CHAPTER - 12

1 1 0
                                    

Pixx POV.

First POV ko to hehe ang bait ni author, okay balik tayo sa story kilala niyo na siguro ako diba kung hindi ay ako nga pala si pixx, fairy ako ni theria dapat ay patay na ako dahil wala na ang amo ko pero siguro may mision pa ako kaya hindi pa ako kinukuha.

Grabe ang laki ng pinagbago ni Alia yung dating Alia na masiyahin ay napalitan na ng isang seryoso at cold grabe mukhang hindi ko ata makakayanan ang bagong ugali ni Alia kulang na lang ay mapanis na ang laway niya dahil sa kakapirangot na mga salita ang lumalabas sa bibig niya.

Dalawang araw na nung mailibing namin si manang lucia at theria at sa dalawang araw na yun ay puro paglalakbay lang ang ginawa namin hindi ko nga alam kung bakit eh hay kung saan-saan na lang din kami natutulog pag naabutan kami ng dilim maswerte kami dahil wala kaming nakakasalubong na dark mages o kaya mga mabaangis na halimaw.

Alia POV.

Naglalakbay kami ni pixx ngayon sa dalawang araw na paglalakbay namin ay hindi ko pa rin nakakalimutan mag ensayo tuwing umaga na nga lang dahil Naglaakbay kami upang mahanap ang Magith Academy sana naman mahanap na namin hay wala kasing mapa eh teka sa mga libro baka may mapa.

Huminto ako at naghanap ako sa bag ko ng libro actually tatlong bag ang dala ko,puro libro ang laman ng isang bag yung isa naman ay mga potion na gawa ko at yung isa naman ay mga damit ko actually hindi ko nga alam kung bag pa bang matatawag dahil maliit lang naman siya parang yung pocket ni doraemon ganun yung itsura niya pero bag nga lang yung akin.

Hanap..........hanap..........hanap...
Gotcha!! Nakuha ko din ang libro agad ko tong binuksan at hinanap ang paaralan at nahanap ko naman kailangan ko pang tumawid sa ilog sinil at pumasok sa magic forest para mapuntahan ang Academy dahil medyo may kalayuan din ang Academy ito mula sa kinalalagyan ko ngayon hay iisipin ko na lang na isa itong ADVENTURE para hindi naman ako mabagot.

Nilagay ko na uli ang libro sa pinagkuhaan ko at isinuot ko na ang cloak ko na black and white ang kulay.

"Kailangan na nating magmadali para mabilis tayong makarating sa pupuntahan natin" sabi ko kay pixx at agad na kinuha ito at nilagay sa  maliit kong bag at sinimulan ko na ang paglalakad.

MaKALIPAS ANG LIMANG ARAW.
(Hindi ko na po ididitalye ang mga nangyari ng nakalipas na ARAW dahil wa mga a naman pong masyadong ganap)

Nandito na kami sa ilog sinil grabe ang ganda dito hapon na ng nakarating kami dito siguro ay dito na din kami magpapahinga at bukas na lang uli namin ipagpapatuloy ang paglalakbay.

"Dito na muna tayo magpapalipas ng gabi at bukas ng umaga ay papasok na tayo sa magic forest" sabi ko at nagtayo na ng tent para tulugan namin.

"Ako na kukuha ng pang-gatong "paalam sa akin ni pixx.

"Sigurado ka ba??" Tanong ko tumango na lang siya at biglang nag anyong tao.

"Wag ka ng magulat may mga anyong tao din kaming mga fairy kaso hindi nga lang lahat ng fairy ay mayroon tanging mga pinagpala lang" paliwanag niya ng makita ang mukha kong gulat dahil sa nakita,  umalis na siya samantalang gumawa naman ako ng sibat at ng huli ng isda.

Maya-maya ay dumating na din si pixx na may mga dalang pang-gatong bumalik naman agad siya sa pagiging fairy niya ako naman ay nag sindi na ng bonfire at nilinis na ang isda pagkatapos ay inihaw ko na.

"Alia saan ba tayo pupunta?? " tanong ni pixx sa akin.

"Sa Magith academy" simpleng sagot ko naman sa kanya.

"Ano naman ang gagawin mo doon??" Tanong niya.

"Gusto ni manang na doon ko ipagpatuloy ang pagsasanay" sagot ko at kinain na ang naluto kong isda.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming pumasok sa tent.

Nag cast ako ng spell para lagyan ng barrier ang buong tent para maging proteksyon namin kung sakali mang may lumusob na dark mages.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sana makarating na kami hiling ko bago tuluyang lamunin ng kadiliman.

Someone POV.

Nandito kami sa dorm namin ng biglang may tumawag sa amin gamit ang telekenesis.

'Go to my office now' utos nito sa amin hay ano kaya ang ipapagawa nito??

Agad naman kaming lumabas at nagpunta sa office niya.

"Bakit niyo po kami pinapunta??" Tanong ko.

"Alam kong napaka delikado ng misyong ito para sa inyo pero wala akong magagawa dahil gusto ng mga tagapangalaga na kayo ang gumawa ng misyong ito" paliwanag niya sa amin.

"Ano po bang misyon?? " tanong ko uli.

"Hanapin niyo ang tagapangalaga ng ikalimang bato at papuntahin siya dito."sabi nito na kinagulat namin.

"Di ba po sa labas iyon ng ating teritoryo?? " tanong ng isa kong kasamahang lalaki na kulay asul ang buhok.

"Tama kayo kaya nga mag-iingat kayo lalo na at madaming mga dark mages ang nagkalat"sabi nito, tumango na laman kami bilang pagsang ayon.

"Bukas ng 4:00 madaling araw magsisimula ang inyong misyon lahat kayo ay pumunta dito sa office ko" sabi nito ng seryoso.

Umalis na kami at pumunta sa dorm namin actually isa lang ang dorm namin at sama-sama kami dito.

Umakyat na ako sa hagdan at pumasok na sa kwarto ko sana mahanap namin ang tagapangalaga ng ikalimang bato.

************************************
Sana po nagustuhan niyo ang chapter na ito.

If may idea kayo just comment malay natin isama ko diba.

Sino po kaya si someone??

Any idea??

VOTE AND COMMENT.

THANKS FOR READING

----------sis Z😘

Alia's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon