CHAPTER-7

0 1 0
                                    

Alia POV

Hinawakan ni manang ang kamay ko.

"Dito tayo papasok" sabi ni manang.

"Sa isang puno??"tamang tanong ko.

"Oo pupunta tayo sa lugar namin" sabinni manang bigla naman akong na-excite.

Nagcast ng kung ano si manang tapos may nabuong bilog na parang umiikot pumasok na kami at unti-unti akong nakaramdam ng hilo hangang sa naramdaman ko na nakakapag na kami sa lupa nilibot ko ang tingin ko at nasa gitna kami ng gubat.

"Enchanted forest ang tawag dito " nakangiting sabi ni manang nung makita niya akong nagtataka.

"Sumunod ka sa akin makikituloy tayo sa kaibigan ko" sumunod na lang ako sa kanya habang nililibot ko ang tingin sa buong lugar.

Napakaganda ng lugar na ito may mga halaman, puno at bulaklak na kumikislap nakaamangha talaga hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko na nandito na ako sa magic world grabe ibang-iba sa mundo na kinalakihan ko.

Maya-maya ay huminto kami sa isang kweba.

"Tara na "sabi ni manang.

"Opo" sagot ko at tuluyan na kaming pumasok sa loob madilim at nakakakilabot ngunit nang makapasok na kami sa pinaka loob ay namangha ako dahil napakalawak nito may water falls at ilog din may mga bulaklak at puno din pero hindi ganun kadami may kubo sa tabi ng ilog.

"Nagbalik ka na lucia" isang boses ang naka-agaw ng pansin ko napakaganda niya may maputing balat,matangos na ilong, kulay brown na mata, mapupulang labi, at buhok niya na kulay puti may flower crown pa siya sa ulo.

"Dito na ako titira" sabi naman ni manang dun sa babae.

"May kasama ka pala " sabi niya ng nakatingin sa akin.

"Ako nga po pala si Alia." Magalang na pagpapakilala ko.

"Ikinagagalak kitang makilala ako naman si theria tagapangalaga ng makapangyarihang bato ng aether.  Tara tumuloy muna kayo sa aking kubo upang makapagpahinga" agad naman kaming pumunta sa kubbo niya malawak ang loob nito at simple lang talaga dahil wala masyadong kagamitan ang makikita.

Lumabas muna ako ng kubo dahil nais kong libutin ang lugar na ito habang si manang at theria naman ay nag-uusap sa loob hay hindi ko pa nga pala tapos basahin ang libro ni manang.

Pumasok uli ako sa loob at kinuha ito muli akong lumabas at umupo sa ilalim ng puno.

AETHER

Ang isa sa mga Elementong bumuo ng magic world. Ito ay ang pinaka malakas na elemento sa lahat dahil kaya nitong makakonekta sa mga ispiritu ng apat na elemento at hindi lamang iyon pagkat ang kapangyarihang ito ay maraming kayang gawin.

Nakakamangha naman pala talaga ang Aether teka diba si theria ay tagapangalaga ng batong Aether ibig sabihin ang kapangyarihan niya ay Aether wow ang galing naman.

Tinabi ko muna ang libro at pumunta sa ilog malapit sa talon.

Napakalinis.ng tubig na umaagos mula dito maya-maya ay may lumapit sa aking fairy.

"Hi!! Anong pangalan mo?? " tanong niya.

"Alia ikaw?? " tanong ko naman.

"Pixx ang pangalan ko. Ngayon lang kita na kita dito" sabi niya.

"Galing ako sa mga mundo ng tao at pinalayas kami ni manang ng tita ko kaya sinama niya ako dito" kwento ko.

"Ah! Ganun pala ang nangyari. May ipapakita ako sayo" sabi niya.

"Ano yun??" Tanong ko. Lumipad siya tapos may sinaboy siya sa aking parang mga glitters ang ganda dahil kulay puti iyon at kumikinang.

"Wow ang ganda!!" Mangha kong sabi.

"Pixxie dust ang tawag dito naaayon ang Pixxie dust naming mga fairy sa kapangyarihan namin gaya ko na isang inaalagaan ng Aether user kaya kulay puti ang Pixxie dust ko" paliwanag niya so alaga pala siya ni theria sana may fairy din ako.

"Ikaw naman po ate pakitaan mo ako ng kapangyarihan mo" sabi niya habang pumapalakpak.

"Alam mo ba Ordinaryong tao lang ako pero kaya kung mag cast ng spell" sabi ko.

"Talaga pero imposible naman na makayanan ng isang tao ang magcast ng spell kung wala itong dugong wizard o witch siguro ay espesyal kang tao kaya nakakayanan mong mag cast ng spell" mahaba niyang sabi.

Hindi na ako nag cast ng spell at naglaro na lang kami nang habulan hanggang sa mag hapon na.

"Alia!!.pumasok ka na dito sa bahay " sigaw ni manang sa akin.

"Opo manang" sigaw ko pabalik dahil medyo malayo ang kinaroroonan namin, kinuha ko na ang libro ko at pumasok na kami ng bahay ni Pixx.

Agad na bumungad sa akin ang mga pagkain sa lamesa.

"Kumain na tayo upang maaga tayong makapagpahinga, atsaka Alia bukas na bukas din ay kailangan mong mag sanay" sabi ni theria

"Magsanay, bakit po?" Tanong ko.

"Sa mundong ito kailangan alam mo kung pano protektahan ang mga mahal mo sa buhay pati ang sarili mo hindi to gaya ng mundo ng mga tao nasa mundo ka ng mahika kaya mas maraming panganib" paliwanag ni manang.

Isang tango na lang ang naisagot ko at pinagpatuloy ko ng kumain.

"Matulog ka na dahil bukas ay maaga kitang gigisingin para sa pag-eensayo mo" sabi ni theria.

"Opo" sagot ko at pumunta na ako sa kwarto ko dito sa kubo. 

Hay ano-ano kaya ang mangyayari bukas sa training ko.

Hindi na ako nagbasa ng libro at natulog na lang.


★★★★☆★★★★☆★★★★☆★★★

Thanks for reading this chapter.

What do you think will happen next???

VOTE AND COMMENT

Sis Z 😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon