continuation of Fatima's POV.
So ayun nga, di napigilan ni Vas na sunggaban ako sa kama nya. I'm still dressed and yes, nakahubad baro sya, but omg ang hot nya talaga!! Di ko na ipagkakaila.
He kissed me on my neck habang nakayakap yung kamay nya sa katawan ko. Di ko inakalang magkakainteres sakin ang isang Sevastiann Wordsworth na noon'y pangarap ko lang. WHAT THE!!!!
“Sorry. Di ko na napigilan eh” he said nang iangat nya ang ulo nya mula sa pagkakahalik sa leeg ko. VAMPIRE ATA 'TO EH! HAHAHAHAHAHAHA
Di na ako nakasagot pa. I just gave him a kiss on his lips. Smak lang sana yung ibibigay ko kaso kumagat agad sya. And ayun na nga, we made a romantic kiss. Naputol yung scene nang biglang may kumatok sa pinto.
“Baka si Tita yon. Pagbuksan mo” I said.
Chineck ni Vas yung orasan, and omg! 7:10 na?!! Inayos ko na agad yung sarili ko lalo na yung nagulo kong buhok at nagusot kong damit. Hay nako! Hahahaha.
“Oh, Cindy. Sino sumundo sayo?” dinig kong tanong ni Vas nang buksan nya ang pinto.
“Hi Cindy!” nang mapansin kong tumingin sya (Cindy) sakin.
“Ate Fatima? Waaaaah! Ate Fatimaaaa!!!! Hello po!!” sabay takbo nya papunta sakin. Hinug ako ni Cindy. Hahaha, namissed ko 'tong batang 'to.
“What are you doing here po ate?”
“We made a project kasi kaya ayun” I said na ikinatawa nang mahina ni Vasti. Nako naman!
“She's my girlfriend already, baby” sambit bigla ni Vasti kay Cindy.
“Really po?! Yeheeeeeeyy!! Thanks kuya! You're the man!” sagot agad ni Cindy.
“Dito ka po tutulog ate?” she asked.
“Hindi po eh. Hahanapin ako samin pag di ako umuwi. Next time bebi” I answered.
“Magbihis kana muna ng pantulog mo then yung home work mo, iwan mo sa table ko. Ihahatid ko lang ate Fatima mo” sabi ni Vas kay Cinds. Bait bait naman ni kuya Vasti. Hahahaha
“Okay kuya. Bye ate! Ingat po” sabay leave nya na ng kwarto ni Vas.
Tinignan na naman ako ng kakaiba ni Vasti.
“Vas, gabi na. Ihatid mo nako sa labas” utos ko. Hehehez.
YOU ARE READING
Hi, I Exist
Teen Fiction"Tama na. Itigil na natin 'to. Hindi habang buhay kaya nating magtago. Magtago ng nararamdaman sa isa't isa. Kung mahal mo 'ko, mas mahal kita."