CHAPTER-2

5 2 0
                                        

Alia's POV

Noong naka adjust na ang paningin ko bumungad sa akin ang imahe ni manang lucy siya lang ang kakampi ko dito sa bahay pati nga siya ay nadadamay na dahil tinutulungan niya ako.

"Alia labas na" mahinang sabi ni manang lucia.

"Paano niyo po nakuha ang susi?" Takang tanong ko sa kanya.

"Labas ka na baka maabutan pa tayo " sabi niya uli kaya dali dali akong lumabas. Pagkatapos kong lumabas ay agad naman niya akong hinila papunta sa kwarto niya.

" dito ka muna" pabulong niyang sabi kaya tumango na lang ako.

Umalis na siya. Humiga ako dito sa kama dahil sa sakit ng ulo at pagod ko rin kaya unti-unti ng bumubigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nakatulog na lang ako.

😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪

Manang lucia POV

kawawang bata ang aga na ngang nawalan ng ina eto naman ngayon pinapahirapan siya ng tita rose niya. Gagawin ko ang lahat para maging masaya siya dahil parang anak ko na siya

"Lucia!!!!!!!!!" Sigaw ni ma'am rose.

"Bakit po ma'am? " tanong ko noong makalapit na ako sa kanya.

"Bakit nakawala si Alia!!!!!!!" Sigaw niya sa akin.

"Ma'am pinalabas ko po" inosente kung sabi.

"Bakit mo pinalabas!!!!!" Bulyaw niya uli sa akin.

"Eh ma'am hindi ko naman po alam na bawal siyang palabasin pasensya na po" pagpapaumanhin ko sa kanya.

"Nasaan siya!!" Muling sigaw niya na galit na galit.

"Baka po nasa kwarto na niya" malumanay kong sagot sa tanong niya.

"ALIA!!!ALIA!!!!!" Pasigaw na tawag ni ma'am rose kay Alia.

"Tita bakit po??" Nanginginig na lumapit si alia sa kanyang tita.

"Maglinis ka nang buong bahay at hindi ka pwedeng kumain o uminom ng tubig maliwanag ba!!!!!!!" Bulyaw ni ma'am rose kay alia.

"O-opo tita" utal na sabi ni alia. Pagkatapos ay umalis na si rose.

Alia's POV.

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinimulang maglinis.

Punas dito, Punas doon, walis dito, walis doon, agiw dito, agiw doon, ligpit dito, ligpit doon, ayus dito, ayus doon.

Pinagpapawisan na ako pero hindi ko man lang magawang punasan pa sobrang uhaw na ako pero hindi ko man lang magawang uminom ng tubig dahil.sa.laki ng bahay na to dala pa lang ang naaayos ko.

"magpahinga ka muna. Tulungan na kita diyan" sabi ni manang lucia.

"Ayus lang po baka mamaya maabutan pa kayo ni tita rose at kayo naman ang pagalitan" paliwanag ko ayoko na pati si manang ay madamay sa pagpapahirap ni tita rose sa akin.

"Hay ikaw talagang bata ka pwede naman kitang tulungan ng hindi tayo mahuhuli eh" pangungulit ni tiya hay mukhang alam ko na ang gagawin ni manang lucia.

Wala na din akong nagawa kundi ang pumayag na lang kinumpas niya ang kamay niya at nagbigkas ng spell at boom malinis na ang buong bahay.

Nagulat ba kayo? Totoo ang nabasa niyo ang cool nga dahil may magic palang nag e-excist sa mundo actually marunong din ako mag cast ng spell halos nga lahat ng libro ni manang na may spell ay kabisado ko na nagtaka nga ako nung una dahil wala naman akong dugong wizard pero nakapag cast ako ng spell nung nalaman yun ni manang sabi niya imposible daw na kayang mag cast ng spell ang mga kagaya kong tao pero sabi rin  niya na Gifted daw ako kaya ganun.

"Oh diba tapos agad" nakangiting sabi ni manang lucia.

"Sa susunod po manang wag niyo nang uulitin yun paano po kung may makakita sa inyo eh di mapahamak pa po kayo" saway ko kay manang.

"Hay ano ka ba naman alia lahat ay gagawin ko para sayo alam mo naman iyon diba parang tunay na anak na rin kita. " sabi niya kaya mahal na mahal ko talaga itong si manang.

"Salamat po dahil hindi niyo po ako pinabayaan simula nung mawala si mama" sabi ko sabay yakap.

Kumalas na din ako mula sa pagkakayakap at tinulungan si manang mag handa ng pagkain.

Maya-maya ay bumaba na din si tita rose.

"Kakain na Ko!!!!!!. Alia ipaghanda mo ako!!!" Sigaw ni tita sa akin.

"O-opo" nauutal kong sabi at agad -agad ko ng hinanda ang makakain niya.

"DALIAN MO!!!!" bulyaw niya niya kaya nataranta na ako nanginginig na yung kamay ko dahil sa takot kaya nang sinasalinan ko na ang baso ni tita ng tubig ay hindi ko sinasadyang natapon iyon sa damit niya.

"Ano ba naman alia!!! Kahit kailan talaga tanga ka!!!!" Bulyaw niya sa akin.

"Sorry po tita" paulit-ulit kung hingi ng tawad ngunit para lamang siyang bingi.

"Wala ka talagang silbi. Bwisit!!!! " Sigaw niya na may kadma pang sampal sabay akyat niya sa hagdan.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at umagos na sa mata ko. Hindi naman yung sampal yung iniiyakan ko kung hindi yung kung sino yung sumampal sa akin ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan niya ako pero bakit ganon parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Maya-maya may naramdaman akong yumakap sa akin tinignan ko kung sino at lalo akong napaiyak siya lang ang karamay ko sa.mga panahon na kailangan ko ng makakapitan gaya ngayon.

"Manang" banggit ko sa pangalan niya.

"Shhh... ayus lang yan nandito lang si naman ako shhhh tahan na" pag co-comfort sa akin ni manang.

Tumigil na ako sa pag iyak at dumiretso na lang sa aking kwarto dala na din siguro sa pagod ay agad akong nakatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sana po naka relate kayo sa chapter na to.

Please support this story.

Vot and comment.

From:  Sis Z 😘😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon