CHAPTER - 10

1 1 0
                                    

Lucia POV.

Dalawang araw na siyang tulog simula nung ibinigay ni theria ang bato sa kanya at nahimatay.

"Gumising ka na Alia" sabi ko ng may lungkot ang tono.

Nakita ko namang gumalaw ang mga daliri niya kasabay ng unti-unting pagdilat ng mata niya.

"Manang " sabi niya at umupo mula sa pagkakahiga.

"May masakit ba sayo?? Gutom ka na ba?? Anong nararamdaman mo ngayon??" Sunod-sunod na tanong ko.

"Grabe naman kayo maka react manang" pabiro nitong sabi.

"Dalawang araw ka ng tulog Alia at ngayon ka lang nagising" sabi ko sa kanya.

"DALAWANG ARAW!!!" gulat na sabi nito.

"Oo dalawang araw na at nag-alala ako ng sobra sayo" sabi ko.

"Ayus na po ako manang wag na po kayong mag-alala " sabi nito ng nakangiti.

"Wag ka namunang tumayo ako na lang ang magdadala ng pagkain mo dahil sigurado akong gutom ka" sabi ko at bumaba na upang kunan ng makakin si Alia.

Nakita ko naman sa kusina si theria.

"Kamusta na siya??" Tanong nito.

"Ayus naman na pero kailangan pa niya ng pahinga " sabi ko sa kanya nakita ko naman si Pixx na nagmamadaling lumapit sa kinalalagyan namin.

"Oh Pixx naparito ka??" Tanong ni theria.

"May mga nakita akong dark mages na naglilibot sa enchanted forest " sabi nito habang naghaaabol ng hininga.

" sigurado ka ba??" Naniniguro kong tanong.

"Oo sigurado ako mga sampu sila na naglilibot ngayon sa enchanted forest parang may hinahanap sila " sabi nito na naging dahilan ng pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

Alia POV

Hindi ako makapaniwala na dalawang araw akong tulog hay ano kayang pwedeng gawin magbabasa na lang siguro ako.

Tumayo ako at lumapit sa lagayan ng mga libro ano kayang pwedeng mabasa?? Eto na lang siguro.
.
.
.
STONE OF SERENITY.

yan ang tittle ng librong nakuha ko
Binuksan ko na ang pahina nito.

STONE OF FIRE.

Kilala din ito sa pangalang fire stone ang sinumang nangangalaga nito ay may kakayahang kontrolin ang tinatawag na Lava monster ito ay natutulog sa bulkan ng walang hanggang apoy.

STONE OF AIR.

Kilala din ito sa tawag na air stone ang sinumang nangangalaga dito ay may kakayahang kontrolin ang tinatawag nilang Blusion ang dragong bumubuga ng nakakalasong hangin na naninirahan sa ulap azuli.

STONE OF WATER.

Kilala din ito sa tawag na water stone kung sino man ang tagapangalaga ng batong ito ay may kaayahang kontrolin ang Water serpent na si agux ito ay naninirahan sa pinakamalalim na parte ng black sea.

STONE OF EARTH

Kilala din sa tawag na Earth stone kung sino man ang tagapangalaga ng batong ito ay may kaayahang kontrolin si bezta ang halimaw na bato na natutulog sa kweba ng malabato.

STONE OF AETHER

Tinatawag dinitong aether stone at batong puti kung sino man ang tagapangalaga ng batong ito ay may kakayahang tawagin ang pitong dragon ng elemento hindi lang iyon ang mga dragon ay may kakayahang magsanib bilang iisa na tinatawag na si zitus.

May sabi na ang aether stone o batong puti ay may iba pang kakayahan ngunit wala ni isa ang nakatuklas ng kakayahan maging ang tagapangalaga nito.

Sinara ko na ang libro matapos kong basahin ang totoo niyan madami pa akong nabasang uri ng bato na nagtataglay ng kapangyarihan pero kung inisa-isahin ko pa ay hindi na makakayanan ni author na mag explain.

Naramdaman ko na may pumasok sa kwarto ko pagtingin ko si manang na may dalang pagkain.

"Kumain ka na at magpahinga " sabi nito tumango na lang ako bilang sagot at lumabas na siya.

Habang kumakain hindi ko maiwasang isipin yung nasa libro tungkol sa aether stone may iba pang kakayahan ang aether stone na walang nakakaalam kung ano?? Hay umiiral na naman ang ciurosity ko hay naalala ko ako na nga pala na ako ang bagong tagapangalaga ng aether stone bakit kaya binigay sa akin ni theria ang bato?? teka nasaan na nga pla yung bato?? Ano ba yan Alia hay saan ko ba nailagay yun???.....
.
.
.
.
.
Naalala ko na pumasok pala yun sa loob ng katawan ko kaya hindi mawawala yun hay kuminsan umiral ang pagka engot ko.

Natapos na akong kumain at naligo sumunod ay nagpahinga na ako.
.
.
.
.
.
.
★★★★★KINABUKASAN★★★★★

Alia POV.

As always maaga na naman akong nagising pero iba ang pakiramdam ko ngayon parang may mangyayari na hindi maganda hay ang aga-aga kung ano-ano ang iniisip ko.

Ginawa ko na ang mga morning routine ko at bumaba na ng hagdan para sa training tatlong araw din akong di nakapag training dahil nagpahinga pa ako.

Nag unat-unat muna ako at tsaka gumawa ng sampung mga dummy at kinalaban ko ito.

Sipa dito, sipa doon, suntok dito, suntok doon, ilag dito, ilag doon pito na lang ang natira gumawa ako ng air ball sa kanang kamay ko at fire ball naman sa kaliwa sabay kong hinagis papunta sa direksyon ng mga dummy nakailag ang iba na kaya nag summon naman ako ng water sword at umatake sa kanila natapos ko na ba din medyo hingal naman akong napaupo sa puno tsaka ko lang napansin sina manang at theria na nakangiti sa akin lalapit na dapat ako sa kanila ng makarinig kami ng pagsabog.

"BOOOOOOOOOOOOOOOOGSHH!!"



-------**************************---------
Ano po kaya yung sumabog?? Sa tingin niyo readers??

vote and comment po.

Thanks for reading

---- sis Z 😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon