"Oh, ano nakausap mo mommy mo?" bungad sakin ni ate Marg pagkauwi ko.
"Andito si mommy?" gulat kong tanong.
"Lokaret ka ano? So di pala nasabi sayo ni Steeb. Ano bang sched ang pareho kayo ni Steeb? Bihira na ata kayong magkasabay?"
"Wait, andito nga si mommy?" tanong ko
"Wala. Kanina kasi tinawagan nya ako and di ka raw nya ma-contact. Eh pano, laging naka-airplane mode ang phone mo so pano ka nga mako-contact ng mommy mo?" she said.
"Ay ganon? Ano pa sinabi sayo? And, ano namang sinabi mo?" pang-uusisa ko
"Wala na. May importante daw kasi silang sasabihin sayo"
"Ano naman kaya yon?"
"Tawagan mo kaya ano?"
"Luh? Ayoko nga. Baka sermonan lang ako non" I said
"Pano kung may emergency don? Or something good news naman? Ikaw kasi laging nega eh. Kaya ka nasesermonan kasi ang tigas nyang kokote mo. Real talk, Fatima" sermon nya.
"Wait."
"Ano?"
"Mommy is that you?" pagbibiro ko. HAHAHAHAHA
"Nako Fatima! Tigilan mo nga ako sa kalokahan mo"
"Eto naaaaa, da-dial ko naaaaa. Nakakahiya naman" I said
*unattended*
"Unattended. Bihis na muna ako ah" I said sabay akyat sa kwarto.
Lately, nagtext bigla si Steeb.
"Panget mo" just what he said.
"Panget mo, too!" I replied.
"Aaaaahhh! Miss na kitaaaa" reply nya agad.
YOU ARE READING
Hi, I Exist
Teen Fiction"Tama na. Itigil na natin 'to. Hindi habang buhay kaya nating magtago. Magtago ng nararamdaman sa isa't isa. Kung mahal mo 'ko, mas mahal kita."