Side Story 1 Part 1 - Black and White "The Start"

38 3 9
                                    

Author’s Note: hindi pa talaga eto yung pinaka UD ko para sa araw na  to. Mamaya baka meron ulet! Hmmnnn.. magpapalit palit po ng POV so sana wag tayong malilito. :)

Side Story 1 Part 1 – Black and White “The Start”

Earl’s POV

Ako si Ivory Pearl Monteverde. Unang una hindi mayaman dahil isang maliit na business lang ang kinukuhanan ng mga magulang ko ng income. Spoiled? Pwede dahil ako ang bunso sa aming dalawang magkapatid. I can say na may favoritism si daddy kaya naman nung bata pa kami ni kuya laging kaming nagkakagalit dahil lagi na lang syang pinapagalitan. But one thing about saming magkapatid, simula nung nag high school si kuya, hindi na kami laging nag aaway. Naging mas close kami at lagi akong nagshashare ng random na bagay every time na kumakain kame. Maldita ako at mataray. Hindi din ako ganun kasociable… I prefer kung mag-isa na lang ako at tahimik na nagbabasa. Pero baliw ako sa mga friends ko. I love being with them. Hindi ako magmamaldita kung hindi mo din ako pipikunin. I always keep things myself and held them within. But wait til my feelings burst, you will never like it. Proud NBSB at wala akong balak na magboyfriend sa time na to.

Flashback mula sa Chapter 2

Cherry’s POV

“Ohayou, Cherry-chan!!” si Earl naman yan. Sya yung maldita kong friend. Pero hindi mo aakalain na mahilig sa anime yan. Uhhmm.. babae po si Earl. Bakit Earl? Hayaan na po natin syang magpaliwanag sa sarili nyang POV.

a/n: Ipapaliwanag na ni Earl kung bakit Earl ang napili nyang nickname.

Bakit Earl??

Eh kasi naman yung IVORY ang panget lang! AYOKONG MAGING ISANG SABON!!!

Parang tanga kasi yung author ipinangalan ako sa isang sabon.

Tapos yung PEARL. Yack lang ah. Isipin mo nga tatawagin kang Pearl? Perlas… tapos eto pa. kilala mo ba yung anak ni Mr. Krabs? Si Pearl Krabs. E diba balyena yon? So gusto mo maging balyena? Oh edi ikaw na lang!!!

Kaya kahit medyo tunog lalaki yung EARL. Mas okay na yun para saken!!!

Take note,  walang nagtatangkang manukso saken kasi kapag ginawa nila yun… HUMANDA sila saken! Mwahahahahaha!

a/n:  Yan po ang kaibigan ni Cherry. Parang baliw lang. Pero hindi man gumanti si Cherry sa mga kaaway nya… igaganti sya ng mga kaibigan nya sa pangunguna syempre ni Earl. Hahahaha.

Jett’s POV

Unang beses ko syang nakausap noong namimili kami ng clubs. Binago kasi ang system ng clubs dito sa HA. May mga clubs na matagal na kaming members pero kailangan naming bitiwan. Kailangan naming mamili kung ano ang mas makakapagbigay ng extracurricular points. Kasama kasi sa final grades namin yun eh.

Flashback

***Mula sa first week ng klase…

“ui, Cerise ano na? sasali pa rin kayo ng Journalism Club?”

“haaah? Oo. Malaki points nun eh.” – Cerise

“eh pano na yung Mathematics Club? Makakasali pa ba kayo ng Math Contest kapag hindi kayo sumali ng club?”

“yun nga eh. Pero baka kausapin na lang naming si Ma’am. Eto ngang si Earl, problema nya pa yung Daughters of Mary kasi kinukuha sya bilang president” – Cerise

“ahhh… yun ba? Baka kausapin ko na lang moderator naming tungkol dun. Tsaka baka pumayag naman si Sir Chris kahit sumali ako sa Daughters of Mary. Alam mo namang matanda na yung moderator namin tsaka wala ng sumeseryoso nung club na yun, kami-kami na nga lang yata ng mga kaibigan ko eh.” – Earl

Wow… medyo napahanga ako dun ah. Marami kasing naiinis sa moderator nila kasi laging late magpauwi pero sya….

“eh ikaw ba Jett? Diba part ka ng Servers of Jesus? Pano na yun?” – Earl

Haaa? Ano daw? Kinausap nya ko? Hahaha. Obvious ba?

“ewan ko nga rin eh. Pero baka pwede pa rin naman kaming magserve.”

“aaahh… okay. Basta ako Journalism Club na lang muna isusulat ko.” – Earl

End  of Flashback

Ngayon ko lang sya nakilala. Ngayon ko lang nakausap ng malapitan. Hindi ko akalain na sya pala ang magpapabago ng isang bagay na matagal ng naging parte ng pagkatao ko.

Hindi ko akalain na ang pag uusap na yun ay ang…

START ng lahat.

Author’s Note:

Current list ng mga organizations sa HA

Student Council and Discipline Council - na explain ko na sa ibang chapter. Wag tayong paulit ulit.

Journalism Club – gumagawa ng newspaper

Daughters of Mary – mga taong nagpapakabanal. Laging nagrorosary. Basta mga bagay-bagay na tungkol kay Mary.

Servers of Jesus – altar servers, for short mga sacristan to.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon