot ito.

"Okay simula na!" 

Nakatingin kaming lahat sa boteng umiikot at biglang huminto ito  sa tapat ni Sir Ian.

Let Me Love You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon