Chapter 5 - Close?!

70 3 7
                                    

Chapter 5

Author’s Note

Last Chapter na to na hindi nyo kilala yung guy!!!

-.-.-.-.-.-.-.-

Feeling ko ang boring neto. -______-

Cherry’s POV

.

.

.

Namamaga ang mata ko.

-____________-

Yan ang bumungad saken pagkagising ko. Nagulat pa nga ako sa sarili kong pagmumukha. Hindi na tuloy ako cute. Wahahaha, nababaliw ako sobrang aga pa! Actually mas gugustuhin ko pang magpakabaliw na lang kesa isipin yung nangyare kagabi. Aishhh.. wag na ngang isipin yun!!!

Hindi muna ko bumaba. Hinayaan ko munang mawala yung pamamaga ng mata ko. Hindi na din ako kumain. Makikita lang ni tita tong panget kong mga mata tapos mag-aalala lang sya. Narinig ko na yung busina ng service ko. Pagtingin ko sa salamin. Oks na! hindi na masyadong halata. Nagmamadali akong bumaba para hindi ako makita ni tita. Aalukin pa ko ng breakfast nun eh.

Paglabas ko, nakita ko si daddy na kausap si Ka Rony. Okay. Siguro sasabihin nya na wag akong iiwan kapag late na kong umuwi. Bahala na nga siya. Ayokong masira araw ko.

Pagkapasok ko sa service nag goodmorning ako at natulog agad. Ayokong mahalata nila na namamaga ang mata ko o kaya naman na malungkot ako.

------------------------------------------->

-----ScHoOl----

“anong sinabi ng daddy mo?”

“haaa? Ano wala… okay lang naman eh” sang banda ang okay dun Cherry? Pero mas mabuti na yun, ala nga namang sabihin ko sa kanya na mas lalo akong pinagalitan dahil hinatid nya ko at dahil dun napagkamalan syang boyfriend ko. Teka! Oo nga no. Mas pinagalitan ako dahil kasama  ko sya. Bakit hindi ako nagagalit… ??? aba malay ko sa sarili ko.! hahaha! Nako tama na nga yan.. kahit naman anong mangyare kahit wala sya mapapagalitan ka pa din. Edi mas okay na yung hinatid ka nya at least sulit yung galit ng tatay ko. What? Napagalitan na nga ako, naglalandi pa din!

“tsss… okay yang itsura na yan?”

“baket ano bang itsura ko?” tanong ko. Hala baka hindi na talaga ko cute. Mukha na ba kong monster dahil lang sa mga mata ko. Pero nung umalis ako ng bahay hindi naman na sya ganung kamaga… hindi na nga nahalata ng mga ka-service ko tapos sya nahalata nya…

“mukha ka kayang abnormal!”

Huh? Ano daw? Mukha daw akong abnormal… WHAT THE HECK!! “ABNORMAL? Saan naman nanggaling yun?” kala ko talaga nahalata pa nya na namamaga yung mga mata ko… hindi pala. -____-

“bwahahaha! Eh pano kanina pa ko salita ng salita dito tapos hindi ka nakikinig. Baka kapag kinuwento ko ang buhay ko sayo, wala ka man lang ma-absorb”

Kala ko pa naman seryoso usapan namin, hindi pala. Puno pa rin pala ng lokohan at inisan ang pag-uusap na to. “bakit ano bang sinasabi mo?”

“wala.”

“haaa? Anong wala.” Pesteng yan. Anong wala.

“wala. As in wala naman talaga akong sinasabi eh! Hahahaha!”

-_________-

Nasabihan pa ko ng abnormal tapos wala naman pala syang sinasabi. Minsan ang labo talaga nito eh. Ay, hindi pala minsan, lagi pala syang malabo kausap.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon