CHAPTER-5

4 2 0
                                    

Alia POV.

Nagising ako dahil sa isang malakas na sigaw.

"ALIA!!!!ALIA!!!GUMISING KA NA!!!" agad naman akong napabangon dahil sa sigaw ni tita rose.

Dali-dali kong inayos ang sarili ko at bumaba na agad.

"KAILANGAN PA BA KITANG GISINGIN??!!! HA WALA KA TALAGANG SILBI KAHIT KAILAN!!!" sigaw uli niya sabay sampal sa akin wag kang iiyak Alia be strong.

"IPAGHANDA MO AKO NG PAGKAIN DALI!!!" sigaw niya sabay tulak sa akin kaya napasubsob ako sa simento, agad naman akong tumayo at dali-dali siyang pinaghandaan ng pagkain.

"LAYAS!!" sigaw uli niya pagkatapos kong mahanda ang pagkain niya.

Umalis na ako at pumasok sa kusina nakita ko naman si manang.

"Goodmorning po manang" masaya kong bati.

"Ano ang good sa morning mo ALIA??" Tanong niya.

"Alam mo manang sanay na ako kay tita" sagot ko naman. 

Nagkibit balikat na lang siya at niyaya niya na akong kumain ganito naman palagi eh sabay kaming kumain ni manang.

"ALIA!!!" tawag sa akin ni tita rose agad-agad naman akong pumunta sa dinning area.

"Bakit po??" Tanong ko habang nakayuko.

"Ano ba ang tinutunganga mo diyan eh di ligpitin mo na tong pinagkainan ko at maglinis ka ng bahay.  Siguraduhin mo lang na pagbalik ko ay maayos at walang kalat" sabi niya.  Isang tango na lang ang nasagot ko.

"Siguraduhin mo lang dahil pag pumalpak ka ay palalayasin kita sa pamamahay na to. DO YOU UNDERSTAND??!!!!!!" bulyaw niya.

"Opo" nanginginig kong sagot at tuluyan na siyang umalis para magtrabaho hay.

Tinulungan ako ni manang maglinis ng bahay hindi na din kami nahirapan dahil gumamit kami ng mahika oh diba malupet hay.

"Alia!! " tawag sa akin ni manang.

"Bakit po?" Tanong ko naman.

"Kain na tayo ng tanghalian" sabi niya.

"Opo" sagot ko at agad ng pumunta sa kusina at sabay na kaming kumain.

Sana ganito na lang lagi ang buhay tahimik at simple lang kaso alam ko na madami pang problema ako na kakaharapin hay.

Pagkatapos namin kumain ay nagligpit at hinugasan ko na ang mga kinainan namin si manang naman ay pinagpahinga ko na ako naman ay agad na umakyat sa taas at natulog mamaya pa naman darating si tita kaya magpaahinga muna ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Manang POV.

Naghanda na ako ng miryenda para kay Alia napasarap ata ang tulog ng batang iyon hay marami din siyang nagamit na lakas ng gumamit siya ng mahika sa paglilinis ng bahay.

Dati ay nagtataka ako kung paano niya nakayang makagamit ng mahika wala naman siyang dugong immortal pero unti-unti kong natuklasan na.............

"Oh manang nandito po pala kayo" sabi ni Alia.

"Oh eto pinaghandaan kita ng miryenda " sabi ko at agad naman siyang lumapit akin.

"Kayo manang nag miryenda na po ba kayo??" Tanong niya kahit kailan talaga maaalahanin tong si Alia.

"Kumain na ako kanina para sayo na lang iyan " sabi ko at naghanada na para sa hapunan.

"Manang pahiram po ako ng libro ninyo " paalam ni alia sa akin.

"Sige basta ay ibalik mo rin agad. Sa cabinet ko marami doon" sabi ko.

Umalis na siya at tinuloy ko naman ang ginagawa ko.

Alia POV.

Nanghiram ako kay manang ng libro ang totoo niyan ay marami na akong libro na nabasa galing kay manang pero hindi pa lahat dahil may kakapalan ang mga iyon at inaabot ako ng buwan bago matapos.

Nang marating ko ang kwarto ni manang ay agad akong lumapit sa cabinet at binuksan ito nagulat ako dahil puro libro lamang ang laman nito at mga hindi ko pa nababasa ibig sabihin sobrang daming libro ni manang nag hanap lang ako.
.
POTION
.
SPELL
.
WIZARD
.
WITCH
.
MAGICAL CREATURE
.
MAGIC WORLD
.
Ang daming libro hindi tuloy ako makapili ito na lang nga kinuha ko ang librong may pamagat na MAGIC WORLD.

Lumabas na ako ng kwarto ni manang at dumiretso sa kwarto ko umupo ako sa kama ko at binuksan ang libro.

Sa first page nakita ko ay mapa na may nakalagay na magic world nakakamangha ang mapa nakita ko ang iba't -ibang bahagi gaya ng Fire kingdom,Air kingdom,Water kingdom, Earth kingdom, Forbidden forest, Enchanted forest, Lake of Nixie, Death Mountain, Trick Mountain, Dark forest, Lake of Magma, illusion forest , Dark kingdom at madami pang iba.

FIRE KINGDOM

Pinakamalakas na kaharian sa lahat at kinakatakutan dahil sa taglay nitong aura ngunit napakaganda ng kahariang ito napapalibutan ito ng mga bulkan  kilala ang mga nakatira dito sa larangan ng pagpapanday o pag gawa ng mga sandata.

AIR KINGDOM.

Ang kahariang ito ay lumulutang madaming mga flying creatures ang matatagpuan dito gaya ng pegasus na ginagawa nilang transportasyon para makarating sa kaharian ito.

WATER KINGDOM

Ang kahariang ito ay napapalibutan ng mga anyong tubig gaya ng falls, lake at iba pa tahanan din ang lugar na ito ng mga sirena kilala sila sa paggawa ng mga accessories gaya ng bracelet, necklace, earings at iba pa.

EARTH KINGDOM
Ang kahariang ito ay sagana sa yamang lupa madami ang mababangis na hayop sa lugar na ito madami kang makikitang iba't ibang puno, bulaklak, halaman at iba pa kilala ang kaharian nila sa paggawa ng mga damit,tela at iba pa.

Pagkatapos kong basahin ay inilipat ko na sa sumunod na pahina.

THE ELEMENT.

Ang magic world ay binuo ng mga god and godesses sa tulong ng mga elements para sa mga immortal o mga elememtalist na hindi pangkaraniwan ang lakas at kakayahan.

FIRE, AIR, WATER, EARTH AT AETHER ay ang mga elemento na bumuo sa magic world pero apat na elemento na lang ang kilala sa buong magic world.

FIRE
Isa ito sa mga elementong ginamit sa pagbuo ng magic world. Mahirap ito kontrolin at maaaring ikaw ang kontrolin nito matinding pagsasanay ang kailangan para ito'y mapasunod. May kakayahang kontrolin ang apoy at ang mga may hawak ng elementong ito ay masyadong mainitin ang ulo dahil sa kanilang kapangyarihang taglay.

AIR
Ang elementong ito ay isa din sa mga bumuo ng magic world. Pangalawa sa malakas na kapangyarihan nagtataglay ito ng napakalakas na pwersa. Maykakayahan itong kontrolin ang hangin.

WATER

Isa sa mga elementong bumuo sa magic world . Ang kapangyarihang ito ay nagtataglay ng kadalisayan at pagiging kalmado madali lamang itong kontrolin. May kakayahan itong kontrolin ang tubig at makipag usap sa mga lamang dagat.

EARTH
Ang isa sa mga elementong bumubuo sa magic world nagtataglay ng kalakasan at kasaganahan. May kakayahan ito na makipag usap sa mga hayop at kontrolin ang lupa maging ang mga halaman at puno.

AETHER.........

"Alia!!!! Bumaba ka na!!" Sigaw.ni manang sa baba.

"Nandyan na po!!" Sigaw ko pabalik.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ano po sa tingin niyo hehe sorry kung sabaw po hehe.

Still support this story Vote and Comment.

Thanks for reading.

---sis Z 😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon