Chapter 20 - All is Fair in Love and War

20 2 4
                                    

Author’s Note:

Kung may nagbabasa man neto, Maikli lang to. Sarrreeeeh. Malapit na pong mag-end ang July sa part na ito, hindi na rin po sya kasabay ng mga POV ni Mich.

Chapter 20

Ember’s POV

Aaaaaaaaaah….! Bakit ba kahit anong gawin kong practice ng taekwondo eh patuloy ko pa ding nararamdaman ang lahat ng muscle pains na to. Nakaka-inis!!! Lilinawin ko lang po sa inyo na kahit ang isang bitch ay may nararamdaman din.

May naririnig akong yabag ng paa. May paakyat papunta sa kwarto at malakas ang feeling ko na alam ko na kung sino ang pesteng taong to. Walang iba kundi ang nakaka-irita kong kapatid. Aishhh!

Binuksan ng kapatid ko ng pagkalakas-lakas ng pinto ng kwarto ko. Sabay talon sa kama ko. Bwiset talaga!!! Dahil matino akong kapatid, bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga na naging resulta ng pagkahulog nya ng malakas papunta sa sahig ng kwarto ko. Dahil sa lakas na pagkalaglag nya, malamang ay narinig naman to ng magaling kong ama kaya nagmamadali syang umakyat papunta ng kwarto ko.

“Ember! Anong nangya…”, hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil nakita naman nya ang kapatid ko na nasa sahig ng kwarto ko. Mukhang masakit yata ang pagkakahulog ko sa kanya ah… pero who cares. Sino ba ang nagsimula?

“Ano na naming ginawa mo sa kapatid mo?!!!”, tanong nya sa akin habang tinitingnan kung may nangyari bang masama sa anak nya.

“kapag may nabaling buto sa kapatid mo, malalagot ka talaga sa akin!”, sigaw ng magaling kong tatay. Tsss… lagi naming ganyan eh. Diyan naman siya magaling, sa pagsigaw sa akin. At lagi na lang kapatid ko ang kinakampihan nya. Sus. Sanay na ko…

“baket? Anong gagawin mo?”, tanong ko sa kanya habang nakataas pa ang isa kong kilay.

“babawasan ang allowance ko? Kukunin ang cellphone ko? Laptop? O kung ano man na pwede mong kunin? Baket? Anong bang karapatan mo sa mga bagay na yun? O baka naman sasaktan mo ako? Susuntukin? Hahahaha! Sige lang, ituloy mo”, patuloy kong sabi sa kanya. Minsan kasi nakakapuno na, lalo pa ngayong masama ang mood ko at sumasakit pa ang katawan ko.

“wala ka talagang respeto!”, sigaw na naman nya. Hay nako. Pwede naming magsalita ng mahina, bakit kaya kailangan pang sumigaw. Tsk.

“bakit totoo naman diba? Sa pagkakatanda ko kasi ay AKO ang bumili ng mga bagay na yun at nagprovide ng mga yun para sa sarili ko mula lang naman sa mga panalo ko sa mga laban na sinalihan ko. So… ano? Hindi ko yun utang na loob sayo. Isa pa, matagal ko ng alam na gusto mo akong saktan? Siguro nga kung may pwede, pinatay mo na ako eh.”, mahinahon pero alam kong tumatagos ang pagkakasabi ko sa kanya

“hindi ka makapagsalita? Ha! Palibhasa kasi totoo. Sige bahala ka na dyan, damayan mo ang nag-iinarte mong anak. Baka kasi may makuha kang pera dyan sa anak mong yan para sa pagkain at alak mo.”, pagkasabi ko nito ay agad ko na syang tinalikuran. Pumunta ako sa CR ng bahay namin at nagsimula ng magbihis. Isa na lang ang iniisip ko ngayon, ito ay ang maka-usap si Mich para tigilan nya na si Spin.

Sa HA…

Lunch break ngayon. Mukhang di yata magka-usap ngayon si Spin at Mich. Sinamantala ko ang pagkakataon na ito para naman maka-usap ko si Mich.

“Mich, pwede ba tayo mag-usap?” – ako

“uhmm… tungkol saan naman Ember?” – Mich

“basta. Follow me.” – ako

Sinundan nga ako ni Mich. Hindi ako nagsasalita hanggang dumating kami dun sa may likod ng school. Walang pumupunta dito kaya mas okay. Ayokong may makarinig na ibang tao ng tungkol sa pag-uusapan namin.

“alam mo… hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Isa lang naman ang gusto kong sabihin eh. May gusto ako kay Spin kaya layuan mo sya. Magkaibigan naman tayo diba? So learn to back off.”, mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya. At wala na rin akong paki-elam. Ang importante ay nasabi ko ang gusto kong sabihin. Tumalikod na ako para umalis…

“sandali lang, Ember.”, narinig kong sabi ni Mich. May sasabihin pa pala sya.

“ano?” – ako

“hindi naman ako ang unang nakipag-usap. Hindi rin naman ako ang unang nagbigay ng number. Kaya bakit kailangan mong sabihin sa akin to?” – Mich

“so… ano naman ang gusto mong palabasin? Na may gusto sya sayo? Hindi porket nagtetext sya sayo at lagi kayong magka-usap ay may nararamdaman na sya para sayo.” – ako

“hindi naman sa ganun. Hindi ko lang naman maintindihan kung bakit sa akin mo pa to kailangan sabihin. Kung gusto mo sya, bakit hindi mo sabihin sa kanya? Bakit kailangan kong umiwas?” – Mich

“pwede ba wag ka na lang sumagot! Gawin mo na lang ang gusto ko!”, pasigaw na sabi ko na sa kanya. Pinipikon ako ng babaeng to.

“p-pero…”, sa tono ng boses nya at sa itsura ng mga mata nya ay mukhang malapit na syang umiyak. Weak ka talaga Mich kahit kelan...

“pero ano?! Pwede ba Mich, wala ka naman gusto sa kanya diba? Pwes, ako meron kaya hayaan mo na lang ako. At sana gawin mo na lang to bilang isang kaibigan, kasi ang isang tunay na kaibigan hindi nang-aagaw.”

Pagkasabi ko neto sa kanya ay tumalikod na ako ng tuluyan. Ni minsan hindi ko tiningnan kung ano pa ang naging reaksyon nya. Naging malapit kami ni Mich nung third year. At kahit may pagkaka-iba ang mga ugali namin ay nagkakasundo pa rin kami. Aaminin ko, mabait si Mich. Hindi siya ganun kagaling lumaban sa mga taong nang-aapi sa kanya kaya hanggat maaari ayaw kong na maging magkaaway kami ng tuluyan. Kaya dapat ngayon pa lang ay lumayo na sya… dahil lagi nyang tatandaan, kahit kaibigan ko sya, kahit mahina pa sya…

all is fair in love and war.

Author’s Note:

Sasabihin ko na po sa inyo. Medyo marami sa storya ni Ember ay ginawa ko na lang. Hindi ko po kasi sya close friend so wala akong alam sa mga opinyon nya at kung ano ba ang nararamdaman nya ng time na to.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon