Someone POV.
Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng aming misyon pagkatapos kong mag impake ng ilang kakailanganin ay bumaba na ako ng hagdan sakto naman na nandoon na silang lahat.
"Tara na " sabi ko at lumabas na kami ng ng dorm.
Ng makarating kami sa office ni headmaster ay may nakita na kami na portal.
"Pumasok na kayo dito at dadalhin kayo nito sa magic forest mag-iingat kayo " sabi nito at pumasok na kami ng portal.
Pagkalabas namin ng portal ay nasa loob na kami ng magic forest.
"Saan ba mahahanap ang tagapangalaga ng ikalimang bato??" Tanong ng kasamahan kong babae na kulay green ang buhok.
"Kailangan nating maka-labas sa kagubatang ito at tatawid tayo sa ilog sinil mula doon ay maglalakad na tayo para makapunta sa Enchanted forest " mahabang paliwanag ng lalaking kulay asul ang buhok.
At sumunod na lang kami sa kanya.
Alia POV
Maaga kaming nagising mga 4:00 at kumain muna bago nagligpit at ngayon ay naglalakad na kami sa loob ng magic forest ilang araw kaya ang itatagal namin dito sa kagubatan bago makalabas??
Nakita kong huminto si pixx napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit ka huminto?? " tanong ko rito.
"May nararamdaman akong awra hindi lang isa madami sila" paliwanag nito sa akin.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at nagpatuloy ng mag lakad sumunod naman sa akin si pixx.
Maya-maya ay tumingin sa akin si pixx na parang nag-aalala.
"Magtago tayo " sabi nito kaya agad akong umakyat sa puno upang magtago at mula dito ay makikita ko kung sino ang paparating.
Tumingin ako sa baba at nagulat ako sa aking nakita.
Someone POV.
Nakarating na kami sa gitna ng kagubatan ng biglang huminto ang isa kong kasamahan na lalaki na may pulang buhok.
"Oh pare bakit ka huminto??" Tanong ng lalaking kulay yellow ang buhok.
"May paparating" maikling sabi nito kaya nag handa kami kung sakaling may lumusob sa amin at hindi nga kami nagkamali.
May sumugod sa aming mga dark mages linabanan naman namin ito.
Alia POV
Nagulat ako dahil may mga naglalaban sa baba, dark mages laban sa hindi ko kilalang grupo nanuod na lang ako dito sa taas ng puno si pixx naman ay nasa maliit kong bag.
Alam kong pagod na sila pero wala pa ring gusto nagpatalo napatingin naman ako sa babaeng kulay green ang buhok ng matumba siya at may sugat na siya sa braso hindi naman siya napansin ng mga kasamahan niya dahil busy pa din sila sa pakikipaglaban. Unti-unting lumapit ang dark mages sa babaeng kulay green ang buhok alam kong nanghihina na siya nagpalabas naman siya ng earth ball at pinapatama doon sa dark mages na lumalapit sa kanya ngunit nasasanga naman ito ng shield na ginawa ng kalaban niya.
Tinaas ng dark mages ang espada na hawak niya doon naman ako napatayo mula sa kina-uupuan ko ng akmang isasaksak na niya ang espada sa babae ay dali-dali akong nagteleport papunta sa kinalalagyan niya.
Babaeng kulay green ang buhok POV
Ng tinaas ng kalaban ko ang espada niya at isasaksak sa akin kaya napapikit na lang ako ngunit wala naman akong naramdaman na bumaon sa katawan ko kaya minulat ko ang mata ko at nakita kong nakahandusay na ang dark mages na dapat ay sasaksak sa akin sa tabi naman nito ay isang taong naka-cloak.
Kinalaban din niya ang mga dark mages na sumugod sa kanya.
"Ayus ka lang ba??" Nag-aalalang tanong ng mga kasamahan ko ng marating nila ang pwesto ko isang tango lang ang naisagot ko at tumingin sa naka-cloak na nakatayo at pagtingin ko sa mga dark mages ay mga naka handusay na sa lupa, wow ang galing niya napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakatingin din sila sa taong naka-cloak.
Maya-maya ay humarap at lumapit sa akin ang naka-cloak at nagulat ako dahil isang babae ang nakita ko ang ganda niya pero isang walang expression mukha ang bumungad sa akin.
"Ayos ka lang ba??" Tanong nito sa akin napabalik naman ako sa katinuan at napatingin sa mga kasamahan ko na nakatingin din sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Ah. O-o ayos lang ako" nakangiti kong sabi.
May kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin.
"Inumin mo para mabilis na gumaling at bumalik ang lakas mo" sabi nito sabay abot ng limang bote na may kulay berdeng likido sa loob.
Agad ko naman itong kinuha.
"Salamat pala sa pagligtas mo sa akin" nakangiti kong sabi.
"Walang anuman" sabi niya in a cold tone pero pansin ko ang biglaang pamumutla niya.
"Ikaw ayos ka lang ba??" Tanong ko.
"Oo ayos lang ako" sabi nito in a cold tone pa rin pero parang may mali??.
Pa talikod na sana siya ng mapansin ko na may tumutulo sa cloak niya nagulat ako dahil dugo ang tumutulo doon magsasalita na sana ako ng bigla siyang nahimatay buti na lang at agad siyang nasalo ng kasamahan kong lalaki na kulay pula ang buhok, wow ngayon ko na lang uli nakita ang lalaki na to na maging gentleman aba eh wala kayang pakielam yan sa mundo ni hindi nga namin mautusan yan takot lang namin dyan sa lalaking yan hay ano bang nangyayari sa mundong toh!!!.
************************************
Kamusta naman po ang chapter na to boring po ba???If may suggestion po kayo ay pwede kayong magkoment malay niyo di ba isama ko sa story na to.
Thanks for reading
------sis Z 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/112477782-288-k312478.jpg)
BINABASA MO ANG
Alia's Adventure
FantasyIsang mortal na nagbago ang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa di inaasahang pangyayari nagkaroon siya nang paglalakbay. Paglalakbay nga bang matatawag? Ano kaya ang kahihinatnan ng paglalakbay niya Ano kaya ang mga kakaharapin niyang...