Side Story 1 Part 2 - Black and White "The Lost Paper Bag?"

40 3 18
                                    

Side Story 1 Part 2 – Black and White “The Lost Paper Bag?”

Chichirya’s POV

Kasalukuyan pa ring nasa Camaraderie Night ang mga estudyante ng Heartbreak Academy. Tapos ng rumampa ang mga kouhai. May mga masaya dahil nanalo ang kouhai nila pero meron din namang hindi. Pero ano pa nga bang magagawa, eh natapos na. Better luck next time, yun ay kung may next time pa. Kawawa naman ang mga seniors na hindi man lang naramdaman na manalo ang kouhai nila.

“Oy! Sino dyan ang model?” tanong ng isang officer ng DC

Kahit na nagluluksa dahil sa pagkatalo ng kouhai nila ay napalingon naman sina Earl dahil sa tanong na ito. Lahat kasi ng mga seniors ay under sa mga DC officers. May kanya kanya silang unit o sa madaling sabi ay group at isa na nga sa mga unit na ito ay ang models. Anong ginagawa nila sa mga units na yun? Wala lang… isang malaking sagabal sa Biyernes ng mga mag-aaral. Imbis kasi na umuwi ay kailangan pa nilang mag-stay ng isang oras para lang dito. Medyo angat ang unit na models, pero hindi sila nagpopose pose sa unit na yan ah. Wala rin naman silang ginagawa pero sila daw nagsisilbing gayahan ng mga seniors when it comes to discipline. Sus. Kala mo naman totoong disiplinado ang mga kasama sa unit na ito.

“Ako, bakit? Anong meron?” tanong ni Earl

“Magbantay ka ng gate, bigyan kita ng merits.”

Ang merits ay mga plus points na binibigay ng officer, kapag naman nainis mo sila ay bibigyan ka nila ng demerits which is equivalent sa punishment. Ang mga punishment? Kung anu-ano… pero patok na patok ang push ups, favorite yan ng mga officers eh.

Kayabang naman neto. Maka-utos eh wagas. Sabi ni Earl sa isip niya. Tatanggi sana si Earl dahil well, tinatamad sya at party ngayon. PARTY. Hindi panahon para magbantay ng gate. Duh! Kaso nga lang, hindi pa sya nakakasagot ay lumayas na ang officer na yun. Bastos. Tsk, para sandali lang sila nagka-usap eh naiirita na sya.

“Bwiset na officer yan. Ang bastos.” Inis na sabi ni Earl sa mga kaibigan.

“Pupunta ka?” tanong naman nila sa kanya.

“Eh kailangan daw eh. Bigyan pa ako ng demerits nun, mahirap na”

“Mula ng maging officer yun, yumabang pa lalo.” – Cerise

“Kaya nga eh.” – Earl

“Kala nya kung sino na siya porke pwede niya tayong bigyan ng demerits.” – kaibigan nila mula sa ibang section

Kaklase kasi ni Earl at Cerise ang officer na ito noong 2nd year at 3rd year. 2nd year pa lang ay talagang inis na sila dito. May itinatago kasi itong kayabangan sa katawan. At ngayon nga na naging officer na ito ay unti-unti na niyang inilalabas ang kayabangan na ito. Kilala naman ito ni Mocha at ng isa pa nilang kaibigan dahil madalas nila itong mapag-usapan dahil nga sa kanyang taglay na kayabangan.

“Baka naman ginagantihan ka?” – Mocha

“Bakit naman?” – Earl

“Binasted mo eh.” – Mocha

Napataas naman ang kilay ni Earl ng dahil sa sinabi ng kaibigan. Matapos ay tinapunan niya ito ng isang hindi kaaya ayang tingin.

“Nyeh… walang kwenta.”

Walang kabuhay-buhay na sabi ni Earl. Ayaw naman kasi niya talaga sa lalaki so anong paki nya. Noon pa man ay naiinis na siya dito, kaya naman ng nalaman niya na may gusto ito sa kanya ay agad na niyang ipinakita sa mga kilos niya na wala siyang panahon para sa kanya. At noong tinanong siya nito kung pwede ba siyang ligawan ay agad niyang sinabing hindi. Well, pranka siya eh. Wala ng paligoy-ligoy pa.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon