Sevastiann Wordsworth's POV.
I was checking my notifications in twitter habang commercial pa ang pinanonood kong Naruto sa tv.
“Vasti, kelan mo ba ako mapapansin? Huhu teambahay nalang ako palagi pogi 😞”
“I love you Vasti! Ang gwapo gwapo mo dito oh!!!!!”
“Vaaaaaaaasti!!! Please notice me. Laging sila ang napapansin mo. Pano naman ako?”
“Buti pa si ate Fatima, lavidabs mo. Eh ako? Huhuhu babe please notice meeee”
Sa lahat ng nabasa ko, nangibabaw yung tweet ni Fatima. Nice! Nakita nya pala sina mommy. So I liked and retweet her post.
“Sayang naman! Wala ako sa group pic!” agad na reply ko.
“Nasa workshop ka daw that time sabi ni tita Faith. By the way, ang cute cute ng lil sis mo 😊” agad nitong reply na agad kong ikinangiti.
“Punta ka sa gt? Sana makapunta ka, lavidabs ko.❤” reply ko.
“I really want na makapunta! Hihihi😍 OMG for you Lavidabs 😂” she said.
“See youuu lavidabs ko.❤ Sumigaw ka ulit ng 'Anakan mo ako!' 😂 HAHAHAHA” reply ko naman.
“Halaaaa nakakahiyaaa! Wag kang ganyan Vas” she said na agad ko namang ni-liked. I started to follow her back. For sure, nagtutumili na naman yon hahahahaha.
Since natapos na pala yung pinapanood ko, binuksan ko yung stock room namin at saka inilabas yung nasa box na gifts ng Vastinatics.
Mayroong chocolates na natunaw na pala, may tshirts, may perfume, bench, shower towels, iba't ibang scrap bookings ng mga pictures ko, hahaha.
“Kuya, may barbie oh! Siguro para sakin yon” masayang wika ng kapatid ko. Katulong ko kasi syang maghalungkat hahahaha.
“Let me see?” sabay abot nya sa akin ng nakabalot na barbie doll nga.
“Kay Fatima pala galing yan. Yung nakasausap nyo sa mall. Natatandaan mo pa?” I said
“Ah! yes kuya I still remember her face. And, yup Fatima is her name nga po. May kasama syang guy nung nakausap nya kami” she said
“Sinong guy?”
“I don't know but, I heard from her na kaibigan nya yon” she said. Ahhh. Kaibigan naman pala.
“Akin nalang 'to kuya ah” she added. Kinuha ko yung mga kasamang regalo ni Fatima sakin. May tshirt, may banner, may scrap book, at wow may sketch pa ng mukha ko. Hahahaha.
Hi Vas! Sana makita mo 'to. And kung nababasa mo na, pakibigay kay Cindy yung Barbie doll ha. Nakita ko kasi yung dating picture nyo na puro barbie dolls yung room nya. And, sana wag mo itapon yung mga ginawa kong scrap book ah? Lalo na yung sketch. Ginandahan ko talaga yan! Kasing ganda ko. Hahaha. You know what? Di kaya kita type nung una kang lumabas sa SMAC, pero unti unti nagustuhan kita because of your sweet dedication sa fans mo. Kaya eto, avid na ako. Hahahahaha. Sana makita pa ulit kita. I love you so much Sevastiann Wordsworth! Ikaw lang ang nag iisang lavidabs ko. Promise!
Fatima Frost na Maganda ❤
“Hi Vastinatics! Nakita ko na yung mga gifts nyo. And I appreciated those much! Lalo na yung mga chocolates na natunaw na hahaha. Ayun, nasa freezer na. Sa mga tshirts, salamat din! Thank you sa lahat! I love you all!❤” tweet ko bigla na nag-gained agad ng likes and retweets.
YOU ARE READING
Hi, I Exist
Teen Fiction"Tama na. Itigil na natin 'to. Hindi habang buhay kaya nating magtago. Magtago ng nararamdaman sa isa't isa. Kung mahal mo 'ko, mas mahal kita."