Chapter 2 - Her Friends

113 4 32
                                    

Author’s note:

Hindi dapat ako mag UUD kasi it’s so nakakatamad. Pero dahil sa vote at comment ni green_memoboard, na inspire ako. Salamat sa pagbabasa!!

Chapter 2

Ouch!

Ano ba naman yan. Ang aga-aga nakakabadtrip. Kung bakit ba naman kasi hindi tinitingnan yung dinadaanan nya tapos ako pa yung sisisihin samantalang sya naman talaga yung may kasalanan. Tatarayan, iirapan, kulang na lang sabunutan nya ko dahil lang nagkabanggaan kami, sya nga tong nagmamadali. Hindi naman ako magaling sa ganyan, baka kapag nakipag-away ako dun ako lang matalo mukha pa naman syang kasama sa Group 8, ang mga bitch. Mga bitch pa naman dito sa school, wagas. Hintayin nya muna mga kaibigan ko para naman mareresbakan sya agad. Ay! Hahahaha! Hindi nga rin pala magaling sa tarayan yung mga yun. Parang ang dami kong kaibigan noh? Dalawa lang naman sila. Pero yung isa maldita yun kaya pwede na rin.

Pero teka lang, dapat kasi good mood ko ngayon eh. May ikukwento pa naman ako…

Relax lang Cherry, relax lang.

Hindi bagay sayo ang galit, hindi ka na magiging CUTE!!! Bwahahahaha!

Speaking of my friendssssss, hayan na sila sa usual namin na tambayan. Yung part ng amphitheater na katapat nung room naming. Naguguluhan ba kayo kung bakit may amphitheater? Kasi yung high school building parectangle sya tapos may amphitheater sa gitna. Dun kami madalas gumawa ng activities. Example nga yung Flag Ceremony. Yan yung tuwing umaga, nagdadasal tapos kumakanta ng Bayang Magiliw este Lupang Hinirang pala.. hahaha, ako ba talaga valedictorian? Bobo ko naman... nagets nyo ba? Hindi? Ahhh basta yun, kapag hindi mo na-gets bahala ka na lang.

a/n: pasensya na po, matagal kong inisip kung pano i-dedescribe yan pero hindi ko talaga kaya. Intindihin nyo na lang po. :(

Pinuntahan ko sila. Hihihi. Hindi pa nga ako nagbababa ng gamit ko pero pinuntahan ko na sila.

“Good morning!!!”

“Hahaha, good morning Cherry!” yan si Cerise. Hahaha. Ganda ng pangalan! Actually type ni author yung pangalan na yan. Kinuwento ni author sa kaibigan nya na type nya yung pangalan na Cerise, sabi sa kanya, sige daw ligawan nya. Hahaha, barado si author. Kawawa naman!!!

“Ohayou, Cherry-chan!!” si Earl naman yan. Sya yung maldita kong friend. Pero hindi mo aakalain na mahilig sa anime yan. Uhhmm.. babae po si Earl. Bakit Earl? Hayaan na po natin syang magpaliwanag sa sarili nyang POV.

Sila yung mga friendssss ko. Mga kaibigan at classmates ko din sila nung 3rd year. Medyo ayaw kasi naming talaga namin ng section naming ngayon eh kaya konti lang ka-close namin. Pero kahit ganun… tiis-tiis na lang, wala naman magagawa eh.

Tumayo ako sa harap nila na may bonggang-bonggang ngiti!!! Yay! Ikukuwento ko kasi yung banatan session ko with HIM. Kinausap ko si Cerise. Sabi ko dun muna kami sa walang makakarinig. Bakit hindi kasama si Earl? Hindi naman sa ayaw ko syang kwentuhan… hindi lang kasi sya masyadong interesado kapag tungkol sa love ang usapan. No comment lang sya… eh iniisip ko baka naiinis sya saken kapag kwento ako ng kwento na hindi naman sya interesado.. kaya ayun si Cerise na lang kasama ko sa kalandian. Hahahaha!

Eto na nga, nagkukwentuhan kami ni Cerise!

Iiihhhh! hahahaha! Tawa kami ng tawa!!! Sinasabi ko kasi sa kanya yung mismong pick up lines saken ni guy. Hahahaha. Kaso biglang na-feel ko na hindi na masyadong tumatawa si Cerise. Bigla nya kong tinanong…

“gusto mo na ba sya?”

“haaaa? Bakit mo naman naisip yan?” sabi ko

“anong bakit? Tingnan mo nga kinikilig ka kaya…”

“hindi noh! Natutuwa lang ako.”

“sure ka ba? Kahit ano... konting like lang?”

“oo nga. Alam mo naman na naglolokohan lang kami nun.”  

“sige bahala ka. Sabi mo eh. Hahahahaha! Tawa na nga lang ulit tayo! Hahahaha”

Uhmmmn… so ayun po nabaliw na si Cerise. Pero napaisip ako sa tinanong nya. Imposible yun. Naglolokohan lang kaya kami.

Earl’s POV

 Hahaha. Wala lang. Isa rin po akong baliw. Yung sa pangalan ko next time na lang ulit. Excited ka?

Iniwanan nga nila ko dito kaya ayun, nagbasa na lang ako. Mahilig po akong magbasa. Alam ko naman kung ano ikukwento ni Cherry eh kaya hindi na din ako interesado. Stalker kasi ako sa facebook. Joke. Nakikita naman kaya sa feed, wala lang talagang computer yang sila Cerise kaya hindi nya alam.

Hmmmnn… seryoso kaya yung lalaking yun???

a/n: Kilala na ni Earl yung guy? Hahaha, galing naman nya hindi ko pa nga pinapakilala eeeh. 

Cerise POV

Natutuwa naman talaga ako dun sa pick up lines nila Cherry. Kaso nga lang parang…. Ay ewan bahala na nga, basta masaya sya. Tsaka tulad ng laging sinasabi ni Earl sa amin, malaki na kami at kaya na naming ang mga sarili namin….

Kriiiiiiinggg! Tunog yan nung morning bell. Walang kokontra!!

Cherry’s POV

Ay! Hayan na yung morning bell. Makapasok na nga ng room! Baka Makita pa kami ni ma’am..

“Cerise, pasok na tayo”

“aahh.. sige sige.”

Tapos sinigawan namin si Earl, papasok na kasi sya hindi man lang kami hinintay.

Wag mong lolokohin ang love, hindi kasi yan joke. Sige ka baka dahil sa kakaloko mo, ikaw ang maloko...

Author’s note:

Ang panget noh? Ipapakilala ko na din yung guy… wag kayong mag-alala.

pakitingin po yung nasa multimedia, Si Cerise po yung nasa left... si Earl po yung nasa right.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon