After 1 Month training

2 1 0
                                    

I want to thank MYSTERY_GUY26

Alia POV.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung magtraining kami at sa isang buwan na yun ay madami akong natutunan kaya ko ng kontrolin ang Apoy,Hangin,Tubig, at Lupa ng hindi gumagamit ng spell paano ng yari yun?? Binigay ni theria ang kalahati ng lakas at kapangyarihan niya nung una ay hindi ko tinanggap ngunit mapilit siya kaya tinangap ko na rin.

Hindi ganun kalakas ang kapangyarihan ko dahil kalahati lamang ito ng kapangyarihan ni theria.

"Alia!!!! Tara na at kakain na" tawag ni theria.

"Andyan na po" bumaba na ako mula sa pagkakaupo ko sa puno.

"Tara na Pixx" aya ko kay Pixx at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Kumain na kami ng tahimik maya-maya ay natapos din kami.

Palabas na sana ako ng tawagin ako ni theria.

"Alia maaari ba kitang makausap " sabi nito.

"Opo naman tungkol po ba saan??" Tanong ko.

"Sumunod ka sa akin" sabi nito kaya sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa narating namin ang sa kanyang kwarto.

"Ano po ba ang pag-uusapan natin??" Tanong ko uli.

"Alia maaari ka bang mangako sa akin??" Naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Po??" Naguguluhan kong tanong.

"Ilahad mo sa.akin ang iyong palad" utos niya kay nilahad ko ito.

"Simula ngayon ay hindi na ako ang tagapangalaga ng puting bato ibinibigay ko na ito da iyo tanggapin mo ang kapangyarihang taglay nito " sabi niya sa akin sabay bigay ng puting bato sa nakalahad kong kamay.

"Mangako ka na pangangalagaan mo ito at hindi mo ibibigay kahit kanino at walang makakaalam na nasa iyo ito maliwanag ba?? " tanong niya. Aangal pa sana ako ngunit biglang lumiwanag ang puting bato kaya nabitawan ko ito ngunit lumutang ito sa ere at pinalibutan ako, namangha naman ako sa nakikita ko hindi ko maiwasang mapanganga ngunit huminto ito sa aking harapan at bigla nalamang itong pumasok sa aking bunganga at nalunok ko ito may kakaibang enerhiya akong naramdaman biglang sumakit ang aking dibdib kaya napasigaw ako.

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ko then every thing went black.

Theria POV.

Hindi ko inaasahan ang nangyari pumasok sa bunganga niya ang bato at nalunok ito pagkatapos nun ay bigla nalang sumigaw si Alia na para bang nasasaktan siya.

Pagkatapos niyang mahimatay ay Binuhat ko na siya papunta sa kanyang silid alam kong unti-unti na akong manghihina dahil hindi na ako ang tagapangalaga ng puting bato o kilala din sa tawag na Aether stone.

"Nakakapagtaka ang nangyari " biglang sabin ni lucia na nasa tabi din ni Alia.

Maging ako ay nagtataka din kung bakit pumasok sa katawan ni Alia ang puting bato???.

Alia POV

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil nasa ibang lugar na ako puro puti halos ang nakikita ko.

Teka nasa langit na ba ako pero hindi naman ako namatay ah hay ang gulo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko nasaan na ba??? ako saang lugar bato??? Parte pa din ba ito ng magic world???.

"Alia, Alia" bigla naman akong napatingin kung saan ng may tumawag sa akin isang boses ng babae.

"Nandito ako" sabi uli ng tinig.

"Sino ka?? Magpakita ka??" Sigaw ko.

"Tumingin ka sa likod mo nanduti ako aa may puno " sabi niya kaya tumingin ako sa likod isang babae ang nakatali sa puno agad ko itong nilapitan pero tumama lang ako sa matigas na bagay may harang para hindi makalapit sa kanya.

"Kailangan mo munang matalo siya para mapakawalan mo ako dito " sabinng babaeng nakatali.

"Sinong siya ang dapat kong matalo??" Tanong ko ngunit hindi pa siya nakakasagot ay nakarinig na ako ng ulong napatingin ako sa likod ko at nagulat ako dahil isang napakalaking outing dragon.

"ROAAAAAAAAR!!!!!!!!" ungol nito sabay buga ng fire ball agad ko naman itong naiwasan naglabas ako ng water ball at water blade pero nakagawa agad siya ng shield na gawa sa hangin hay paano ko nga ba ito matatalo.

Ilag-lang ako ng ilang may kaunting galos na din ako pero hindi ko ininda yun dahil naghahanap ako ng kahinaan niya may napansin naman akong kuminang sa bandang noo niya aha alam ko na agad akong nagpalabas ng kapangyarihan ko fire blade, air ball, water spike, at earth bomb sabay-sabay ko itong tinira sa pwesto niya agad naman akong tumalon gumawa ako ng ice wings at lumipad papunta sa noo niya at tinusok ko ito ng espada gawa sa apoy.

"ROAAAAAAAAAAAAAR!!!!!!!!!" sigaw nito ng maibaon ko ang espada sa noo niya hinihingal naman akong lumapag sa lupa nakita ko na lumiwanag ang katawan ng dragon at nabasag ang harang kung saan nakapaloob ang isang babaeng nakatali sa puno.

"Salamat sa pagligtas sa akin" sabi ng babae habang nakangiti.

"Walang anuman po" magalang kong sabi.

"Ako nga pala si atherina. Ikaw??? " tanong niya.

"Alia po" magalang kong sabi.

"Dahil sa pagliligtas mo sa akin tanggapin mo ng buo ang aking kapangyarihan" sabi niya at biglang nagliwanag ang katawan niya kasabay ng pagliwanag ng katawan ko.

Unti-unti naman nakaramdam ako ng hilo at unti-unti napapapikit ako ngunit bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay may sinabi pa siya.

"Nawa'y gamitin mo lamang ang kapangyarihan mo sa tama at kabutihan hanggang sa muli nating pagkikita"

★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Sana po nagustuhan niyo hehe

Vote and comment

----sis Z 😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon