Sevastiann Wordsworth's POV.
“Credits to my ever masungit and pabebeng photographer. Hahahahaha 😅 ” nabasa kong tweet ni Fatima na may 4 pictures nya, na tumambad sa news feed ko na agad ko naman ni-liked. Oo nga pala, finollowback ko na nga pala sya. 😆
“Hi to my camera shy bessy! 😂 Kahit na masungit ka, love kita❤ Yieee, happy birthday! 😜” tweet pa nya na nabasa ko. Luuuh. Baka ito yung guy na tinutukoy ni Cindy na kasama ni Fatima nung nakita nila. Bat may word na love? Bat may heart emoji? Di ba magkaibigan lang naman sila? Oh bakit ganon? Di ko nga ila-like 'to 😕
Nagfocus muna ako sa notifications ko. And as usual, flood ako from Vastinatics.
Sige, mamamansin ako.
“Hello” quote ko sa tweet nung isa.
“Wow! Loved it. It's so amazing! Thank you Bella ❤” quote ko naman dun sa nagtweet sakin ng isang drawing na mukha ko. Hahahaha
“Buti pa kayo namimiss ako. Ako yata di nya namimiss eh 😔💔” sagot ko naman dun sa nagtweet sakin ng imissyou.
“Next time pag sinipag ulit ako😂 Hahaha don't worry, I'll update you” reply ko naman sa nagtanong kung kelan ako magpopost ng next vlog ko.
“Lavidabs ko yon!💞 Opo mahal ko sya, at mahal ko din naman kayo.” re-quote ko naman sa nagtanong na, “Vaaaaastiii nagseselos na ako kay Fatima! Sino ba yuuun? Huhuhu love mo na ba sya?”
Fangirl ko yon eh! My number one solid fangirl. ❤💎 (Fatima)
After ko magcheck ng notifications, direct messages naman tinignan ko. Ahhh, nag dm pala sya. Ano ba? Sasagutin ko ba ng i miss you too or ...
“Hahahahaha talaga? Miss mo na ako? Weh? Oy sorry ngayon ko lang nabasa 😜 Busy kasi” reply ko.
Habang di pa sya nagreresponse sa reply ko, I tweeted a selfie of her noong gt namin last week. Hahahahaha ang epic ng mukha nya dito grabe!
“Look how cute my Fatima is!😎 HAHAHAHA nice mood! I just found it on my camera roll. PS: She still has a lot of selfie on my phone 😔” I tweeted. Nakalimutan ko pang itag sa kanya hahahahahahaha!
YOU ARE READING
Hi, I Exist
Teen Fiction"Tama na. Itigil na natin 'to. Hindi habang buhay kaya nating magtago. Magtago ng nararamdaman sa isa't isa. Kung mahal mo 'ko, mas mahal kita."