Chapter 18 - Since when???!

36 2 3
                                    

Chichirya’s Note:

Dapat kadugtong pa ito ng chapter 17, kaso tinamad ako kaya hiniwalay ko na lang. mwahahahaha.

Chapter 18 – Since when???!

Michelle’s POV

“magkakilala sila? Paano?”

.

.

.

“aaaaah. Oo. Matagal na. Baket?”, nagtatakang tanong sa akin ni Mocha. Sino ba naman kasing hindi magtataka kung out of the blue kong tinanong kung magkakilala ba sila Earl at Spin.

“paano nga?”, ang demanding ko yata ah? Eh ano naman kung magkakilala sila. Si Spin naman ang No. 1 FC dito sa HA kaya bakit pa ako nagtataka kung magkakilala sila.

“bakit mo ba kasi tinatanong? Pero… magkakilala na yang dalawa na yan since pre-school. Tagal na noh?”, aaaaah, since pre-school pa pala sila magkakilala. ‘di naman masyadong matagal…. WAIT!

“SINCE WHEN??”, nagulat ako… tama ba ang pagkakarinig ko?

“since pre-school. Sobrang gulat na gulat ka naman dyan. Hahahahaha!” – Mocha

“aaaaah. Hahahahaha. Hehehehehe. Wala. Wala…..”, wala na akong nasabi. Ngayon ko lang din kasi nalaman na ganun na pala sila katagal magkakilala…

Nakita kong umalis si Spin… san punta yun? Di pa naman tapos magbantay ang Discipline Council ah….? Dahil nawalan ng kausap si Earl ay lumingon ito sa amin…

“Mocha na EPAL! Ang bagal nito. Kanina pa kita inaantay ah!”, sigaw ni Earl sa amin. Pansin ko lang, laging nagtatawagan ang dalawa na ‘to ng EPAL… napaka-sweet nilang magkaibigan.. *note the sarcasm

“teka lang naman po EPAL diba? May kausap kasi eh.”, sagot naman ni Mocha kay Earl. Sweet talaga nila noh? Grabe lang… -_____-

“Mich, uwi na talaga ako. Naiinip na yung KAAWAY kong EPAL.”, sabi ni Mocha sa akin, habang pinagdidiinan yung kaaway at epal.

Dahil desperada na akong umuwi, pero umiral ang pagkapasaway ko at ayaw ko pang bumili ng kouhai…

“wait lang naman Mocha! Isama nyo na rin ako sa paglabas nyo!”, pagmamaka-awa ko kay Mocha.

“-_____- pwede naman ba yun?”, nagdududang tanong ni Mocha sa akin.

“eh malay ko. Hehehehehe. Malay mo maniwala sila na magkasama tayo sa kouhai?”, sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

“wait… tawagin ko si Earl… EARL! LIKA DITO!!!”, kung makasigaw si Mocha kay Earl, kala mo sobrang layo ah… hahahaha

Lumapit na si Earl sa amin….

“oh bakit? Kala ko ba uuwi na tayo at kakain? Tagal naman oh…”, pagmamaktol ni Earl sa amin

“sabi ni Mich, labas din daw natin sya.” – Mocha

“eh bakit? Bili na lang agad sya para tapos na…” – Earl

“malay ko ba dito kung bakit ayaw pa.” – Mocha

“aiiish. Sige na nga. Lika na. Bilis!!! Gutommmmm na akoooo.!” – Earl

Inaya na ni Earl yung dalawa pa nilang kasama kanina. Di ko alam kung ano pinagka-abalahan nila habang nag-uusap kami. Mukhang na-bored sila kaka-hintay sa akin ah.. sorry naman… (_____ ______)

Paglapit namin sa gate ay ang saktong pagbalik naman ni Spin. Yung ibang officers naman eh lumayas. Ewan ko kung baket. As usual kausap na naman sya ng kausap sa kung sinu-sino. Di ko naman sya pinansin, basta nagdire-diretso na agad kame palabas

Kaso….

Hinarang nya kami.

“nasan yung index card nyo?”, ala ka patay kami neto, di naman ako ang nakasulat dun sa index card nila.

“bakit kailangan pa nun? Naiwan ko sa bahay eh, nagpalit kasi ako ng bag. Padaanin mo na lang kami.” – Earl

“eh yung index card nga, para malaman ko kung may kouhai na talaga kayo….” – Spin

“bumili na nga kami eh… kulit mo naman.” – Earl

“index card nga sabi…” – Spin

“padaanin mo kami kung hindi sasapakin kita”, wow brutal ni Earl ah

“hahahaha, asa namang kaya.”, sabi ni Spin habang playfully nyang niyuyugyog si Earl

“waaaaah. Tigil-tigilan mo yang ginagawa mo.  Palabasin mo na kami… Bilis at nagugutom na ko. Kilala mo naman ako okay lang yan.” – Earl

Ganyan ang usapan nila pero parang nagkakatuwaan naman sila. Alam mo yung ganung type ng pag-uusap? Yung nag-iinisan tapos parang napipikon na kayo pero maya-maya lang okay na ulit? Tatawa na ulit kayo? Ganun kasi yung nakikita ko sa kanila. Dati naman di ko napapansin na close pala silang dalawa, bihira naman kasi sila mag-usap eh pero ngayon habang tinitingnan ko parang close nga silang dalawa.

Sana maging ganun din kaming ka-close…

O_______O ano nga ulit sinabi ko sa isip kooooo? Di sa akin nanggaling yan ah!

“uy, Mich! Tara na!” – Mocha

“ah, wait!” nakita ko kasi sila Mocha at Earl na nakalabas na pala nung gate, sumunod naman ako. Sa kaka-isip ko ng kung anu-ano di ko namalayan kung paano nakumbinsi ni Mocha si Spin. Di ko na tiningnan yung lalaki sa gate baka kasi kung ano na namang kalokohan pumasok sa isip ko.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon