Side Story 3 Part 1 - Is my heart truly broken? "Thinking of her"

23 2 9
                                    

Side Story 3 Part 1 – Is my heart truly broken? “Thinking of her”

Chichirya’s Note:

Nangyare to after nung chapter 16…

Cole’s POV

Pagkaalis ni Mich ay lumingon ako sa ibang side para muling simulan ang pag-iisip kay crush.

Aaaaah. Akalain mong makita ko yung topic namin kanina lang. Si Spin…. Nandun sya sa section Rose. Kausap niya si Cherry. Kilala ko yan, 1st honor eh, pero di ko naman masasabi na close kami. Dahil lalaki din ako, masasabi ko na iba ang treatment na ito. Yung galaw ni Spin, bakit parang di lang basta-basta friends?

Habang iniisip ko ito ay napansin ko ang dalawang lalaki na nakatambay malapit lang sa akin. Parehas kami ng tinitingnan? Sila Spin din… bakit naman kaya? Naguguluhan ako sa nakikita ko pero mas naguluhan ako sa narinig ko.

“si Spin talaga, two-timer oh. May Cherry na may Autumn pa. tsk tsk tsk…. Pero boto pa rin ako sa Autumn-Spin love team! Ikaw Rain, anong masasabi mo?”

Di ko ugali ang makinig sa usapan ng iba. Sadyang nakuha lang ng usapan na ito ang interes ko.

.

.

.

.

.

.

.

Spin… ano ba talaga?

Natapos na ang lunch namin at nagstart na ulit ang klase pero yun pa rin ang nasa isip ko. Aiiiish. Imbis tuloy na yung crush ko ang iniisip ko, ginugulo pa ako ng pinagsasabi nung dalawang lalaki na yun.

Natapos ang dalawang subjects at naramdaman kong malapit na yata akong isugod sa mental na malapit sa school namin. Tinawag ako nung isa kong kaibigan, samahan ko daw sya sa canteen. Hay nako… kalalaking tao kailangan pang magpasama sa canteen? Nababading na yata to eh… mwahahaha, nababading dahil sa akin. Gwapo ko kasi… -________- bawal kumontra.

Pero bago ako tuluyang lumabasa ng classroom ay may nahagip ang dalawa kong mata… ito ay si Spin at Mich na nagtatawanan at nag-uusap. Ewan ko ba, bakit ba parang na-aasar ako sa mga nakikita ko. Siguro dahil ‘to sa mga narinig ko kanina. Medyo nagdududa na kasi ako dyan sa Spin na yan… hay ewan. Lumabas na nga kami at sa paglabas ko, nakita ko sa may second floor ng building… dun sa may part ng second year nandun sya. Nandun yung crush ko.

Nakakabading mang isipin na tinatawag ko syang ganun… bahala kayo sa gusto ko eh. Ayaw ko sanang umalis dun at tumitig na lang sa kanya kaso nga lang baka mamaya lumingon sya at makita nya kong tinitingnan sya. Ibinaba ko na ang tingin ko at naghanda ng sumunod sa kaibigan ko pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin sya sa may banda ko. Nakahingi ako dun ng maluwag… buti na lang at naibaba ko na kaagad ang mga tingin ko, kung hindi baka nakita nya akong nakatitig sa kanya.

PAGBALIK SA CLASSROOM…

Pagbalik ko ng classroom, nakita ko na wala ng kausap si Mich at gumagawa na lang nung kung anong homework. Hindi ko na pinansin kung ano yung ginagawa nya. Pake ko naman… kaya yan, papasa pa din naman ako ng fourth year.. siguro? Hehehehehe.

Lumapit ako sa kanya at umupo dun sa katabing upuan..

“ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?” bigla ko na lang tanong sa kanya.

“AAAAAAH! Monster! Itong dapat sayo!” sumigaw si Mich ng pagkalakas-lakas at biglang tinusok nung hawak nyang ballpen ang kamay ko na nakapatong sa armchair nya.

“ARAY NAMAN MICH!” napasigaw na din ako habang ginagalaw-galaw ko yung kamay ko.. pero di pa din nawawala yung sakit. Pesteng babae to napaka-brutal.

“ayyy… Cole ikaw lang pala yan! Sorrrrrryyyy! T____T” sabi sa akin ni Mich habang inaabot yung kamay ko na nilapastangan nya.

“aissssh. Kung maka-monster naman kasi parang bata… buti na lang tayo lang nandito, kaya walang nakarining ng sigaw natin.” Medyo inis na sabi ko sa kanya.

“waaaah… sorry na talaga. Di naman masyadong malalim yung pagkakatusok ko sayo. Medyo lang, hehehehe. Bakit ba kasi bigla ka na lang tatabi sa akin at gugulatin ako?” – Mich

“hindi kita ginugulat, kinakausap lang kita.”, medyo inis ko pa ring sabi sa kanya.

“waaaah… wag ka ng magalit sa akin… T___T”, nagmamaka-awa nyang sabi sa akin

“aisssh. Sige di naman kita matitiis. Subukan mo lang na tusukin ulit ako… naku naku..”, sabi ko sa kanya sabay gulo sa buhok nya. Yung kamay ko, tumigil na sa pagdurugo.. pinunasan nya gamit yung panyo nya.

“ano ba yung sinasabi mo nga ulit?” – Mich

“sabi ko ano ba ang dapat kong gawin?” – ako

“huh? Ano bang tinutukoy mo?” – Mich

“aishh. Slow ka kahit kelan. Dun kay… ano… kay …. Crush… “, sobrang pabulong ko lang na sinabi yung huling salita. Ngumiti naman sya ng nakakaloko sa akin at niyugyog ang braso ko.

“hahahahah! Hahahahaha! Nakakatawa ka, alam mo yun? Kung gusto mo edi ligawan mo!” – Mich

“hindi ba ano? Awkward? Mas bata sya kesa sa atin?” – ako

“sus… okay lang yun. Ilang taon ba tanda mo sa kanya? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi naman ganung kalayo ang agwat nyo sa isa’t isa kaya okay lang yan” – Mich

“tsss.. kala mo naman ganung kadali ang manligaw. Palibhasa, kayong mga babae… kayo ang nililigawan.” Sabi ko sa kanya, tapos tumayo na ako para lumipat sa pwesto ko talaga. Nagsisimula na kasing dumating yung mga kaklase namin… malapit na yatang magtime. “sige lipat na ako ng upuan.. mukhang malapit ng magtime.”

“sige… ligawan mo na kasi para tapos problema mo!” – Mich

Hindi na ako sumagot pa. Ginulo ko na lang ulit ang buhok nya… naiinis kasi siya kapag nagugulo ang buhok nya eh.

Pagbalik ko sa upuan ko… naisip ko na naman sya… bakit ba nakakabading kapag nagkakagusto ka sa isang babae.

Naaalala mo lagi yung itsura ng crush mo. Kung gaano sya ka-ganda, yung mga kilos nya. Yung ngiti nyang nakaka-inlove. Sighssss….

SHET! Why am I always THINKING OF HER!

Chichirya's Note:

yan po yung crush ni Cole ---->

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon