CHAPTER 17

4 1 0
                                    

Alia POV

Maaga akong nagising as always hinanda ko muna ang mga kagamitan ko at ginawa ko na ang mga morning routine ko.

Sinuot ko na ang uniform ko. Ang uniform dito ay white na long sleeve blouse na may black ribbon sa may bandang leeg tapos sa kaliwa ng dib-dib ko ay may logo ng school pinatungan naman ito ng parang jacket na sleeve less yung parang sa mga anime yung palda ko naman ay kulay black na above the knee at medyas na mahabang kulay puti at black rubber shoes.(kayo na po ang mag imagine hindi po ako magaling sa pagdedescribe)

Pagkatapos kong isuot ang uniform ko ay sinukbit ko na ang bag ko at bumaba na ng hagdanan. Naabutan ko si Ivy na nagluluto sa kusina.

"Ang aga mong nagising ha wait ka lang malapit na tong matapos umupo ka na kang diyan" sabi niya at ako naman ay umupo na sa may dining area.

Kumuha ako ng libro sa bag ko at binasa ito. Maya-maya ay natapos na din magluto si Ivy at hinanda na ang pagkain binigyan niya na din ako ng plato at nagsimula na kaming kumain.

"Hindi mo pa ba sila gigisingin??" Tanong ko nagulat naman siya sa biglaan kong pagsasalita pero nakabawi din naman agad at sinagot ang tanong ko.

"Maya-maya na lang siguro" sabi nito at ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay umakyat uli siya para magbihis ng uniform ako naman ay nagbasa na lang sa may sofa nakita ko naman na bumaba na sina Ilex,Ash,Ashley,Laria,Bella,Baron,Ivy at Jasper na nakabihis na pero wala pa si lectro.

"Kumain na kayo diyan" sabi ni Ivy.

"Gisingin niyo na kaya si lectro" sabi ni jasper.

"Baka Malate pa tayo dahil sa kanya" sabi naman ni Baron.

Umakyat naman si Ivy para gisingin si lectro. Maya-maya ay nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kwarto ni lectro kaya agad-agad silang nagsipuntahan ako at si Ash  naman ay relax na naglakad papunta sa kwarto ni lectro.

Nang marating namin ay nadatnan namin si Ivy na sunog ang balat sa may bandang siko niya.

"Ano ang nangyari dito at nagkasugat ka??" Tanong ni laria na may pag-aalala sa boses nito.

"Eh kasi bigla-bigla na lang pumapasok sa kwarto ko kaya ayan nagulat ako at natamaan ko siya ng electric ball ko" parang batang paliwanag ni lectro.

Bumaba na kami at ginamot na ang sugat ni Ivy. Lumbas na kami at naglakad papuntang classroom namin habang naglalakad ay naka rinig ako ng tilian hindi na ako nagtaka dahil bukod sa royalties they are handsome and pretty hindi lang yun sila ang pinakamalakas sa buong academy so sino nga ba ang hindi mapapahanga sa kanila nakarinig din ako ng bulungan gaya ng.

"Sino yung kasama nila??"- G1.

"Oo nga girl bakit kasama niya ang mga royalties??!"- G2.

"Slut" - G3.

"Baguhan lang yan ngayon ko lang nakita ang mukha eh"-G2.

"Baguhan lang pero kung makadikit sa royalties grabe"- G1.

"Yeah sigurado akong weak yan"-G2.

"Ang pangit niya"- G3.

Akala mo naman kung sinong maganda eh dinaig pa nga si joker sa puti ng mukha at kapal ng lipstick.  Hindi ko na lang sila pinansin at nagbasa na lang ng libro hanggang makarating kami sa room namin.

Umupo muna ako sa vacant chair maya-maya ay dumating na din ang teaxher namin.

"Okay class my name is Mrs Lhea collins i'll be your adviser for the whole year. Since na magkakakilala na kayo ay hindi niyo na kailangan i-introduce ang sarili niyo sa harapan pwera na lang sa bago ninyong kaklase so please introduce your self here in front of your classmate" sabi nito lihim naman akong napabuntong hininga at tumayo na sa harapan.

"Alia jam kish. 17 yrs old " maikli kong pagpapakilala at naglakad na papunta sa upuan ko ng biglang may nagbukas ng pinto at hingal na hingal na nagsalita.

"Sorry i'm late" sabi nito.

"It's okay you may now take your sit Mr. Vilex" sabi ni ma'am at pumasok na ang kaklase ko at umupo dun sa inupuan ko kanina maglalakad na sana ako papunta sa isa pang vacant chair ng may biglang nagtanong.

"Ma'am ano po ang Power at ability niya??" Tanong ng isa kong babaeng kaklase napatingin naman si ma'am sa akin ng nagtatanong.

"It's for you to find out" nagulat naman sila dahil sa sinabi ko, ako naman ay dumiretso na umupo sa bakanteng upuan ng nahimasmasan sila dahil sa sinabi ko ay nakariing nanaman akong bulungan.

"Teka bakit siya dyan naupo??" -G1.

"Diba bawal umupo diyan??" - G2.

"Sigurado akong sunog siya kay Ash" - G3.

"Sigurado akong hindi niya alam na bawal umupo diyan" G1.

Napatingin naman ako sa mga naguusap na iyon. Napatingin ako kay Bella,laria at Ivy na parang natatakot ang mga itsura anong nangyari sa mga to bakit ganun ang mga itsura?? Hindi ko na lang sila pinapansin at nakinig na lang sa discussion ni Ma'am na tungkol sa potions.

Ashley POV.

Nag-aalala ako para kay Alia OA na kung OA pero hindi niyo naman siguro ako masisisi eh kasi yung huling taong umupo diyan ay nasunog ang balat babae pa naman yun kawawa nga eh kaya yun simula noon ay wala ng sumubok na umupo uli diyan simula ng mawala siya.

Nakita ko din ang mga kaklase ko at iba pang royalties na nakatingin kay Alia.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang ilang minuto ng biglang.........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oooooops bitin po ba hee wait for the next chapter na lang po.

If may suggestions po kayo ay pwede po kayong mag message sa akin malay niyo po isama ko dito sa story na ito.

Thanks for reading this story.

Vote and comment po.

-----SIS Z 😘 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon