Alia POV
Pagkatapos naming pumunta sa council at tanungin ako ng kung ano-ano ay dumiretso kami sa headmaster office.
"Alia sa mga royalties ka magdo-dorm utos iyon ng council " sabi ni headmaster.
"Sagot na namin lahat ng mga kagamitan mo para sa pag-aaral. Here is your card for other expenses don't worry unlimited yan kaya lahat ng gusto mo mabibili mo. Bukas ang start ng class mo eto ang map at scedule mo for the whole year bahala na ang mga royalties na magpaliwanag ng iba pa. You may leave now para makapagpahinga na kayo at ikaw din Alia."sabi nito at umalis na din kami doon.
"Magluluto lang ako" paalam ni laria.
"Magpapahinga muna ako"paalam ko at umakyat na ako sa taas nakita ko naman ang kwarto ko dahil may pangalan ko ito pagkapasok ko ay namangha ako dahil sa ganda ng disenyo nito all white with a touch of gold and red ang theme ng kwarto ko may walking closet din at may mga bagong damit pati uniform na nakalagay.
Humiga ako sa kama grabe hindi ko aakalaing mabilis akong makakarating dito sa magith academy.
"Manang nagawa ko na po ang isa sa mga hiling niyo gabayan niyo po sana ako" wala sa sarili kong sabi.
"Sigurado akong masaya si lucia" napatingin naman ako kung sino ang nagsalita at nakita ko si Pixx.
"Saan ka ba galing??" Tanong ko.
"Nilibot ko lang itong buong campus"sabi nito at humiga din sa kama.
"Grabe naunahan mo pa ako" may halong tampo ko sabi.
"Alam mo sana ganyan ka na lang" malungkot niyang sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Napansin ko kasi simula ng mawala sina lucia at theria ay naging cold,emotionless at tahimik ka na ibang-iba sa nakilala kong Alia" paliwanag nito.
Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya totoo naman kasi na nagbago na ako hindi na ako yung dating Alia na masayahin,palatawa at madaldal dahil ngayon ako na yung bagong Alia na cold,emotionless at tahimik.
"Mag-iingat ka Alia"sabi nito sa seryosong tono.
"Wag kang mag-alala sa akin "sabi ko ng nakangiti.
"Sige aalis na ako" sabi nito at akmang lalabas na sa bintana ng pigilan ko siya.
"Teka saan ka pupunta??" Tanong ko.
"Ilang araw di akong mawawala dahil may aasikasuhin pa ako bye!" Sabi nito bago tuluyang umalis.
Kung minsan hindi ko talaga siya maintindihan. Maliligo na lang ako nilapag ko muna ang mga gamit kong dala yup ngayon ko lang nabanggit sa inyo na simula ng magising ako ay bit-bit ko na ang mga gamit ko gusto pa nga nila bella na iwan ko muna pero hindi ako pumayag baka may mawala pa dito noh! Mahalaga pa naman ang mga nasa loob ng bag ko.
Punasok na ako ng banyo at naligo. Nagbihis ako ng pambahay tsaka bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko sila na nasa dining area na nakita naman ako ni ivy.
"Tara na Alia kain na tayo" pumunta naman ako sa dining area at umupo.
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si lectro.
"Alia?? Pwedeng magtanong??" Tanong niya hay ano pa ba ang ginagawa niya diba nagtatanong. May saltik siguro to sa ulo hehe joke.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Anong kapangyarihan mo??" Tanong niya nakita ko naman na siniko siya ng kapatid niyang si laria.
"It's for you to find out" sabi ko at tumayo na dahil tapos na akong kumain.
"Magpapahinga na ako" walang gana kong sabi.
Umakyat na ako at humiga sa kama nagtataka siguro kayo kung bakit ayaw kong sabihin, ginawa ko iyon para hindi boring.
Ilex POV.
Masyado siyang misteryoso bakit ayaw niyang sabihin ang kapangyarihan niya?? May kakaiba sa kanya hay isa pang tinatanong ko sa isipan ko kung sino yung kausap niya.
>>>>>>>FLASHBACK<<<<<<<<<
"Magpapahinga muna ako" nagulat ako actually kami dahil sa biglaan niyang pagsasalita nagpaalam na din ako para makapagpahinga dahil pagod na pagod ako.
"Guys akyat muna ako ha" sabi ko at umakyat na pagka-akyat ko papasok na dapat ako sa kwarto ko na katabi lang ng kwarto ni Ash ang arrangement kasi ay katapat ng kwarto ni Ash ang kwarto ni Alia at ako naman ay katabi ng kwarto ni Ash kung hindi kiyo naintindihan ay bahala na kayo.
Nakarinig ako ng dalawang boses na naguusap sa kwarto ni Alia teka may kasama ba siya?? Lumapit ako at tinapat ang tenga sa pinto para mas marinig ko.
"Mag-iingat ka Alia"sabi ng isang maliit na tinig ng babae pero
"Wag kang mag-alala sa akin" sagot naman ni Alia.
"Sige aalis na ako" paalam ng kausap ni Alia.
"Teka saan ka pupunta?? " tanong ni Alia.
"Ilang araw din akong mawawala dahil may aasikasuhin pa ako. Bye!" Huling sabi nito.
>>>>>>>>FLASHBACK END<<<<<<<
Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto ko ngunit imbis na makapagpahinga ay hindi ko nagawa dahil sa mga tanong na nasa isipan ko tungkol kay Alia...........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................Sino ka ba talaga Alia???.
------------------------------------------------------------
sana po ay nagustuhan niyo itong chapter na ito.Thanks for reading this story kung may idea or suggestion po kayo ay pwede niyo po akong imessage.Vote and comment po.
-----sis Z
BINABASA MO ANG
Alia's Adventure
FantasíaIsang mortal na nagbago ang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sa di inaasahang pangyayari nagkaroon siya nang paglalakbay. Paglalakbay nga bang matatawag? Ano kaya ang kahihinatnan ng paglalakbay niya Ano kaya ang mga kakaharapin niyang...