Side Story 2 Part 1 - Your Smile "The Past"

30 3 19
                                    

Author’s Note:

Welcome sa pangalawang side story ng Messy Love. Gawa po ito ng kabaliwan ng dalawang baliw.. si amedrops at LadyCerise. Sino ang kasama sa kwentong ito? May koneksyon daw to sa isang kwento ni amedrops? Ano nga yun? Zed Academy ba title nun?? Wahahahahahaha!

Side Story 2 Part 1 – Your Smile “The Past”

Minsan kailangan bumitaw

Minsan kailangan magpaubaya

Minsan dapat may nasasaktan

Kasi sabi nila kung mahal mo daw talaga ang isang tao, okay na kahit masaktan ka basta masaya sya….

Summer’s POV

Hi! Kilala nyo naman na ako diba? Ay hindi pa ba? Sad naman ako dun puro si Autumn na lang pinansin nyo sa nakaraang chapters kaya hindi nyo ko nakilala. Pero sige na nga papakilala na lang ulit ako.

Ako si Czearmaine Summer Flores. Ganda ng pangalan ko no? hahahaha. 17 na nga pala ko pero sabi nila isip bata pa rin daw ako. Sabi nila wala pa daw akong nararanasang paghihirap. Spoiled daw kasi ako sa mga magulang ko eh.

Pero sabi lang nila yun. Kahit nga si best friend Autumn ko walang alam tungkol dito sa pinagdadaanan ko. Katunayan pati na rin mga magulang ko walang alam. Kasi inililihim ko talaga ginagawa ko ang lahat para walang makaalam… kasi ang sabi nya kapag daw may nakaalam lalayuan na nya ko. Ayaw daw kasi nyang maging magulo ang buhay ko.

Pero lahat naman daw ng sikreto nabubuking eh. May nakaalam, at ayun katulad ng sinabi nya… iniwanan nya ko.

Alam kong minahal nya ko.

.

.

.

.

.

.

Yan kasi ang gusto kong paniwalaan.

Masyado na yata akong nasanay na itinatago ko to…

Kaya naman kahit wala na. kahit tapos na. hindi ko pa rin magawang sabihin kahit kanino…

Kahit sobra kong nasasaktan. Kahit kailangan ko ng makakasama. Kahit gusto ko ilabas ng nararamdaman ko,

Hindi ko magawa…

Hahahaha. Ang gulo ko ba? Hindi nyo ba ko naiintindihan? Ulitin ko gusto nyo?

Eto ah. Intindihin nyo ng mabuti!!!

13 years old ako nun. Kailangan naming pumunta sa ibang bansa. Ang totoo talaga nyan nagkasakit si daddy at kailangan nyang maoperahan. Pero hindi namin pinaalam yun kahit kanino. Ang sabi lang namin para to sa business. Na aasikasuhin lang namin ang business namin dun.

Malungkot ako syempre. Iiwanan ko ang mga bagay-bagay na minahal ko dito sa Pilipinas. Hindi kasi sigurado kung kelan ang balik namin. Hindi kasi tiyak noon kung ano ba ang magiging reaksyon ng katawan ni daddy sa operasyon.

Yung buhay ko dun naging sobrang lungkot. Maganda yung bahay namin. Sobrang peaceful… bagay na bagay talaga sa pagrerecover ni daddy. Nandun kasi siya malapit sa may dagat. Tapos wala kaming masyadong kapit bahay. Ang ganda ganda tingnan ng asul na dagat.

Sobrang busy ni mommy dahil sya ang nagmamanage ng business namin habang nagrerecover pa si daddy. Kapag naman nasa bahay sya, si daddy lang ang inaasikaso nya. Naiintindihan ko naman yun kasi mas kailangan ni daddy ng atensyon kesa sa akin.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon