Chapter 6 - Girl No. 2

53 3 24
                                    

Author’s Note:

Sobrang tagal kong hindi nag UD!!! Grabe!!

Chapter 6 – Girl No. 2

Sabi nila masyado na daw akong nagiging ‘bitch’

Sabi nila masyado na daw akong nagiging possessive…

Pero ano ba ang alam nila sa nararamdaman ko…

Hindi naman dahil bitch ako wala na akong nararamdaman.

Tao lang din ako… nahihirapan.

Nakakaramdam din ako ng lungkot at pagnanais na maging masaya!

a/n: remember sa chapter 1 may nakabangga kay Cherry kaya medyo nasira ang morning nya??? Importante ang nakabangga na yun sa story na ito kaya naman ipapakilala na sya ng author

Her POV

Ako si Autumn Stacy San Jose at alam ko matagal na na sobrang ganda ko. Hahahahaha! Nagmamadali akong pumunta sa library, hindi ko kasi nagawa yung assignment namen. Nakalimutan ko eh, bakit ba? Kaya magpapaxerox ako! Magandang gawain diba? Alam ko naman na sarado pa yung library pero syempre malay mo sinuwerte ako at bukas na pala. Aish… ano ba naman yan. May bumunggo saken, actually ako naman talaga ang nakabunggo pero dahil ako ang batas kaya sya nakabunggo saken… Tatanga tanga naman kasi nakita ng nagmamadali ako tapos hindi pa umiwas! Teka sino ba to? Nagmamadali na talaga ko eh. Tiningnan ko kung sino to at tingnan mo nga naman ang kapalaran. Ang aking self-declared mortal enemy. Self-declared kasi ako lang ang may alam na magka-away kami. Kaya naman pala hindi umiwas, naghahanap ba to ng away?

“oh Cherry??? Hindi ka man lang ba magsosorry sa pagkakabangga MO saken?” talagang pinagkadiinan ko yung MO na yun eh

“Hala, ako pa magsosorry sayo eh ikaw tong nakabangga saken?” tsss… yan ang sabi nya. Wala akong pakielam kahit ako pa ang nakabangga. Basta walang dapat bumabangga saken, lalo na kung siya pa ang babangga!

“alam mo ang aga-aga sinisira mo ang araw ko!” sumbat ko sa kanya. Totoo naman eh. Nagmamadali na nga ako papunta ng library tapos eepal pa sya at BUBUNGGUIN ako?

“eh ikaw din naman ah? Ang saya-saya ko tapos bubungguin mo lang ako?” alam ko naman na masaya talaga sya. Flooded kaya yung feeds ko ng mga pick up lines nila ni Spin. Yun nga ang isa pang dahilan kung bakit hindi ko naalala yung mga assignments namen. Binabasa ko kasi yung mga pagpapalitan nila ng pick up lines, then ayun nabadtrip na ako ng tuluyan at naisip kong matulog na lang.

“ang sarap mong sabunutan? Alam mo yun?” nakita kong medyo natakot sya. Aba dapat lang na matakot sya saken. Alam ko naman na walang laban yang si Cherry. Matalino nga pero duwag naman. Kaya feel na feel kong awayin to eh. Hahahaha. Napalunok sya ng laway nya tapos nagsalita na ulit sya. May isasagot pa pala tong babae na to?

“alam kong hinding hindi mo magagawa yan. Nasa school kaya tayo, kapag sinabunutan mo ko sigurado kong mapapatawag ka sa guidance office.” Whatever. So matalino na sya nyan. Sya na! sya na!

“tsss.. whatever Cherry. Duwag ka talaga!” duwag naman talaga sya. Kami magkaaway tapos tatawag sya ng guidance. tsss... wala kwenta. Pagkatapos nun umalis na ko. Hindi ko na din masikmura na makita tong Cherry na to. Kala naman nya cute sya porket maliit sya? Asa naman sya.

Nagmamadali na ulit akong pumunta sa library. At napansin kong pumunta naman sya agad sa mga kaibigan nya. At tingnan mo nga naman. Ang bilis nagbago ng mood? Biglang sumaya na ulit at mukhang kilig na kilig pa. Hinatak na agad nya si Cerise, yung kaibigan nyang kulot dun sa part ng amphitheater na wala masyadong tao. Bakit hindi nya sinama si Earl?

Nung dumating ako sa library. Sarado pa sila. BV talaga yang si Cherry eh. Kasalanan nya to. Wala naman akong magagawa kaya eto umupo na lang ako sa may part ng amphitheatre. Malayo to sa kinauupuan nila Cherry pero kitang kita ko pa kung pano nya kinakausap si Cerise. Iniisip ko kung ano ang pinagkukwentuhan nila at kinikilig sya ng ganyan. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip... Ah… Alam ko na kung ano kinukwento nito kaya kilig na kilig sya. Syempre yung nangyare kagabi sa facebook. Ang bobo ko talaga hindi ko agad naisip yun. Ano pa nga ba ang dahilan ng kilig nya, edi syempre si Spin lang naman diba?

Tiningnan ko sila. Masaya sila. Nagtatawanan. Naiinis ako dahil sa tawa nila. Actually kaibigan ko naman yang si Cherry noon. Kung magiging honest ako sa sarili ko. Mabait yan at higit sa lahat kahit honor student pa sya, hindi mo mararamdaman na mas mataas sya sayo. Sya kasi yung type ng honor na handa ka talagang turuan. Hahahaha. Oo tama kayo pinupuri ko nga si Cherry. 

Bakit ba kami naging magkaaway ngayon? Alam kong mababaw pero dahil to sa isang lalaki. Tama kayo si Spin nga. Wala naman talaga kaming relasyon pero ang alam ko wala rin naman silang relasyon ni Cherry. So hangga’t wala pa silang relasyon, anong masama kung makipagsabayan ako? Ganun naman daw talaga sa pag-ibig hindi ba? Ang magpabaya… talo. Kaya ako hanggang wala pang girlfriend si Spin, handa akong makipaglaban.

Nung oras na malaman kong nagiging close na sila ni Spin. Ang sabi ko sa sarili ko… lalaban ako ng patas. Pero lumalaban nga ba ko ng patas sa mga oras na ito? Feeling ko kasi hindi. Pero kahit yan ang sinasabi ng konsensya ko hindi ko pinapansin. Kasi sa tuwing nakikita ko na mas nagiging close sila, feeling ko inaagawan ako. Feeling ko may nawawala saken. Hindi ko boyfriend si Spin pero parang nagiging possessive na ko sa kanya. Tapos kapag nakikita ko si Cherry na nagiging masaya, katulad nga kanina... naiinis ako, parang feeling ko gusto kong maging malungkot ulit sya. Masama to pero hindi ko mapigilan! Kasi sa tuwing kasama ko si Spin feeling ko ang saya ko at gusto ko ako lang ang napapasaya nya. 

Isa lang naman ang hiling ko eh... 

ang maging masaya.

Masama ba yun?

Profile

Name: Autumn Stacy San Jose

Nickname: Autumn

Section: Season

Group: bitches…. Pwede na ring isama sa passers-by (actually depende sa mood ng author kung gusto nyang isama sa bitches si Autumn. Minsan kasi trip kong mabait sya. Mwahahahaha! Okay may mood swings ang author.)

Pano nagkadevelopan: tuksuhan (hahaha. Naaalala ko tuloy si czearmaine )

Traits: gusto lang makagraduate, trendy

Hindi naman masama na habulin mo ang kasiyahan mo. Pero tandaan mo lahat ng bagay may tamang paraan. Lahat ng bagay may limitasyon. Kung may nasasagasaan ka ng ibang tao.. siguro panahon na para tumigil ka na. kasi baka sila rin ang gusto lang naman nila ay kasiyahan…

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon