Chapter 4 - Emotions

118 3 13
                                    

Author’s note: wag po kayong magagalit saken dahil sa chapter na ito mananatiling mystery ang pangalan nung guy. Siguro sa chapter 6 makikilala nyo na sya.

Chapter 4

Cherry’s POV

“haaaaa….??? O_______o nagulat ako dun sa sinabi nya. Hindi pala nagulat, NAWINDANG ako!

“ahahahaha! Wagas ang itsura mo!”

Eh pano ba naman nanlaki yung mata ko dun sa sinabi nya tapos nakanganga ako kasi hindi ako makapaniwalang tatanungin nya ko ng ganun. Wait… TAMA! Hindi nya ko tatanungin ng ganun, imposible… malamang nagjojoke lang to…

“hoy, jinojoke mo na naman ba ko? Hindi ka na nakakatuwa ah!” – Cherry

“joke lang pala sayo yun? Matapos kong maglakas loob na tanungin ka, iisipin mo joke lang yun. Sabihin mo kung ayaw mo…” -_____-

Grabe. Nagjojoke lang ba to oh ano, hindi ko alam gagawin ko! Hindi ako mapakali dun sa kinauupuan ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya tapos mukhang sobrang syang nasaktan nung tinanong ko kung nagjojoke lang ba sya. Hindi ako makatingin sa kanya pero alam kong dapat akong magsorry…

“ahhh… ano kasi…. So----“ magsosorry na dapat ako kaso narealize ko na nagpipigil na naman pala sya ng tawa.

“aaaaah! Sabi na nga ba eh joke mo lang to!” sayang kala ko pa naman totoo. hahaha >___< joke lang

“hahahahaha! Ang sarap mo kasing pagtripan eh. Cute ka kapag nakangiti pero mas nagiging cute ka kapag napipikon ka na!”

>////////////////////////<

Ayan na naman yang cute na yan eh! Kahit ilang beses na nyang sinasabi saken yun habang nandito kami sa jeep, kinikilig at namumula pa rin ako.

Pero teka, parang may mali.

Hindi na kami umaandar…

Nung tumingin ako sa harap, nakatingin sa amin yung driver ng jeep. Hindi bastang tingin… ang sama, parang galit na?

“hoy mga bata kayo! Hindi pa ba kayo bababa? Dulo na to ng byahe ko. Landian kayo ng landian dyan. Bumaba na kayo para makauwi na ko sa pamilya ko!” holo! Galit na si manong driver. Kung kanina nung sumigaw ako medyo relax pa sya, ngayon wala na talaga. Kaya naman hinawakan ko yung kamay nitong katabi ko at hinila ko na pababa…

“sorry manong driver! Sorry talaga… sige uwi ka na sa……” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang ng tumakbo paalis si manong driver. Wow. Mukhang miss na miss nya na ang pamilya nya. Hinatak ko na sya papunta sa bahay namen… medyo mahaba rin kasi ang lalakarin para makarating talaga dun sa may amin.

Lakad….

Lakad…

Lakad…

“ehem, ehem….”

“EHEM!!!”

Bakit ba sya ganun ng ganun? Tumigil ako at humarap sa kanya. “ano ba yang plema mo! Idura mo na yan!!!”

“kadiri ayokong dumura sa public place… at wala akong plema”

a/n: ang arte po nung guy. Pero tama naman sya wag tayong dumura sa public place pati ang author nababadtrip sa ganung tao

“wala ka palang plema, eh bakit ka ehem ng ehem dyan?” – Cherry

“kasi parang nasasarapan ka na…”

“nasasarapan sa alin? Kumakain ba tayo?” – Cherry

“hindi naman kasi iyon eh.”

“eh ano ba?” – Cherry

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon