Chapter 13 - Another Chapter

63 3 17
                                    

Author’s note:

Feeling ko yung iba naguguluhan na sa takbo ng storya ko. Magulo naman talaga to. MESSY love nga eh. Pero may tatlong bagay akong gustong linawin.

*yung part ni Cherry at Autumn, sabay pong nangyayare yung mga yun. Lahat ng yun sa bandang end ng June nangyare.

*yung kay side story ni Earl. Naganap sya nung bago pa lang ang school year, kaya po dun sa isang chapter kay Cherry, close na si Earl at Jett

*ang mga side story po ay hindi kasama sa bilang ng chapter.

Chapter 13 – Another Chapter

Month: JULY

Nandito ako sa library. Tumitingin ako nung mga fiction na libro. Gumagawa kasi kami ng book reports. Sa isang school year kailangan mong magbasa ng 20 na books tapos lahat yun gagawan mo ng book reports. Requirement naming yan sa English kaya kapag malapit na ang pirmahan ng clearance. Nako! Ang dami talagang tao sa library kala mo lahat sila book worm. Ako naman nagstart na ako kaagad magbasa para hindi ako nagmamadali sa clearance. Wala na rin naman kasi saken yung pagbabasa, hilig ko na kasi yun. Kasama ko nga pala yung kaibigan kong si Eri. Naghahanap sya ng mababasang libro. Actually ako din ganun eh. Tinitingnan ko yung summary ng Wai.Wai.Wai. Bakit parang nakakarelate ako dito? Mahiram nga to mamaya.

Yay! At sa wakas nakahanap na rin si Eri ng hihiramin nya. Hehehehehe. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi kami nagmamadali? May klase naman talaga dapat kami ngayon eh kaso wala naman kaming teacher… absent na naman kaya pumunta na lang kami dito.

Napagisip-isip naming ni Eri na wag na lang muna umalis. Dito na lang namin sisimulan ang pagbasa dun sa hiniram naming libro. Ayaw din kase namin dun sa section namin. Badtrip talaga yung room na yun. Ayoko talaga sa section ko ngayon eh. Kung kelan pa ko naging 4th year tsaka pa naging nakakainis yung section ko. Pero no choice naman kami kaya nagtitiis na lang kami.

Kanina pa ko Eri ng Eri dito pero ako tong nagkukwento hindi nyo pa kilala. Ako nga pala si Vanilla Michelle Castro. Michelle o Mich yan ang tawag nila saken. Gusto ko din naman yung pangalan na Vanilla kaso nakasanayan na yang pangalan na yan eh. Wala talagang tumatawag saken ng Vanilla. Kagaya nga ng sabi ko kanina 4th year ako ngayon sa Heartbreak Academy, ang section ko ay Ice Cream. Nakakatuwa lang yung pangalan ng section namin. Dahil wala naman na akong masabi kaya pwede na yan.

Kala ko naman tatahimik ang buhay namin ni Eri dito pero may Spin na biglang dumating at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko si Eri at mukhang naintindihan naman nya ko. Tatayo na dapat kami kaso may biglang umupo sa tabi ko at biglang nagsalita.

“uy Strawberry, Vanilla! Aalis na ba kayo? Wag na muna kayong umalis. Dito na lang muna kayo.”

“ah ano kasi eh, kanina pa kami dapat babalik,, baka dumating na yung next teacher natin.”

“next teacher? Wala pa yun, 30 minutes pa oh. Dito na muna kayo oh…. Please!”

Wala naman akong magawa, bakit ba kasi hindi ako makatanggi sa lalaking ito eh, pero pano nga kung nandun na yung teacher namen! Nako bahala na nga!

Nag-aalala talaga ako sa next teacher namin eh. Tumingin ulit ako kay Eri…. Waaaaah… bakit galit to? Ay oo nga pala tinawag na naman sya ni Spin na Strawberry. Eh ayaw nyang tinatawag sa pangalan na yun. Bakit kaya ayaw nya eh cute naman.

“bakit ba Strawberry ka ng Strawberry dyan. Close ba tayo para tawagin mo ko ng ganun?” – Eri

Wag po kayong mag-alala. Hindi badtrip si Eri kay Spin. Likas lang sa kanila ang mag-inisan. Bukod kasi sa magkaklase sila nung 2nd year ay magkaservice pa sila.

Messy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon