CHAPTER 6

2 2 0
                                    

Alia POV

Agad akong bumaba ng hagdan mamaya ko na lang siguro tatapusin ang pagbabasa.

Pagkababa ko nakita ko  si manang na naghahanda ng pagkain.

"Kumain ka na" sabi sa akin ni manang.

"Sabay na po tayo"sabi ko at sabay na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan maya-maya ay dumating na si tita.

"Alia!!! Alia!!!" Sigaw niya kaya agad na akong pumunta sa kanya.

"IKAW!!! IKAW!!! BATA KA!!!! MALAS KA SA BUHAY KO!!!" bulyaw niya sabay sabunot at sampal.

"Tama na po" pagmamakaawa ko.

"NAWALAN AKO NG ASAWA DAHIL SAYO!!!! BWISIT KA WALA KANG PAKINABANG!!! SIGURO SA SOBRANG KAMALASAN MO NATALO TULOY AKO SA CASINO BWISIT KA!!!!" patuloy pa rin siya sa pagsabunot at pagsampal sa akin wala akong magawa nakakapagod pala noh hindi ko magawang makalaban man lang.

"Tama na yan Ma'am "pag aawat ni manang kay tita pero parang bingi lamang ito at kinaladkad ako papuntang pinto.

"Tama na po yan Ma'am" awat ni manang.

"Wag kang mangielam dito katulong ka lang" sabi niya at tinulak ako palabas ng bahay.

Agad naman akong tinulungan ni manang para makatayo.

"Pabayaan mo yang walang kwentang yan diyan sa labas!!" Sigaw niya.

"Hindi na tama ang ginagawa mo" sabi naman ni manang.

"Eh di lumayas kayo sa pamamahay na to at wag na kayong babalik naiintindihan niyo ha kunin niyo ang mga gamit niyo at lumayas na kayo!!" Bulyaw niya tumayo na kami at kinuha lahat ng gamit ko.

Wala na kami ng nagawa nung itinulak niya kami palabas at pinagsarhan ng pinto.

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagbagsak ng ulan agad naman akong hinila ni manang at sumilong sa puno.

"Pasensya na po manang nadamay pa kayo" paghingi ko ng tawad.

"Ano ka ba namang bata ka wag kang humingi ng tawad hindi mo kasalanan ginawa ko lang ang tama, sumosobra na sa pananakit yang tita mo sayo." Isang tipid na ngiti lang ang naigawad ko.

Saan na kaya kami pupunta wala naman akong pwedeng lapitan na kamag anak hay paano na yan masyado na kaming nababad sa ulan.

"Tara masyado na tayong nabasa at nalamigan ng ulan " agad naman akong hinila ni.manang papunta kung saan hanggang sa maoad-pad kami sa park yung park kung saan huli kong nakasama si Daddy.

Hinila uli ako ni manang at natapat kami sa gubat ito ay nasa dulong bahagi ng park wala masyadong nagpupunta dito dahil sa nakakakilabot na aura ang bumabalot at sa mga sabi-sabi tungkol sa gubat na yan.

"Teka manang anong gagawin natin sa loob niyan??" Tanong ko ngunit isang ngiti lamang ang kanyang isinagot sa akin at hinila uli ang aking kamay wala na akong nagawa kundi sumama na lang ako maya-maya ay may natanaw akong bahay sa di kalayuan agad nanaman akong hinila papunta doon ni manang at pumasok puro sapot at may pagkaluma na ang bahay.

"Manang baka po magalit ang nakatira dito " sabi ko kay manang ngunit tinawanan niya lamang ako.

"Ano ka ba naman Alia ang bahay na ito ay akin may pagkaluma na at maalikabok marami na ding sapot ng gagamaba kaya pagpasensyahan mo na " sabi naman ni manang may bahay pala si manang at sa gitna pa ng gubat.

"Oh siya maligo ka muna dahil nabasa ka ng ulan at baka magkasakit ka pa maglilinis lang ako saglit " sabi niya tumango na lang ako at dumiretso na sa banyo.

Pagkarating ko sa banyo ay malinis naman pero hindi pa rin mawawala ang mga sapot kaya nag cast ako ng spell.

"Klixto nivan iyoz" (gawa-gawa ko lang po yung spell na yan)pag cast ko then boom! Malinis na ang banyo naligo na ako at nagbihis ng damit pantulog paglabas ko ng banyo ay nakita ko malinis na ang buong bahay.

"Matulog ka na may kwarto sa taas malinis na rin yun kaya matulog ka na aalis tayo bukas" sabi niya kaya naman ay umakyat na ako sa taas mayroong tatlong kwarto pumasok ako sa unang pintuan pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang malaking kwarto ang ganda iba talaga ang nagagawa ng mahika.

Humiga na ako sa kama pero bago ako matulog ay nagdasal muna ako
"Sana po lord gabayan niyo po ako, kami ni manang lucia bukas ilayo niyo po kami sa kapahamakan yun lang po Amen " sabi ko at nahiga na hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

Manang lucia POV.

Bukas ay kailangan na naming umalis siguradong may mga dark mages na gumagala dito sa gubat sana wala namang mangyaring masama.

Nilagyan ko ng barrier ang buong bahay para pangprotekta kung sakaling may lumusob na dark mages.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Alia nakita ko siyang mahimbing na natutulog hay alam kong isa siyang matalino, matapang at malakas na bata kailangan lang niyang magsanay para magamit niya ng tama at mapagtangol ang sarili niya.

Bumaba na ako at natulog may kwarto naman dito sa baba.

*****KINABUKASAN****

Alia POV.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana.

Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko.

Saan kaya kami pupunta ni manang?? .

Bumaba na ako at bumungad agad sa akin si manang na nakangiti habang naghahanda ng pagkain.

"Goodmorning manang" masaya kong bati.

"Goodmorning din. Kumain ka na at aalis na tayo dito" sabi niya sa akin.

"Saan po tayo pupunta?? " tanong ko naman.

"Secret" maikli niyang sagot.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi kumain na lang kami ng tahimik.

Pagkatapos kong kumain ay pina-akyat na ako ni manang at pinagbihis dahil aalis na kami.

"Alia!! Bumaba ka na at aalis na tayo" tawag sa akin ni manang kaya agad akong bumaba sa hagdanan.

"Wala ka na bang nakalimutan??" Tanong ni manang tinignan ko ang mga gamit ko kumpleto naman napahawak ako sa leeg ko nandito pa naman din ang kwintas may spell to kaya no worries dahil hindi matatangal yan sa leeg ko at hindi basta-basta mahahawakan dahil mapapaso ka.

Umalis na kami sa bahay sa aming paglalakad lumapit kami sa isang puno.

***********************************
Bitin po ba next chapter wil be publish soon.

Vote and comment.

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon