Steeb Crane's POV.
“Di pa ba uuwi yon si Fatima?” tanong ko kay ate Marg. Halos dito na ako inabot ng maghapon eh.
“Nako, malay ko don sa pinsan kong 'yon. Bakit ba? Ano bang gagawin nyo?”
“May usapan kasi kami ate Marg, tutulungan nya ako sa essay ko sa Verbal Communication subject ko. Alam mo naman yun, magaling mag english yun eh” sabi ko.
“Ah, eh baka pauwi na yon. Tawagan mo kaya” sagot ni ate Marg.
“Cannot be reached” sambit ko.
“Teka, try ko tawagan” sabi naman nya.
Mag-e-eight na kasi. Baka kung napano na yon. Hays.
“Nasan na kaya yon?” sambit ni ate Marg na panay pa rin ang redial sa number ni Fati.
“Lowbat siguro, Steeb” sabi sakin ni ate Marg.
“Ano bang essay yang isusulat mo Steeb? Di naman ako pro sa grammar lesson kaya di kita matulungan dyan” dagdag nya pa.
“Okay lang po sakin ate Marg. Nangako po kasi sakin si Fatima na tutulungan nya ako” sambit ko.
Maya maya pa ay dumating na si Fatima. SA WAKAS! HOOO! PINAKABA MO KO!
“Fatima” bati ko
“Oh Steeb? Naparito ka? Wait, asan si ate?” tanong nito.
“Buti naman at umuwi ka pa Fatima” paglabas ni ate Marg mula sa c.r.
“Sorryyyy. Traffic kaya sa crossing” sagot ni Fati.
“Sana manlang nagtext ka na pauwi ka na. Hindi yung pinag aalala mo kami ni Steeb sayo. Kanina pa kaya yan andito, hinihintay pag uwi mo”
YOU ARE READING
Hi, I Exist
Teen Fiction"Tama na. Itigil na natin 'to. Hindi habang buhay kaya nating magtago. Magtago ng nararamdaman sa isa't isa. Kung mahal mo 'ko, mas mahal kita."