Chapter 10 - Teased... Classroom.

33 3 11
                                    

Author’s note:

Di ko alam kung saan nanggaling mga sinasabi ni Spin dito…

?____?

Chapter 10 – Classrooms… teased.

Autum’s POV

“Ui ui! Autumn!”

“aish! Tulog ka ba?”

Hahahaha. Aasarin ko muna to. Pakipot muna kahit konti hindi ba?

“ui ui. Kasi naman eh!!!”

Tapos tumigil na sya. Yun? Yun na yun? Itataas ko na sana yung ulo ko ng biglang tusuk-tusukin netong si Spin yung tagiliran ko. May kiliti ako dyan eh!!!

“hahahahaha! Ano ba yan Spin! Itigil mo nga yan! Ahahahaha anoo ba!”

“sabi ko na nga ba at hindi ka naman tulog eh!” – Spin

Tuloy pa rin siya sa pangingiliti saken. Ako naman tawa lang ng tawa. Ang lakas lang kasi talaga ng kiliti ko sa tagilian.

Unti-unti ng bumabalik yung mga sira-ulo naming mga kaklase. Nakita nilang kinikiliti ako ni Spin…

“oy Spin! Tsansing na yan ah. Sabihin mo na lang kesa yang ganyang sisimple-simple ka.”

Sabi nung isa kong kaklaseng lalaki na luko-luko. Asihhh. Anong tsansing? At anong sabihin na lang? tinigil ni Spin yung pangingiliti saken

“hoy ano pinagsasasabi nyo dyan?”

“ay ayan nagalit tuloy si Autumn. Feel na feel nya tapos pinansin nyo. Yan tuloy natigil ang paglalandian nila.”

Sabi yan nung isa kong kaklaseng babae. Aba close kami? kung makacomment sya wagas ah

“hoy babae! Close tayo?” pagtataray ko sa kanya

“tsss… bigla na lang sumungit samantalang kanina tawa ng tawa” sabi ni Storm kaklase ko din yan at isa sa mga pinakamalakas mang-asar.

Bigla nyang inakbayan si Spin sabay tanong…

“pare, kayo ba?”

“ayiiiiie….” Yung mga babae pati na din yung mga lalaki, ano ba to parang mga bading naman sila nyan

“ahhh yun ba? Matagal na kaya kaso inililihim lang namin” – Spin

Haaaa? Ano daw?

Anong pinagsasasabi nito?

“uy no comment si Autumn. Totoo siguro yun” – Storm

Humarap si Spin sakin, seryoso yung mukha nya tapos nagtanong sya…

“ikinahihiya mo ba ang relasyon natin? Bakit kasi ayaw mo pang ipaalam sa kanila?”

Lokong to ah… wala nga akong kaalam-alam sa mga sinasabi nya.

Pero sana nga kami… diba? Hahahaha

“aaaah… ano… teka… nga…. Lang…?”

“hindi makapagsalita si Autumn. Bakit mo kasi sinabi Spin? Hala baka mag-away kayo nyan. Tsk tsk tsk” – Storm

Nagsalita ulit si Storm kaso yung mas mahina

“pare, ayaw pala ipasabi ni Autumn bakit naman binroadcast mo pa? pwede namang satin satin na lang ah. Diba?”

“hindi mo kasi maiintindihan. Masakit eh. Masakit yung ganitong itinatago ng taong mahal mo yung relasyon nyo. Hindi mo pa kasi nararanasan to” – Spin

“hala naman Autumn. Iiyak na si Spin wala ka pa rin bang sasabihin dyan?” –Storm

“wag ka na kasing magalit sa kanya. Ayaw mo nun proud sya sa relasyon nyo?” – isang echuserang babae ang nagsabi nyan

“yung iba nga, yan ang gusto. Ipagsigawan na sila ang gf.. ikaw naman ayaw mo?” isa pang echuserang babae

“kung hindi ko lang talaga mahal itong si Autumn…” – Spin

“grabe pare, yan ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal???” – Storm

“ano namang ibig sabihin mo dyan Storm??” – Spin

“ang ibig ko lang naman sabihin ay… ganyan ba? Dahil mahal na mahal mo si Autumn… kahit parang ikinahihiya ka na nya, okay lang sayo?” – Storm

“hindi naman ako ikinahihiya ni Autumn! Sadyang may mga bagay –bagay lang talaga…” – Spin

“hanga na ko sayo, Spin. Balang araw tutularan talaga kita.” – Storm

“ahhh…teka nga lang… ano nga kasi…” sasabihin ko na dapat na wala akong kaalam-alam sa mga nangyayare ng…

“pffft,,, patawa kayong lahat! Naniwala kayo! Joke lang kaya yun!” – Spin

“guys… joke lang yun! Super nakakatawa kasi yung itsura ni Autumn kapag hindi nya alam ang nangyayare sa paligid nya” – Spin

Okay na sana kung totoo talaga yun eh.. kaso joke nga lang daw.

“ahhh… nakakainis ka. Kung anu-ano sinasabi mo hindi naman ako prepared!” yan na lang sinabi ko. Ayoko naman ipahalata na nadisappoint ako kasi hindi pala totoo

“ay joke lang pala yun?” – mga kaklase

“kala naman namin totoo na!” – mga kaklase pa din

“uy ano ba kayo! Jokes ang half-meant nga diba?” – singit naman nitong si Storm

“ay oo nga. Mamaya nyan totoo naman palang sila” – mga kaklase na naman

“eh pano natin malalaman kung ano ang totoo?” – mga kaklase na naman ulit

“aisssh… di na mahalaga kung ano ang totoo. Ang importante ay ito…

Si Spin at Autumn ay may relasyon!

Kung ayaw nilang aminin na totoo naman pala yun… edi hayaan na lang natin sila. Basta dito sa loob ng section Season… SILA!!

Diba? Diba???” masayang masayang sabi ni Storm sa naging conclusion nya

“oo nga pwede na yun!” – sang ayon naman ng mga kaklase ko

“ayieee! Couple ng section Season!” si Storm na nababaliw na

Wala na kong masabi… okay lang yan. Feel ko naman eh

Hahahaha! Feel na feel ko….

Kala mo ba walang nakakakita? Kala mo walang nasasaktan? Meron Spin meron! Lahat na lang ba Spin laro? Lahat na lang ba joke? Alam kong palabiro kang tao pero hindi mo alam may pinapaasa ka na pala.. Hindi buo ang loob mo… hindi ka seryoso. Pero kahit ganun.. mahal. Mahal pa din kita! Nararamdaman mo ba o sadyang kulang pa?

Author’s Note:

Ang joke lang nito. Hahahahaha!

yung nasa picture --------------> 

RAIN then STORM

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon