Manang lucia POV ( yaya po ni alia)
Naikwento ko kay theria ang tungkol sa kakayahan ni alia at nakumpirma ko na rin na siya nga ang...
"Gisingin mo na siya at ako na ang maghahanda ng pagkain" utos sa akin ni theria.
Pumunta ako sa kwarto ni Alia hindi na ako nagulat kung gising na siya dahil parang may body alarm yan araw-araw maagang nagigising kaya hindi na kami mahihirapan sa pag gising sa kanya.
"Oh manang nandito po pala kayo Goodmorning po. Ano po ba ang susuotin ko?" Natawa naman ako sa tanong niya.
"Kahit ano basta kumportable ka" sabi ko at bumaba na ng hagdan.
Alia POV.
Nagising ako ng 4:00.Hay ano bang susuotin ko?? Ngayon lang ako magtetraining gamit ang kapangyarihan at physical.
Maya-maya ay nakita ko si manang na nandito sa loob.
"Oh manang nandito po pala kayo Goodmorning. Ano po ba ang susuotin ko??" Tanong ko, nakita ko naman siyang tumawa.
"Kahit ano basta komportable ka " sabi ni manang at umalis na.
Ginawa ko na ang mga routine ko at nagbihis na. Black t- shirt, jeans at red converse na lang ang isinuot ko.
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko sila na naghihintay sa akin.
"Sumunod ka sa amin" seryosong sabi ni manang kaya bigla akong kinabahan.
Sumunod na lang ako sa kanila hanggang mapadpad kami malapit sa talon.
" 50 push-up then 10 times kang tumakbo mula dito hanggang bahay " sabi ni theria kaya sinunod ko na lang siya.
★★★after few minutes★★★
Natapos ko na din ang pinapagawa niya actually natapos ko na siya kanina pero pianulit sa akin kay eto tagak-tak na ang pawis ko plus gutom na guyom na ako dahil hindi pa kami nag aalmusal.
"Okay tama na muna yun at mamaya uling tanghali ang ituturo ko sayo kung paano lumaban ng walang sandatang gamit" sabi ni theria tango na lang ang naisagot ko.
Bumalik na kami sa bahay at kumain grabe da sobrang pagod ko para akong ilang taong hindi kumain dahil gutom na gutom ako.
Pagkatapos nun ay pinagpahinga muna nila ako dahil mamaya sigurado akong mas matinding training pa ang gagawin ko dahil may kalaban na ako.
Lumipas ang tanghali kumain muna kami at nagpatunaw ng kinain bago uli ako sumabak sa training.
"Lakasan mo pa ang suntok " sabi ni theria kaya ginawa ko na lang.
"Sige pa Lakasan mo rin ang pagsipa" sabi nniya ulit kaya ginawa ko na lang para sa akin din naman to para ma protektahan ko ang sarili ko.
Sipa doon,sipa dito, suntok doon, suntok dito, ilag doon, ilag dito pulit ulit lang ganyan ang ginagawa ko pagod na ako ngunit wala akong magagawa kung hindi mas lalong magpursigi sa tinuturo nila sa akin.
Theria POV.
Ramdam ko na lalo pa niyang nilalakasan ang suntok at sipa niya niya na binibigay sa akin hanga ako sa batang ito dahil hindi siya nagrereklamo kahit alam niyang pagod na siya karapat-dapat lang siyang bigyan ng gantimpala.
"Tama na muna at bukas na ko na lang ituturo ang iba pa" sabi ko sa kanya dahil hapon na rin naman at parehas kaming pagod bukas ay si lucia naman ang magtuturo kung paano palalakasin ang kanyang pakiramdam.
Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong magbihis at nagluto tinulungan naman ako ni lucia si Alia naman ay nandun sa kwarto niya.
"Sa tingin mo ba makakayanan niya dito tumira?? " tanong ni lucia sa akin.
"Hindi natin alam pero base sa nakikita ko sa kanya masaya naman siya dito" sagot ko.
"Nag-aalala lang ako sa kanya nasa mundo siya ng mahika at wala sa mundo na kinagisnan niya mas maraming kapahamakan dito, ayoko naman siyang ibalik sa mundo nila dahil siya na lang mag-isa ang namumuhay kung sa kali nangako ako sa mommy niya na aalagaan ko si Alia" kwnto niya.
"Para saan pa at tinuturuan at sinasanay natin siya, diba para sa anya din yun para makayanan niyang protektahan ang sarili niya" paliwanag ko.
Alia POV.
Eto ako ngayon nakatanaw sa bintana dito sa kwarto ko may mga unting galos at pasa akong nakuha dahil sa training namin kanina pero ayus lang dahil ramdam ko kahit papaano ay lumakas ako.
Pumunta ako sa cabinet, ang daming libro na nandito pero ni isa wala akong magustuhan na basahin siguro dahil pagod at wala ako sa mood na saan kaya si Pixx hindi ko siya nakita kaninang umaga at tanghali wala tuloy akong makausap.
"Alia bumaba ka na at kakain na!!" Tawag sa akin ni manang.
"Andyan na po!!!" sigaw ko pabalik at dali-daling bumaba.
Nakita ko na ako na lang ang iniintay nila sa hapag kainan kaya dali-dali akong umupo sa upuan.
Nag dasal muna kami at kumain na mahabang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa maglakad ako ng loob.
"Ahh, theria nasan po si Pixx??" Tanong ko.
"May inutos lang ako sa kanya at baka bukas ay makita mo na rin siya." Sagot niya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
Ng matapos na ay umakyat na ako upang makapag pahinga na dahil may training pa ako bukas.
★★★☆★★★☆★★★☆★★★☆★★
Sabaw naaaman po ako hehe kung may suggestion po kayo ay wag mahihiyamg mag comment at malay niyo di ba ilagay ko dito sa story ko.
Vote and comment.
Thanks for reading.
----sis Z 😘
BINABASA MO ANG
Alia's Adventure
FantasyIsang mortal na nagbago ang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa di inaasahang pangyayari nagkaroon siya nang paglalakbay. Paglalakbay nga bang matatawag? Ano kaya ang kahihinatnan ng paglalakbay niya Ano kaya ang mga kakaharapin niyang...