--Prologue--

108 5 5
                                    

--Prologue--

Sabi nila sa isang school hindi maiiwasan mabuo ang iba’t ibang grupo. Dyan makikita ang pagkakaiba ng personality ng bawat estudyante. Lahat tayo ay unique. Oo naman noh! Hindi ko gugustuhin maging katulad mo! Nag-iisa lang ako na… WAIT! WAIT!  Hindi ko sasabihin na maganda ko no!! Alam ko namang hindi. Nag-iisang lang akong baliw, adik at sabi nga ng kaibigan ko EPAL! Aminado kaya ako! Ikaw rin kakaiba. Saan ka nga bang grupo kasali at ano ang gagampanan ng grupong kinabibilangan mo sa istoryang ito? Pero bago ang lahat, anu-ano nga ba ang mga group na yan??? Hmmnn. Let’s review.!

Group no. 1: the honors list

Yung mga tipong makikibaka sa giyera kung magreview. Review pagdating ng bahay. Review hanggang gabi. Review pagdating sa school. Pero kahit ganyan sila magreview ayaw pa rin nila bumitiw sa reviewer kahit umuusok na ang ulo ng teacher dahil hindi pa makapagstart ng exam. Yan yung tipong magkamali lang ng isa maiiyak na, gusto ng bugbugin ang sarili. Pero bakit nga ba sila nagkakaganyan?

Group no. 2: Easy-easy lang

Eto naman ang grupo na tama lang. Konting aral, konting saya. Weeehhh? Konting aral, konting saya daw?! Baka naman konting aral, bonggang-bonggang saya! Eto na yata ang pinakamalaking population ng school eh. Nabibilang dito yung mga nakaka-isip lang mag-aral kapag may exam na. Pero kahit ganyan sila, nakakapasa ang mga yan! Oo tama kayo! Sila na ang SWERTE! Haha!

Group no. 3: the student council

I plan to do this in my term, I promise that… nako mga student council! Mga mini politician? Kung alam ko lang yang mga pinangako nila hindi naman nila nagawa lahat. Tapos sasawayin ka sa violations mo eh minsan naman sila rin may violation. May pagkabitter si author sa mga student council??? Haha hindi naman medyo lang. Minsan kasama sila sa honors list minsan naman sa easy-easy lang o kaya minsan….. ah basta! Pagala-gala sila sa ibang group! Kapag sikat ka, malamang kasama ka sa group na ito.

Group no. 4: the good…so good students 

Estudyanteng lagi ka na lang ngingitian. Lagi kang may matatanggap na good morning sa kanila. Kahit hindi sila kasama sa honors list, type pa rin sila ng mga teachers kasi madali silang pasunudin. Minsan ang mga ‘to kasama sa student council. Well, syempre hakot nila ang votes… marami ngang silang ka-close diba?

Group no. 5: SUPER involved

Sumali sa ganito, sumali sa ganyan. Yung iba sa kanila matalino pero yung iba wala trip lang talaga sumali. Kadalasan sa mga yan student council. Magpaplano ng ganito, ganyan pero kung alam lang talaga ng mga teachers gusto lang nila ng… PARTY!!! Sila and dahilan kung baket ang daming gastos sa school.

Group no. 6: Sporty!!!

Dyan kasama ang mga sinisigawan, pinagnanasahan, pinagkaka-abangan at yung iba sinasamba pa. Ang mga heart throb ng school ay madalas na nandyan! Hindi naman yata talaga sila pinapanuod dahil sa mga laro nila, parang pinapanuod sila dahil sa kanilang pagmumuka!!! Haha! Yah yah, pagmumuka!

Group no. 7: The comedian :D

Tawa dito, tawa dyan. Lahat na lang gusto nilang pagtawanan at lahat na lang ginagawa nilang katatawaan. Kahit nga hindi na nakakatawa pinagtatawanan pa rin nila tapos matatawa ka na din dahil sa itsura nila. Pero dahil sa kanila mas masarap mag-stay sa loob ng room o kahit sa labas pa. Nakakawala ng stress lalo pa kapag malapit ng naman ang exams!!!!

Group no. 8: yah yah, BITCHES!

Yan naman ang pumasok ng school para lang magpaganda. Maghanap ng boys. Makipag-artehan. Magmodel ng pinakalatest na fashion statement. Magtaray. O kaya naman mangbully! Hindi papahuli ang mga yan sa pinaka-usong BRANDED na gamit. Mayaman ba sila? Sus. Eh yung iba hindi naman. Makasama lang sa grupo na to kahit mahirapan ang magulang okay lang sa kanila. Masama ba silang lahat? Malay ko. Baka naman may pinagdadaanan lang.

Group no. 9: the bullied

Mga dakilang martir ng school. Yan yung okay lang na mabugbog, masabunutan, mabuhusan ng kung anu-ano, mautus-utusan at kung anu-ano pa. Ang hindi ko talaga alam sa mga yan ay kung bakit sila nagpapabully. Eh kung tutuusin kaya naman nila lumaban. Yung iba pa nga dyan sa mga nabubully eh mayayaman. Hay nako… ewan ko ba!!! Nakaka-init ng ulo yang mga yan! Mga adik yata! O gusto lang nilang saktan ang sarili nila?!

Group no. 10: Weird or silent type -___-

Hindi nga binubully, pero hindi na din pinapansin. Sa sobrang weird kala mo may kung sino ng kinukulam sa likod mo. Actually natatakot na sa kanila yung mga mangbubully… eh pano ba naman laging may weird na aura sa likod nila. Basta! Nako, kung anu-ano sinasabi ko tungkol sa kanila… baka isumpa ako!!!

Group no. 11: passers-by~

Ang mga napadaan lang sa school. Nag-excel sa academics… hindi! Sa co-curricular… hindi din! Basta nga napadaan lang sila. Nakatapos sila… TAPOS!!! Wala ng marami pang usap-usapan pa!

O diba! Nareview na natin sila! Pero kahit ganyan, may peace pa rin sa school. Masaya. Kasi kahit may pagkaka-iba, yun pa ang nagiging daan para maging enjoy ang pananatili mo sa school.

Malamang iniisip mo na kung saan ka nga ba kasama diyan. Pero hayaan mo muna akong ikuwento ang apat na babae na siyang makakasalamuha mo sa istoryang ito.

Apat na babae. Iba’t iba ng personality, iba-iba ng lifestyle. Galing sila sa iba’t ibang grupo sa loob ng school. Pero meron isang similarity. Nagmahal sila… ng isang lalaki… isang g***, walang kwenta, sira-ulo at lahat-lahat na ng negative na adjectives sa mundo na ginulo lang ang peace sa school!

Bakit wala syang kwenta?

Dahil yun ang ikinikilos niya.

Pano nya nagulo ang peace sa school?

Dahil ang indecisive niya.

San sila grupo ng nanggaling???

Find out!!!

Kung bakit nagkagulo-gulo ang buhay pag-ibig ng apat na babae na yan??? 

Ikaw na lang ang umaalam,

Ikaw ang humusga kung talagang nakakainis ba talaga yang lalaki na yan,

Kasi ako sobra ang inis ko sa kanya…

Pero…

Parang nawala na….

Kasi…

Kasi….. 

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon