Babaeng kulay green ang buhok POV.
Bumalik na kami ng academy siguro ay ipapaliwanag na lang namin kay headmaster ang nangyari sigurado akong maiintindihan niya kami yung babae naman na tumulong sa akin ay dinala namin sa clinic para magamot.
Naglalakad kami ngayon papunta sa office ni headmaster iniwan na muna namin yung babaeng tumulong sa akin nandoon naman si nurse Noymi isa siya sa magagaling na healer namin sa school.
Ng nasa harapan na kami ng pinto ng office ni headmaster ay kumatok muna kami.
TOK*TOK*TOK*
"Pasok" sabi nito mula sa loob kaya agad kaming pumasok at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandito din pala ang apat na tagapangalaga ng bato ng elemento na sina Flare tagapangalaga ng fire stone si Aila tagapangalaga ng air stone si Agus tagapangalaga ng water stone at si Ericka tagapangalaga ng earth stone.
"Ang bilis niyo naman?? Na hanap niyo ba ang tagapangalaga ng ika limang bato??" Tanong nito sa amin.
"Hindi po dahil may nakalaban kaming mga dark mages may tumulong sa amin ngunit nasugatan at nahimatay siya kaya hindi na kami tumuloy na hanapin ang ika-limang bato at umuwi na kami dito upang mapagamot namin siya" mahaba kong paliwanag.
"Tumulong??" Na saan siya nais koo siyang makita at makausap" sabi ni headmaster.
"Na sa clinic po---"ngunit hindi pa ako tapos magsalita ay lumabas na siya ng office kaya sinundan na lang namin siya pati ang apat na tagapangalaga ng bato ay sumunod din sa amin ng marating namin ang clinic ay agad naman siyang pumasok.
"Headmaster" gulat na sabi ni Noymi sabay yuko tanda ng pag-galang.
"Na saan siya??" Tanong nito at tinuro ang kama kung saan mahimbing na natutulog ang babaeng nagligtas sa akin.
Nilapitan agad ito ni headmaster.
"Anong pangalan niya??" Tanong nito sabay tingin sa amin.
"Hindi pa namin siya kilala"sagot ko. Napa buntong hininga na lang siya.
"Pagka-gising niya nais ko na sabihin niyo agad sa akin" sabin nito.
"Opo headmaster" magalang na sabi namin at umalis na.
"Bantayan niyo siya mabuti" sabi ni Ericka tagapangalaga ng earth stone.
"Opo "sagot namin.
Hay sana magising na siya para malaman ko na ang pangalan niya at mapa-salamatan ko siya sa pagligtas sa akin.
Agus POV
Ng makita ko ang babae na tumulong sa mga royalties nakita ko na busilak ang kanyang kalooban alam kong unang kita ko pa lang sa kanya pero hindi ako maaaring magkamali sa aking nararamdaman. May kakaiba sa kanya at yun yung gusto kong malaman.
Aila POV.
Nung makita ko yung tumulong sa mga royalties yung babaeng mahimbing na natutulog sa clinic ay may kakaiba sa kanya yung awra niya ay kakaiba magkahalong puti at itim. Kaming mga tagapangalaga ay may kakayahang makita at maramdaman ang awra ng isang ekementalist doon namin nakikita kung mabuti ba ito o masama hindi gaya ng mga ordinaryong elementalist kaya lang nilang makaramdam at hindi makakita ng awra nakakapagtaka iyon ang gusto kong malaman ang dahilan paano nangyari iyon.
Alia POV.
Nagising ako sa isang garden??? Teka sa pagkakatanda ko nasa magic forest ako ha??.
"Nandito ka dahil may mahalaga akong sasabihin sayo " sabi ni Atherina (kung natatandaan niyo pa po siya, siya yung niligtas ni Alia sa chapter 9)
"Ano yun??" Tanong ko sa kanya.
"Wag ka basta-basta magtitiwala, hindi sapat ang pinagsamahan at nakikita mo para maniwala ka agad, maging matalino ka sa bawat desisyon na iyong gagawin" sabi nito na kinataka ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin??" Tanong ko.
"Ikaw na ang bagong tagapangalaga ng aether stone at may kakayahan kang kontrolin ang lahat ng nais mo dahil aether ang kapangyarihan mo at dahil din sa kakayahan mo maraming gustong makuha ka at gamitin ka sa kasamaan tandaan mo Alia mag-iingat ka lagi at tandaan mo lagi ang sinabi sayo ni lucia"yung yaya/manang ni Alia).
"Tatandaan ko po iyan" magalang kong sabi.
"Sige na hanggang sa muli nating pagkikita" sabi nito bigla naman akong napapikit dahil umiikot ang paligid ko.
Naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa isang malambot na bagay bubuksan ko na sana ang mata ko ng may marinig akong mga boses.
"Kailan kaya siya magigising??"tanong ng isang boses na babae.
"Sa tingin mo alam namin ha??"balik na tanong ng isang boses na lalaki.
"Tumigil na nga kayo mag-aaway na naman kayo eh"saway ng isang boses babae.
Kaya napag pasiyahan kong imulat na ang mga mata ko.
Babaeng kulay green ang buhok POV.
Hay nag-aaway na naman itong dalawang kong kasamahan.
Napatigil naman ang dalawa at gulat na napatingin sa ngayon gising na babaeng nagligtas sa akin.
Isang walang emosyong mata ang bumungad sa amin.
"Ano ayus ka na ba?? May masakit ba sayo?? Gutom ka na ba??" Dire-diretso kong tanong sa kanya.
"I'm fine" sagot nito sa tanong ko at umupo sa kama bigla namang dumating si nurse Noymi.
"Gising ka na pala. Ipaaalam ko lang kay headmaster"sabi nito at lumabas uli ng kwarto.
"Ivy rhea Salvia Earth user " pakilala ko.
"Bella zea Damson Air user "sabi ng kasamahan ko na babae na kulay grey ang buhok
"Baron castor Damson kapatid ni bella air user din "pakilala ng kasamahan kong lalaki na kulay
grey ang buhok."Jasper rod Aguil water user"pakilala ng kasamahan kong lalaki kulay blue ang buhok.
"Laria jane Tralec Electric user " pakilala ng kasamahan kong babae na kulay yellow ang buhok.
"Lectro max Tralec kapatid ni Laria Elactric user din"pakilala ng kasamahan kong lalaki na yellow ang buhok.
"Ilex ace Coesta Ice user" sabin ng kasamahan kong lalaki na kulay puti ang buhok na may highlight na blue.
"Hi ako nga pala si Ashley Rodriguez Fire user may kapatid ako na lalaki "pakilala ng kasamahan ko na babae na may kulang buhok sabay siko sa kapatid niyang lalaki pero hindi naman siya nito pinansin kaya pinakilala niya na lang.
"Siya ng pala si Ashiro raz Rodriguez pasensya ka na ha cold talaga yun at emotionles simula ng mawala siya"sabi niya ng may lungkot na tono.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po kung panget po itong chapter na to.Ano po kayang mangyayari kay Alia ngayon?
Nakilala niyo na po ang someone natin.
Sino po kaya si "siya"?
Abangan....
Kung may mga suggestion po kayo para lalong mapaganda ang story pwede po kayong mag-message sa akin.Thanks for reading this story.
Vote and comment
~~sis Z 😘
BINABASA MO ANG
Alia's Adventure
خيال (فانتازيا)Isang mortal na nagbago ang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa di inaasahang pangyayari nagkaroon siya nang paglalakbay. Paglalakbay nga bang matatawag? Ano kaya ang kahihinatnan ng paglalakbay niya Ano kaya ang mga kakaharapin niyang...