Chapter 17 - Magkakilala sila?

52 1 0
                                    

Chichirya’s Note:

Wala lang. wala akong masabi basta ang alam ko ang panget nito. Pinagbigyan ko lang isang tao dyan na gustong naguguluhan si Mich.

Chapter 17 – Magkakilala sila?

Vanilla’s POV

July pa din po, wag mainip!

-__________-

Yan ay isang mukhang nagpapakita kung gaano ako ka-bored at naiinis dahil sa event na malapit ng mangyari.

Camaraderie Night!!!

Isang araw na pinakaka-intay ng lahat kasi may disco at pwedeng magbihis ng casual. Syempre nangunguna sa mga excited ang members ng group no. 8! Ang bitches! Aba… aba… panahon na kaya nila para rumampa sa school. Syempre inip na inip na ang mga iyan dahil lagi na lang kami nakasuot ng “walang ka-fashion fashion” na uniform. Pero para sa akin, sa mga kaibigan ko at sa kung sino pa man sa school na ito na may matinong pag-iisip… ang event na ito ay isa lang event ng GASTOS, PAGPUPUYAT at PAHIRAP! Gusto ko na ngang magpagulong-gulong dito sa harap ng mga kaibigan ko kasi ayaw ko talagang bumili ng kouhai…! Ang mahal-mahal kaya ng ginagastos sa kanila tapos wala din namang nangyayari! After ng event para ka na lang hangin sa kanila. Di ka na nila papansinin. Hmmmp! Boohooooo!

Camaraderie Night!

Ibig sabihin bawal na naman umuwi kaagad. At higit sa lahat gastos na naman! Kung bakit kasi nauso pa sa school na ito yung senpai-kouhai na iyan eh! Wala naman nangyayari, nagkakaroon lang lalo ng pera yung school.

Ang dami-dami kong reklama. Pansin nyo ba?? Kasi naman eeeeeeeeeeeeh! waaaaaaaaaaaaaah!

Pero sabi nila palakasan lang daw ang labanan para dyan eh. Kapag may kilala kang Discipline Council, pwede ka palabasin kaagad ng gate. Kapag may kaibigan ka naman sa Student Council, ‘di mo na kailangan makipag-bidding. Diretso bayad ka na lang sabay uwi! Bwahahaha! Eh kaso wala naman akong ka-close na DC at SC… oh edi pano yun. Tatanga na lang ako ng matagal dito. Kuh! Parang lagi naman nangyayari to… every year na lang!

Hayyyyy… sino kaya ang makakasama ko sa pagbili ng kouhai ngayon? Si Eri na lang siguro. Dapat matanong ko na siya kasi baka mahanap pa ng ibang kasama yun. Aissssh. Magkasama naman kami ngayon eh bakit ‘di ko pa tanungin? Bwahahaha! Baliw talaga ako kahit kelan.

“uyyyyy… Eri! Sama tayo sa kouhai ah!” – ako

“oo naman sige. Pero pwede naman yata na tayo lahat magkakasama eh. Okay lang ba sa inyo yun?” tanong naman sa amin ni Eri

“aaaah. Tayong lahat? Pwede ba yun… ilan ba tayo… Ikaw, Mich, Lianna, at ako. So apat tayo? Pwede bang ganun kadami?” pagsisigurado ni Via

“oo naman. Kaso mas malaki yata yung minimum bid natin kapag ganito tayo kadami?” dagdag naman ni Lianna

“parang ganun nga yata yun? eh si Mocha ‘di sasama sa atin?” tanong ko naman. Malay mo naman wala pang kouhai yun tapos kinakalimutan na naming.

“aaaah. Pagkaka-alam ko kasi may plano na sila nung kaibigan nyang si Earl.” Sagot sa akin ni Eri.

“ah, okay. So yun na. kelan naman tayo bibili?” tanong ko ulit. Dami ko talagang tanong.

“wag na muna ngayon. Kakatamad! Umuwi na lang muna tayo ngayon! Hahaha.” Sabi ni Via habang nag-uunat unat at nagreready ng umalis.

“oo nga… di pa naman kasi malapit yung event kaya maluwag pa sa pagpapalabas yung mga DC.” – Lianna

Since sabi nila pwede pa naman kaming lumabas at dahil tinatamad din naman ako… sino ba naman ako para hindi sumang-ayon di ba? hahahaha

Pinalabas nga kami ng gate! Pero may natandaan ako!

Sigurado akong ‘di nyo naiintindihan pinagsasabi ko sa chapter na ito. Ano yung bidding nay an? Bakit may Camaraderie Night? Bakit may kouhai at senpai? Feeling Japanese ba yung school naming? Nitatamad kasi ako mag-explain. Pero dahil baka maguluhan kayo… sige na ngaaaaaa. Kahit napipilitan lang naman talaga ako…

Ang Camaraderie Night ay ginagawa para daw ma-promote ang camaraderie sa pagitan ng mga estudyante. Kaya nga Camaraderie Night ang tawag eh, diba?. Every year yang ginagawa dito sa Heartbreak Academy. Yung mga transferee at freshman ang nagiging kouhai tapos yung mga old students most especially ang mga seniors ang nagiging senpai.

Dun sa may amphitheter, aakyat yung freshman o kaya transferee tapos i-bid sya dun. Parang auction.. alam nyo yun? Kapag maganda/ gwapo/ sikat ka… nako! Sigurado akong pag-aagawan ka ng mga senpai. Tataas ng tataas ang price mo, may mga time pa nga na umaabot yan ng libo.

Sa mismong araw ng Camaraderie Night, parang nagmomodel yung mga kouhai suot yung PINAGKAGASTUSANG costume ng mga senpai nila. Parang contest yan tapos kadalasan yung mga maganda/ gwapo/ sikat yung nananalo. Kaya nga nagbabayad ng malaki yung mga senpai sa kanila kasi para sa mga fourth year kapag nanalo may mataas na grade.

Actually fourth year lang naman talaga ang pinaka-required na bumili, pero yung ibang levels bumibili din kasi wala lang. Trip lang nila. After mag model echos ng mga kouhai, DISCO na. at super wild nung iba dyan.

Ayan na-explain ko na ah! Magulo talaga yan… nung first year ako naguguluhan din ako dyan. Kung di mo naintindihan, pake ko sayo… bwahahaha! Bahala ka na!

SA SUSUNOD NA LINGGO…..

Okay… -____- ayan na nga po ba ang ayaw naming mangyari oh! Ang panahon ng pwersahang bidding at pagbili ng kouhai.

BAWAL LUMABAS NG BUILDING!!!

>:) pero ayaw pa din naming bumili! Matitino kaming bata eh! Ang dami kayang nagbibid tapos kapag ganyang maraming tao… sure na agad na pataasan ng bid yan. Ayaw ko nga… sayang naman pera ko kung makikipagtaasan ako sa kanila.

Nakita ko si Mocha! Kasama nya yung kaibigan nyang si Earl at Cerise na taga-section Rose at si Rhian na taga-section *****. Tinawag ko sila kasi mukhang palabas na sila ng building.

Chichirya’s note: di naman po masasama sa kaguluhan na to si Rhian, kaya di ko na pinagtuunan ng pansin yung pag-iisip sa section nila. Sorry po.

“Mocha!” – ako

“oh Mich, baket?” – Mocha

“may kouhai na kayo? Tapos na kayong mag-bid?” – ako

“oo, matagal na.” – Mocha

“magkano naman?” – ako

“500 lang. yan yung minimum kapag apat ang senpai eh.” - Mocha

“oh? Paano nyo nagawa yun? Kadalasan kaya laging tumataas sa minimum yung bid” – ako

“hahahaha. Eh ganun talaga. Itong si Earl kasi, para-paraan din. Di na pinaakyat ng stage para i-bid. Diretso bayad na lang kami.” – Mocha

“aaaaaay! Ang daya nyo! Gawin nyo din sa akin yun para di na kami masyadong gumastos pa!” – ako

“eh di naman ako gumawa nun. Tsaka di ko kaya yun… pagawa mo kay Earl….. wait… NASAN NA YUN?!” – Mocha

“aaah. Ayun? Sa may gate? Kausap si Spin?” – ako

“ah! Oo nga! Epal lang talaga oh! Nang-iiwan… sige alis na ko. Kaya mo yan!” – Mocha

“ah wait!” di ko alam kung bakit ko siya pinigilan at kung bakit ko ba itatanong ang susunod kong tanong. Basta nauna ng gumalaw ang bibig ko.

“magkakilala sila? Paano?”

Chichirya’s note:

Patawarin nyo po ako sa mga ginamit kong napaka-corny at walang kabuhay-buhay na pangalan para sa event.

Camaraderie Night… Kouhai… Senpai…

Diyos ko. Ang hirap umisip ng ipapalit sa mga original na tawag dyan sa school namin. Dahil wala akong maisip.. Japanese name na lang yung iba.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon